Ikinuwento ko sa kanya ang naging tagpo namin noon ng kanyang lolo. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na kamag anak niya si Jose. Apo na pala siya ni Jose Ramirez, ang unang lalaking minahal ko at ang unang heartbreak ko. Matagal ko ng napatawad si Jose. Ilang taon na rin naman ang lumipas. Sigurado ang matanda na ito ngayon.
"Kung gayon, ikaw pala ang tinutukoy ni Lolo na unang babaeng minahal niya. Gustong gusto ni Lolo na humingi ng tawad saiyo noon. Hindi niya ginusto ang nangyari. Sapilitan siyang ipinakasal sa Lola ko. Alam mo at alam niya na bawal ang relasyon nyo. Ang tao ay para sa tao at ang bampira ay para sa bampira lamang." sabi niya. Alam ko. Pero hindi namin napigilan noon ang sinasabi ng damdamin namin.
"Gusto ko makausap si Jose, kung maaari. Baka pwede ko siyang makausap? Kahit sandali lang?" sabi ko. Ito talaga ang gusto ko. Ang maayos ang sa amin ni Jose. Gusto kong bago man lang siya lumisan sa mundong ito magkausap kami.
Napaisip isip si Ariel sa sinabi ko. Maya-maya ay pumayag na rin. Kinalagan niya ako at sumakay ulit kami sa taxi na minamaneho niya. This time sa harapan na ako nakaupo. Sa tabi niya.
"Nasaan ang mga magulang mo?" tanong ko sa kanya. Ewan ko ba kung bakit yun ang tanong na pumasok sa utak ko. Namimiss ko na kasi sila Mama at Papa kaya naman yun ang naisip ko.
"Hindi pa tayo close para magtanong ka ng personal na bagay lalo na tungkol sa mga magulang ko." sabi niya. Aba! Suplado lang?
"Okay fine. Sorry naman. Malapit na ba? alas otso na kasi ng gabi. Baka nag aalala na sa akin ang kasama ko sa bahay." sabi ko sakanya.
"Malapit na. Teka, may kasama ka kamo sa bahay nyo?" Bigla niyang itinigil ang sasakyan. Muntik lang naman ako masubsob sa harapan ko. Praning talaga itong lalaking 'to.
"Oo. Pero nagkakamali ka ng iniisip. Hindi bampira ang kasambahay ko. Mortal siya kagaya mo. Hindi niya alam na ang pinagsisilbihan niya ay isang pamilya ng bampira. Kaya pwede mo ng patakbuhin ulit ang sasakyan para makauwi na rin ako." i exclaimed. Nakakaloka lang talaga itong lalaking ito.
"Hindi. Andito na tayo." bumaba siya ng kotse at dumeretso sa isang maliit na bahay sa kabilang kalye. Iwanan ba naman ako? buti pa si Kumag mejo gentleman pa pero ito walang kabuhay buhay kausap. Lagi pang nakasimangot. Talaga bang Lolo niya si Jose? Sana man lang namana niya yung pagiging palangiti nun. Umiling iling nalang ako bago bumaba ng kotse.
Third Person
Pagkababa ng kotse ni Ariel ay agad siyang dumeretso sa bahay ng lolo niya. Iniwan niya muna si Kara sa kotse para tignan ang lagay ng lolo niya, may sakit na kasi ito at mahina na.
"O apo. Andito ka na pala. Nagdala ang kapitbahay ng pansit. Asan ka ba nanggaling ha? pumasada ka ba ngayon?" sabi nito. Nakatungkod na ang kanyang lolo Jose at mahina na nga. 85 years old na ito pero dala pa rin niya ang pagiging masayahin at palangiti.
"Lo, m-may gustong kumausap sayo."
sabi ni Ariel.
"Aba sino naman yan apo? Gabi na may bisita pa ako? pagkakakitaan ba yan? biro lang.. Asan na siya?" luminga linga si Lolo Jose pero hindi niya makita si Kara dahil nasa labas pa ito.
"Sandali lang po at tatawagin ko lang siya." lumabas ng bahay si Ariel at nakasalubong niya si Kara na patawid ng kalye.
Kara Foronda's Point of View
Nakasalubong ko si Ariel sa gitna ng kalye.
Agad niyang sinabi sa akin na pwede ko ng kausapin ang kanyang lolo Jose. Agad akong tumungo sa bahay nila. Sumilip muna ako bago pumasok. Nakita kong nakatalikod si Jose at naghahain ng pagkain sa hapag. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Puti na ang kanyang mga buhok. Kulubot na rin ang kanyang mga balat at higit sa lahat, mahina na siya at mabagal kumilos.
"Jose...." tinawag ko siya.
Mukhang malinaw pa ang pandinig nya dahil tumigil siya sa pagsasandok ng pansit. Siguro ay nakilala niya ang boses ko. Inalalayan siya ni Ariel para makaharap sa akin ng maayos. Nang makita niya ako ay tila gulat na gulat siya at hindi niya napigil ang sarili na mapaiyak. Agad ko siyang nilapitan at niyakap. Nang tumahan na siya ay nag usap na kami ng masinsinan. Malinaw pa ang memorya niya at Maayos pa siyang magsalita. Okay pa rin ang kanyang paningin kaya nakikita niya pa rin ang hitsura ko.
"Hindi ka pa rin nagbabago, Karisma. Maganda ka pa rin. Sa bagay, nasa lahi nyo yan, hindi tumatanda, samantalang ako, Matandang Hukluban na." nagkatawanan kami sa sinabi niya. Hindi pa rin siya nagbabago, palabiro pa rin siya.
"Nagpunta ako dito para kausapin ka, Jose."
"Alam ko, Karisma. Gusto ko lang sana ipaliwanag sayo yung nangyari na hindi ko talaga inasahan. Alam mo kasi, noong sinabi ng tatay na magpapakasal kami ni Corazon, nakaayos na ang lahat, yung wala na akong magawa para pigilan ang lahat. Inamin ko na nga sa kanya ang relasyon natin pero lalo pa siyang nagalit dahil bawal nga. Humihingi ako ng tawad sayo, Karisma. Sobra akong nagsisisi na hindi kita nabalikan." napaiyak ulit ito. Nararamdaman ko ang pagsisisi niya kaya't niyakap ko siya at sinabing tapos na yun.
"Kalimutan na natin yun, Jose. 64 years na ang nakalipas. Matagal na panahon na yun." ngumiti ako.
Pagkatapos ng mahabang pag uusap, kamustahan at closure ay nagpaalam na ako kay Jose. Niyakap ko siya ulit ng mahigpit. Nararamdaman kong naging payapa na ang kanyang pag iisip at panatag na ang kanyang loob. Hinatid ako ni Ariel hanggang bahay.
"Eto oh." inaabutan ko siya ng 500 pesos bilang bayad sa pag hatid niya.
"hindi na." sabi niya. Pero ipinilit ko pa rin ito sa kanya at inilagay sa kamay niya.
"Nagsayang ka ng gasolina sa pag kidnap at paghatid sa akin. Mahal pa naman ang diesel ngayon kaya itabi mo na yan. Salamat nga pala." agad akong bumaba ng taxi niya. Pero bumaba din siya at sinundan ako.
"Heto." binigyan niya ako ng calling card niya.
"para saan?" tinanong ko siya.
"Para matawagan mo ako." aba! gusto pa yata ako gawing callmate nito. Ambisyoso lang?
"Sorry pero hindi ako interesado maging callmate ka." tinaasan ko siya ng kilay.
"Wag kang feeling. Binigay ko yan para matawagan mo ako kung may balita ka na sa tiwaling kalahi mo." tinalikuran niya ako at sumakay sa taxi niya. Pinaharurot niya ito palabas ng gate namin. Ibang klase talaga ang lalaking iyon. Saan ba pinaglihi ng nanay niya yun? Sa ampalaya? Bitter eh! o baka naman sa sama ng loob? hahaha! Whatever!
END OF CHAPTER 17
BINABASA MO ANG
Runaway Princess
VampireHow does it feel to live forever? As in maging isang Immortal? Karisma is one of them. Being a vampire is not that easy for her. Kailangan niyang mag ingat at umiwas sa mga mortal. Paano nalang kung maghasik ng lagim ang mga tiwaling kalahi niya? Bi...