Nakapagdesisyon na ako. Kahit ipagtabuyan ako ng pamilya Foronda ay hihingi na ako sakanila ng tulong at handa na ako makipagtulungan sa kanila.
Kinabukasan pagkatapos ng shift ko, hindi na ako nagpatumpik tumpik pa. Dumeretso na ako sa terminal ng bus para balikan ang bundok na kinalakhan ko. Nakabihis pa ako ng uniporme ko. Hindi ko na naisip na magpalit pa. Bahala na. Basta ang importante, makita ko si Senyor William. Mahaba pa ang biyahe kaya naisipan ko muna matulog sa biyahe.
Makalipas ang limang oras na biyahe ay sa wakas nasa Barrio Olivares na rin ako. Pero aakyat pa ako ng bundok. Sapat na rin ang tulog ko kaya naman may lakas na rin ako kahit papano para sa isang oras na pag akyat sa bundok. Hindi naman ganun ka taas na bundok. Parang burol lang naman kasi.
Alright! Kaya ko ito!
Makalipas ang ilang oras ay narating ko na rin ang maliit na barrio na kinalakhan ko. Hindi pa rin ito nagbabago. Malinis pa rin at ang bango pa rin ng simoy ng hangin, walang polusyon hindi kagaya sa siyudad. Naglakad lakad muna ako. Napapansin kong nakatingin lahat sa akin ang mga taga roon. Kakaiba ang tingin nila sa akin. Parang gusto ko na ngang sabihin na dati rin akong taga rito. Na miss ko rin ang baryong ito. At ang pinakagusto ko makita sa lahat? Siyempre ang kababata ko. Napangiti ako sa thought na yun ha. Akalain nyo yun? Ilang saglit lang ay magkikita na kami. Inayos ko ang damit ko at sinuklay ko pataas ang buhok ko. Ilang saglit lang ay natanaw ko na ang pagkataas taas na gate ng isang mansyon. Ito na ang mansyon ng pamilya Foronda. Bakit ganun? Pareho halos ang yari ng gate na ito at gate ng bahay ni Kara. Baka nagkataon lang. Hanggang dito ba naman siya ang naiisip ko? Heto na at magkikita na ulit kami ng babaeng minamahal ko simula pagkabata. Pinindot ko ang doorbell. Binuksan ng mga gwardya ang gate. Tinignan ako nito mula ulo hanggang paa.
"Sino ka?" nakasimangot na tanong ng isa sa mga gwardya.
"A-ako po si Nate. Ah eh... Nathaniel.. Nathaniel Victorino. Anak ni--" hindi na nila ako pinatapos at dinampot nila ako na parang kriminal. Nagpupumiglas ako pero ang lakas nila at ang higpit ng hawak nila sa dalawang braso ko. Dinala nila ako sa loob at iniharap kay Senyor William. Nanlilisik ang mga mata nito.
"Senyor. Sumuko na ang anak ng mga Victorino." sabi ng isang gwardya.
"Sumuko? Teka! Hindi ako nandito para--" protesta ko. Pero nagsalita si Senyor William kaya natahimik ako.
"Tumahimik ka! Nasaan ang mga magulang mong tiwali! Magsalita ka!" singhal niya sa akin.
"Kaya nga po ako nandito para isuplong sila. Sumama ako sa kanila sa siyudad pero humiwalay po ako sakanila. Namuhay ako mag isa. Eto nga po oh, isa akong nurse at marangal na trabaho iyon." sabi ko pero mukhang hindi ito naniniwala.
"Sinungaling! Alam kong pinadala ka talaga dito ng mga magulang mo para tignan ang sitwasyon dito. Siguro ay nakarating sa inyo ang balitang nagkakagulo dito sa mansyon."
"Gulo? Ano pong gulo?" hindi ko maintindihan. Anong gulo ang sinasabi ng Senyor?
"Alam kong may alam ka at nagkukunwari ka lang. Alam nyo naman talaga na nawawala at naglayas ang anak kong si Karisma diba? Oras na malaman kong hawak nyo siya. Papatayin ko kayong lahat!" sabi nito.
"Nawawala si Karisma? Senyor, maawa ka! Makinig ka naman sa akin! Pumapatay na ang mga magulang ko! Wala na akong magawa para pigilan sila. Andito ako para humingi ng tulong sa inyo. Ilang beses ko pong pinag isipan ang pagpunta dito dahil alam kong hindi nyo ako paniniwalaan dahil ang tingin nyo sa akin ay katulad na rin ng mga magulang ko. Sana bigyan nyo po ako ng pagkakataon, Senyor. Patutunayan ko sa inyo na hindi nila ako katulad." paliwanag ko sa kanya. Mukha namang naintindihan niya dahil kumalma ang hitsura niya.
"Oo nga naman, mahal kong asawa. Pagbigyan naman natin ang batang ito." lumabas si Senyora Heredia sa isang silid. Nilapitan niya ako at hinawakan ang aking mukha. Ngumiti siya.
"Lumaki kang mabuting kalahi. Nagpapasalamat ako at hindi ka naging tiwali katulad ng magulang mo. Nararamdaman kong nagsasabi ka ng totoo. Mabuti ang iyong puso, Nathaniel." sabi niya. Ang lamig ng kamay ng Senyora. Ang ganda pa rin niya kahit ilang taon na ang lumipas. Pero may napansin ako sa kanyang mga mata. Bakit magka mata sila ni..... Bakit ba si Kara nalang palagi ang naiisip ko? Nasa kalagitnaan ako ng isang sitwasyon ngayon pero pumapasok pa rin siya sa isipan ko.
"William, baka pwede kong makausap si Nathaniel... ng pribado sana." sabi niya kay Senyor. Binigyan nya ng senyas ang mga gwardya kaya binitawan nila ako at umalis sila. Naiwan kaming dalawa ni Senyora Heredia.
"Halika, sa hardin tayo mag usap." sabi niya.
Umupo kami sa mahabang upuan na dating inuupuan namin ni Karisma noong mga bata pa kami. Napangiti ako.
"Naaalala mo pa, Nathaniel? Dito kayo madalas maglaro ni Karisma noon." halata sa mukha ng Senyora ang lungkot at pangungulila.
"Opo, senyora. Hinding hindi ko po nakakalimutan ang lahat ng memorya namin ni Karisma. Akala ko pa naman ay makikita ko na siya." sabi ko. Ngumiti siya.
"Mabuti ka talagang kaibigan sa anak ko, Nathaniel. Mabuti nalang at sa mabuting landas ka sumama. Natutuwa akong malaman yan." saad niya.
Sa kalagitnaan ng pag uusap namin ng Senyora ay naghatid ng makakain si Nana Belen.
"Salamat Nana. Namiss ko po kayo." niyakap ko siya. Parang siya na rin kasi ang naging nanay ko noon.
"Parang kailan lang mga batang paslit pa lang kayo ni Senyorita Karisma. Ang gwapo gwapo mo na. O siya, maiwan ko na kayo ni Senyora." ngumiti ito at bumalik na sa loob.
Marami kami napagkwentuhan ng Senyora. Masasaya, malulungkot at kung ano ano pa. Sinabi ko rin sa kanya ang naging buhay ko simula nung umalis ang pamilya namin sa barriong ito. Nangako siya na tutulungan ang mga tiwaling kalahi na magbago sa oras na mahuli ang mga ito. Kakausapin din daw niya ang senyor tungkol dito. Maya-maya ay nagpaalam na rin ako sa Senyora. Tinawag niya si Nana Belen para ipasabay na ako hanggang sa siyudad dahil pupunta rin naman daw sila ni Kuya Donato doon. Mabuti naman at makakatipid ako sa pamasahe. Nagpasalamat ako at pumasok na siya sa loob. Bigla akong hinila ni Nana sa gilid ng mansyon kung saan walang guwardyang nakabantay.
"Hindi pa kayo nagkikita ng Senyorita sa Siyudad?" bulong niya.
"Nasa siyudad si Karisma? Saan po? At paano nyo nalaman yun?" tanong ko.
Ikinuwento niya sa akin ang lahat ng nangyari. Simula sa pagtakas nila hanggang sa paghatid nila kay Karisma sa tinutuluyan nito sa maynila.
"Maaari ko po ba siyang puntahan o makita man lang?" tanong ko. Tila nabuhayan ako ng loob sa narinig ko.
"Oo naman. Pupuntahan natin siya mamaya. Basta ipangako mo hijo. Wag na wag mong sasabihin sa Senyor at Senyora ito ha. Ayaw ipaalam ng Senyorita at tiyak kong pauuwiin yun dito. Naaawa lang ako sa bata. May gusto siya patunayan sa magulang at kalahi niya. Kaya pinagbibigyan ko siya."
Nangako ako kay Nana Belen. Maya-maya ay umalis na rin kami papuntang siyudad. Hindi na ako makapag hintay. Tila lumulutang ako sa alapaap. Hindi ko maiwasang mag imagine kung ano na ang hitsura niya ngayon. Sigurado akong ang ganda ganda na niya ngayon.
END OF CHAPTER 23
BINABASA MO ANG
Runaway Princess
VampireHow does it feel to live forever? As in maging isang Immortal? Karisma is one of them. Being a vampire is not that easy for her. Kailangan niyang mag ingat at umiwas sa mga mortal. Paano nalang kung maghasik ng lagim ang mga tiwaling kalahi niya? Bi...