Chapter 34

3.4K 50 1
                                    

This is the day.

First day of work. Pakiramdam ko ay parang isang ganap na mortal na rin ako. Pero hindi ako gagaya kay Nate na sasabihin sa mga nasa paligid ang tunay kong katauhan. Ayokong pandirihan nila ako o katakutan. Alam ko na balang araw ay matatanggap din ng mga tao ang lahi namin. Umaasa ako na darating ang oras na iyon. 

Pagdating ko sa opisina ni Pamela ay sinalubong niya ako. Itinuro niya sa akin ang desk ko at ibinigay na niya ang unang set ng trabaho ko para sa araw na ito, ang mag encode ng mga files ng mga pasyente nya.

Isang OB-Gyne si Pamela. Sa pagkakaalam ko ay doctor iyon para sa mga babae. Kung buntis man ito o may diperensya sa reproductive system niya. Marami na rin akong na research about sa ginagawa ni Pamela.

"Okay ka lang ba jan, Kara? Baka gusto mong ipalipat natin ang pwesto mo." sabi niya. Mabait talaga si Pamela. Sa totoo lang, wala akong makitang dahilan para magalit sa kanya.

"Hindi. Okay na ito, Dok Pam." ngumiti ako at ipinagpatuloy ang ginagawa ko. Bumalik naman siya sa kanyang table.

Sa kalagitnaan ng ginagawa ko ay biglang nag ring ang phone sa linya ko. Kaagad ko itong sinagot.

First appointment of the day. Mukhang masasanay na ako sa ganitong trabaho. Napakagaan kasi. Bukod dun, mabait pa ang boss mo kaya ang sarap sa pakiramdam ang magtrabaho dito. Kaya hindi na rin ako magtataka kung bakit siya nagustuhan noon ni Nate.

Lumipas ang ilang oras ay hindi ko namalayang oras na pala para mananghalian.

Ako ang nag lock ng opisina namin. Si Pamela kasi ay sumabay sa tatay niya.

Pinindot ko ang 'down' button ng elevator.

Habang naghihintay ay nag ayos muna ako ng sarili ko. Inilabas ko ang aking compact mirror para tignan ang mukha ko kung pantay pa ba ang make up ko or kung may dumi man ako sa mukha.
*Ting!*

Kaagad kong itinago ang compact mirror ko. Anjan na ang elevator. Nang bumukas ito ay agad akong sumakay. Mag isa lang ako sa loob kaya mejo kinakabahan ako. Ang tahimik kasi. Maya-maya ay huminto na ito sa 4th floor. Napangiti ako kasi kilala ko ang pumasok.

"Kara.." nakangiting sabi ni Nate.

"Hi. Mag la lunch ka na? Tara sabay ka na sa amin." sabi niya. Syempre pumayag ako. Siya lang naman kasi ang kakilala ko dito sa ospital, bukod kay Nico at Pamela.

Nang makalabas kami ng elevator ay napansin niya ang hawak kong paperbag.

"Ano yan? Packed lunch?" tanong niya. Tumango lang ako. Kailangan ko rin kasi magtipid. At si Tinay naman ang nagsabi na ipagluluto nalang niya ako ng baon. At saka, sanay na rin ako sa luto niya. Hindi naman kasi nagkakalayo ang luto nila ni Nana Belen.

"Si Tinay ba ang nagluto niyan?" tanong niya ulit. Tumango lang ako. Malapit na kami sa canteen nang huminto siya sa paglalakad.

"Ayos ka lang ba? Bakit hindi ka nagsasalita? May nararamdaman ka ba? May masakit ba sayo?" sabi niya. Hinawakan niya ang noo ko at ang gilid ng leeg ko. Wala naman akong sakit. Medyo napagod lang siguro ako o di kaya'y nagugutom lang ako.

"Gutom lang ako. Kaya tara na." hinawakan ko siya sa kamay at hinila papunta sa canteen.

Ngumiti siya at hinawakan din ang kamay ko.

"Guys! Dito!" agad naming napansin si Nico dahil itinaas niya ang kamay niya. Napansin kong may kasama siya. Nanlaki ang mata ko sa nakita kong nakaupo sa harap niya.

Si Pamela. Akala ko ba ay kasama niya ang tatay niyang kakain? Parang lalo akong nanghina. Hinila ako ni Nate papunta kina Nico pero binitawan ko ang kamay niya. Napakunot ang noo niya.

"Nate, doon nalang siguro ako sa bakanteng silya." tinuro ko sakanya ang bakanteng pwesto sa may gilid. Pero hindi niya pinansin ang sinabi ko. Hinawakan niya ulit ang kamay ko.

"Bakit? Naiilang ka ba kay Pamela? Dont be. Wala na kami. Were just friends." sabi niya. Wala na rin akong nagawa dahil hinawakan na niya ang kamay ko. And the next thing i know is malapit na kami sa table nila Nico and Pamela is looking at us. Hindi siya nakangiti pero hindi rin naman siya nakasimangot. Blanko lang ang reaksyon ng mukha niya.

"Guys, makikijoin lang sa atin si Kara ah. Sige umupo ka na." sabi ni Nate. Umupo siya sa tabi ni Nico. Then, i have no choice kundi ang umupo sa tabi ni Pamela.

"Dok, okay lang?" i said. Ngumiti naman siya kaya umupo na ako.

Binuksan ko na ang baon ko, habang sila ay nagsimula na ring kumain.

"Si Tinay ba nagluto niyan, Kara? Pwede patikim?" sabi ni Nico. Inilapit ko sakanya ang maliit na lalagyan ko ng ulam. Napangiti siya. Masarap talaga magluto si Tinay. Inalok ko rin si Pamela pero tumanggi siya.

"Naku Pam, you should try it. Masarap magluto ang kasambahay niya." sabi ni Nico.

"Aba, wagas makapromote ah. Baka naman in-love ka na kay Tinay ah." tukso ni Nate sa kanya. Nagkatawanan kami sa sinabi ni Nate.

"Sa luto niya, Oo. Pero sa kanya, hindi no! Kumain na nga tayo." sabay subo ng dalawang kutsarang kanin. Halatang namumula si Nico. Napansin ko na hindi makarelate sa amin si Pamela. Kaya ang ginawa ko ay nilagyan ko siya sa plato niya ng konting ulam ko.

"Ayan Dok Pam, tikman mo." ngumiti ako. Kumuha siya ng konti at tinikman nga niya. Halatang nasarapan din siya. Naisip kong kung ganyan lang sana ako kagaling magluto.

"Oh ngayon, nakakarelate ka na sa pinag uusapan namin." sabi ni Nate sa kanya. Ngumiti lang siya. Napansin kong kanina pa siya tahimik. Baka naman naiilang siya sa akin? Dapat bilisan ko na kumain para makabalik na ako sa opisina.

Pero inunahan niya ako sa pagpaalam para umalis. Hindi na niya inubos ang pagkain niya, pati ang ulam na binigay ko.

"Guys, mauuna na ako ha. Magkikita pa kasi kami ni Papa sa mall. Nagpapasama siya sa akin eh." sabi niya sabay kuha ng bag niya at naglakad palayo. Nagkatinginan nalang kaming tatlo nila Nate. Napatingin naman ako sa ulam na nilagay ko sa plato ni Pamela. Nanghihinayang lang kasi ako. Kung ayaw niya ay sana tumanggi nalang siya.

"Oh. Sayang naman ito. Wala naman na si Pam eh. Kunin ko na ha." sabi ni Nico. Tumango lang ako at ngumiti. Pero deep inside, napaisip ako. Hinawakan naman ni Nate ang kamay ko. Alam kong alam niya ang iniisip ko sa mga oras na ito.

"Dont mind her. Baka stressed lang yun. Kahit naman noon pa ay ganun na talaga yun eh." sabi niya. Nginitian ko lang siya.

Mabuti pang wag ko na masyadong pakaisipin yun. Maaaring tama si Nate. Baka stressed lang si Pamela. Nararamdaman kong mahirap ang ginagawa niya. Dapat ako nalang ang umintinde sa kanya.

END OF CHAPTER 34

Runaway PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon