Chapter 25

4.7K 77 0
                                    

Third Person

Samantala, nagbubunyi din ang mga tiwaling lahi ng mga bampira. Napatay na kasi nila ang isa sa mga biktima na nakaligtas. Isa nalang ang problema nila, si Hannah Castillo.

"Isa nalang ang problema natin, mahal kong asawa, ang batang kumuha ng video. Kailangan natin siyang patayin bago pa siya makapagsalita laban sa atin." Carol said.

"Ako na ang bahala sa batang yun. Patatahimikin ko siya.. Habangbuhay." sagot ni Byron.

"At paano na ang Ramirez na tumutugis sa atin? Sagabal talaga sa plano natin yung mortal na yun eh. At kasama niya pa ang anak ni William! Puwes! Kahit magsama sama pa sila, hindi nila tayo kaya. Ako na ang bahala sa dalawang 'yon." saad ni Carol.

Si Nana Belen naman ay nakabalik na sa mansyon. Dumeretso agad siya sa kusina para ayusin ang pinamili at maihanda na ang lulutuin para sa hapunan. Nakita niyang nakaupo sa kusina si Heredia at tila malalim ang iniisip. Umupo siya sa tabi nito.

"Oh Nana, andiyan ka na pala. Kamusta ang lakad mo?" nakangiting sabi nito.

"Mabuti naman Senyora. Mukhang malalim ang iniisip nyo. Ang Senyorita ba?" tanong ni Nana Belen.

"Alam mo namang hindi nawawala sa isipan ko ang aking nag iisang anak. Hindi na ako makatulog ng maayos, Nana. Simula nung mawala siya para namatay ang kalahati ng pagkatao ko. Tapos hindi ko alam kung nasaan siya. Baka hindi siya nakakakain ng maayos. Sana kahit makausap ko man lang sya." Napahagulgol ito sa sobrang lungkot. Naawa naman si Nana Belen kaya naisip niya na sabihin na kay Heredia ang nalalaman niya.

"Senyora. Huwag sana kayo magagalit. At sana itong sasabihin ko sainyo ay hindi na makarating pa kay Senyor." inilabas niya ang cellphone na bigay ni Kara.

"Cellphone? Bumili ka ng cellphone? Para saan?" tanong ni Heredia.

"Alam ko kung nasaan si Senyorita. At ako po mismo ang tumulong magpatakas sa kanya. Patawarin nyo ako. Pero naawa ako sa bata, gusto lang niya makatulong."

"Pero Nana, Delikado ang gusto nyong gawin! Bakit kayo pumayag?"

"Senyora, sana maintindihan nyo si Senyorita. Nasisiguro ko na kaya niya ang sarili niya. May angking lakas ang anak nyo, senyora. Matalino rin ito kaya magagamit niya iyon sa kanyang misyon. Gusto niya balang araw ay maipagmalaki nyo siya ni Senyor William. Nararamdaman daw niya kasi na parang mahina ang tingin ng Senyor kay Senyorita. Por que daw ba babae siya ay mahina na kaya wala ng silbi at dito na lang sa bahay magkukulong."

Lalong naiyak si Heredia sa nalaman niyang hinanakit ng anak niya sa ama nito.

"Kung gayon ay nararamdaman na pala ni Karisma ang pagkadismaya ni William? Alam mo kasi Nana, noong ipinagbubuntis ko si Karisma ay gusto na talaga ni William na maging lalaki ang anak niya para daw may magmamana sa kanyang tungkulin pagdating ng araw. Pero babae nga ang lumabas, si Karisma. Kitang kita ko sa mukha niya na hindi siya masaya na babae ang anak namin." saad ni Heredia.

Kaya naisipan na ni Nana Belen na tawagan si Kara para ipakausap sa ina nito.

Kara's POV

Nagbibihis na ako sa kwarto. Kung maaalala niyo ay may lakad kami ni Ariel kasama ang aking kababata. Wow! Ang sarap naman sabihin na kasama ko na ang kababata kong si Nathaniel. Well, si Nate na siya ngayon. Sabagay, kailangan namin protektahan ang tunay naming katauhan. Sa kalagitnaan ng pag aayos ko ay biglang nag ring ang cellphone ko. Tumatawag si Nana Belen. Kaagad kong sinagot.

"Hello Nana!"
[Senyorita, may nais pong kumausap sainyo.]

"Sino po?" narinig kong ipinasa niya ang cellphone.
[Anak....] si Mama... kung gayon ay alam na niya. Sinabi kaya ni Nana? o nalaman na nila ang ginawa namin?
[Anak... Kamusta ka na? miss na miss na kita. Bakit mo ginawa yan? Pinag alala mo kami ng papa mo?]

"Talaga bang nag alala para sa akin si Papa? Baka naman nag alala siya dahil dumagdag pa ako sa mga iniisip niya?"
[Mahal ka ng Papa mo, Karisma. Alam ko na ang lahat. Napanatag na ang kalooban ko dahil nalaman ko na kung nasaan ka. Hayaan mo at dadalawin kita jan kapag nakahanap ako ng pagkakataon. O siya, sige na anak. Baka may makarinig pa sa pag uusap natin. Mag iingat ka.]

"Opo Mama. Bye po."

Pinatay na nila ang linya kaya ako din. Nagmadali ako sa pag gagayak at lumabas na ako ng kwarto. Alas singko na ng hapon. Nagtext na rin si Ariel. Papunta na raw siya para daanan ako. Hindi ko pa nasasabi na isasama ko si Nate. Ayos lang naman siguro sa kanya yun. Kalahi ko naman si Nate kaya magkakasundo rin sila ni Ariel.

Umupo muna kami ni Nate sa sala at nagkwentuhan habang naghihintay kay Ariel.

Maya-maya ay may narinig na kaming bumusina. Agad akong tumayo at sumilip sa bintana. Nariyan na nga si Ariel.

"Tara na Nate." sabi ko.

"Sandali lang Kara ha. Na ji jingle kasi ako. Saglit lang." agad na tumakbo si Nate sa CR. Ako naman ay lumabas na ng bahay para salubungin si Ariel.

"Ano? Tara na." pasakay na sana siya sa driver's seat.

"Teka. May kasama ako. Nag CR lang." nag iba ang hitsura ng mukha niya sa sinabi ko. Nagdududa nanaman ito.

"Sino? Nag mamadali na tayo oh."

Sumilip ako sa loob ng bahay. Nakita ko na naglalakad na palabas si Nate. Agad ko siyang hinila para ipakilala kay Ariel. Pero nang gagawin ko na iyon ay may napansin akong kakaiba sa reaksyon nila ng makita nila ang isat isa.

"Ikaw?" sabi ni Nate.

"Teka, diba kaibigan ka ni Nicolo? Anong ginagawa mo dito? Sabi ko na nga ba isa ka ring bampira." sagot nito sakanya.

"Sandali! Anong nangyayari? Magkakilala ba kayong dalawa?" sabat ko.

"Oo. siya yung sinasabi ko sayo na kapatid ni Nico sa ina. Magkakilala pala kayo?" sagot sa akin ni Nate bago siya bumaling ulit kay Ariel.

"Anong pangalan mo?" sabi sakanya ni Ariel.

"Nate...."

"Buong pangalan!" mejo sarcastic na yung pagkakasabi ni Ariel kaya pinandilatan ko siya.

"Nathaniel.... Nathaniel Victorino" mahinahong sagot ni Nate. Nanlaki naman ang mga mata ni Ariel. Nagulat ako nang ilabas niya ang mahiwagang bolo niya.

"Anong ginagawa mo Ariel? Itago mo na yan!" sabi ko. Ano ba nangyayari sakanya?!

"Lumayo ka jan Kara. Anak ng pinuno ng tiwaling bampira ang lalaking yan!" ang sama ng tingin niya kay Nate.

"Bro! Easy ka lang ha. Pwede bang magpaliwanag muna? Una sa lahat, ako ang kababata ni Karisma. Pangalawa, hindi ako kasama ng mga magulang ko sa ginagawa nila. Gusto ko rin silang mahuli at maparusahan. At ikatlo, wala akong gagawing masama kaya pwede ba itago mo na yan kasi hindi lang ako ang pwedeng maapektuhan ng bolo na yan kundi pati si Kara." paliwanag ni Nate. Unti unti namang kumalma si Ariel at itinago na niya ang bolo.

"Sumakay na kayo." matipid niyang sabi sa amin ni Nate.

END OF CHAPTER 25

Runaway PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon