Chapter 3

8.8K 142 0
                                    

Karisma's POV

Krrrrrriiiiiiiing!

Tumunog na ang aking alarm clock at exactly 5:00 am. Kaagad akong nagbihis at kinuha ang aking malaking bag. Kaagad akong nagpunta sa main door kung saan kami magkikita ni Nana Belen. Ang dilim ng buong bahay at napakatahimik ng paligid. Umupo muna ako sa napakalaking sofa namin sa sala. Hinaplos ko ang upuan ng sofa. Ito na ang huling beses na makakaupo ako sa ganito kagandang sofa. Pero alam kong tama ang desisyon ko. Maya-maya lang ay bumukas ang ilaw sa sala. Gising na si Nana Belen. Kaagad ko siyang niyakap.

"Maraming salamat sa tulong mo, Nana." Napakaswerte ko talaga at nagkaroon ako ng tagapagsilbi na katulad ni Nana. Matapos ko siyang yakapin ay kinuha niya ang kamay ko. Inilagay niya sa kamay ko ang isang susi.

"Para saan po ito, Nana?" Nagtaka ako kung ano at para saan ang susing ibinigay niya sa akin.

"Susi yan ng isa sa mga bahay na pag ma may ari ni Don William. Matagal na panahon na rin ang lumipas pero naroon pa rin ang bahay na yan. Basta, safe ka jan." Muli ko siyang niyakap at nagpasalamat ako. Kaagad kaming lumabas ng bahay. Naghihintay na si Donato sa labas ng mansyon. Sumakay na kami ni Nana ng kotse. Pinaandar na ito ni Donato. Pinagmamasdan ko ang mansyon habang palayo na kami. Ito na ang umpisa ng hamon sa aking buhay.

Ang layo pa ng biyahe. Ilang minuto na ang nakalipas pero hindi pa rin kami nakakalayo sa bundok. Sa sobrang antok, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Makalipas ang dalawang oras, ginising ako ni Nana Belen. Maliwanag na ang paligid. Tinignan ko ang oras sa aking wristwatch na suot. 7:15 am na pala. Nakita ko na nasa tapat kami ng malaking gate. Pareho ang yari sa gate namin sa bahay. Maya-maya ay bumukas ang gate at umandar ang aming sasakyan. Lumingon ako sa likod. Dalawang guwardya ang nagsasara ng gate. Napatingin ako kay Nana Belen.

"Hindi natin sila kalahi, Senyorita. Pero tapat silang naglilingkod sa pamilya niyo." Ngumiti si Nana. Out of curiousity, bigla kong tinanong si Nana.

"Nana, nakita na ba nila ang mama at papa?" Pakiramdam ko ay hindi pa nila nakikita ang mga magulang ko. Dahil kung nakita na nila ito ay baka matakot sila. Hindi naman nakakatakot ang hitsura nila pero may aura kasi minsan si papa na nakaka goosebumps. I cant believe na sa akin mismo nanggagaling ang mga ganitong bagay tungkol sa aking mga magulang. (Hehe...). Pero isa lang ang sinisigurado ko sainyo, mahal na mahal ko sila.

Maya-maya lang ay huminto na ang kotse sa tapat ng pintuan. Halos hindi nalalayo ang hitsura ng bahay sa mansyon namin sa bundok pero mas maliit ito ng konti. Pero napakalaki pa rin nito para sa akin.

"Dito ka lang muna sa kotse ha. Kakausapin ko muna ang mga kasambahay sa loob." Bumaba si Nana Belen ng kotse. Nakita kong sinalubong siya ng isang naka unipormeng pang-kasambahay na babae. Parang gulat na gulat ito. Hindi ko sila naririnig pero alam kong nag uusap na sila habang papasok ng bahay. Ibig sabihin hindi pala ako titira mag isa dito. Napangiti ako.

"Okay ka lang po ba, Senyorita?" Tanong ni Donato sa akin. Napansin niya sigurong ngumingiti ako mag isa. The heck. Baliw lang.

"Ha? Ah oo naman. Uhm, akala ko ako lang mag isa ang titira dito no?" Tinanong ko siya. Mukhang may alam siya tungkol sa bahay na ito. Kaya umamdar na naman ang pagkamatanong ko.

"May makakasama ka po dito. Si Tinay at ang mga guwardya sa labas. Kaso mag iingat ka, Senyorita. Huwag mo sila pagkatiwalaan ng buo. Wala silang alam sa lahi natin." Napahinto ako sa sinabi ni Donato. Ibig sabihin lahat pala ng mga empleyado sa bahay na ito ay isang tao. Magaling. Madali kong mapapag aralan ang mga kilos nila. Ngumiti ako. Muli akong sumilip sa bintana. Tinted naman ang salamin kaya hindi nila ako kita sa loob. Mukhang maganda ang loob ng buong bahay. Mamahalin din ang mga gamit at may hardin din sa labas. At ang mas maganda, makakalabas ako kahit kailan ko gusto. Napansin kong ang tagal bumalik ni Nana Belen, kaya nilabas ko muna ang aking libro at nagbasa while waiting for her to come back.

Nana Belen's POV

Nawala sa isip ko sa sobrang pagmamadali. Nakalimutan kong sabihan ang mga empleyado ng bahay na ito ang tungkol sa pagdating ng Senyorita.

Nilapitan agad ako ni Tinay, ang mayordoma, taga linis at tagapangalaga ng bahay. Malamang ang nagulat siya dahil naka kotse akong pumunta dito. Alam kong alam niya na may kasama akong mataas na tao.

"Nay, sino ang nasa loob? Si Ma'am at Sir na ba yan? Makikilala ko na ba sila? Limang taon na akong naninilbihan dito pero hindi ko pa rin sila kilala." Naiintindihan ko siya. Mahirap nga naman magtrabaho sa hindi mo pa nakikita at nakikilala ng personal.

"Kung ang sinasabi mo ay ang mag asawang Foronda, nagkakamali ka." Nakita kong na dismaya siya sa sinabi ko pero biglang nag iba ang hitsura ng mukha niya sa mga susunod kong sinabi.

"Pero ang anak nila, ang unica hija nila ang kasama ko. Si Senyorita Karisma. Dito muna siya titira pansamantala." Halatang sabik siyang makilala ang mga pinagsisilbihan niya. Nararamdaman kong mabuting tao si Tinay pero mahirap na magtiwala sa panahong ito. Mabuti nang wala siyang nalalaman.

"Kung gayon ay maghahain na ako ng almusal para kay Ma'am." Papunta na siya ng kusina pero pinigilan ko siya.

"Sandali at may sasabihin pa ako." Bumuntong hininga ako bago nagpatuloy sa pag sasalita. "Huwag mo na sanang ikwento sa mga kapitbahay ang pagdating ni Senyorita dito. Masyadong..... Komplikado " Tama! Kapag sinabi kong delikado, maaring pagmulan pa iyon ng kanyang pagtataka. Sakto lang ang salitang komplikado. Mukhang naunawaan naman niya ang sagot ko dahil tumango siya. Nagpaalam na rin ako at siya naman ay tumungo sa kusina. Bumalik ako sa kotse para sabihin ang huling habilin ko kay Senyorita.

Malamang ay naiinip na iyon sa pag hihintay. Mabuti pa't bilisan ko ang paglalakad.

END OF CHAPTER 3

Runaway PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon