Medyo awkward sa loob ng taxi ni Ariel. Walang nagsasalita. Puro pakiramdaman lang. Nakakabingi masyado kaya naman ako na mismo ang nag umpisa ng pwedeng pag usapan.
"Hmmm.... Medyo mainit ang panahon no?"
sabi ko. Pero mukhang hindi effective ang ginawa ko. Eh mukhang mas mainit pa ang iringan ng dalawang ito kesa sa panahon eh. Mukhang mahihirapan ako dito ah.
"Oo nga eh kahit pagabi na, mainit pa rin."
sagot ni Nate. Maya-maya ay inihinto na ni Ariel ang sasakyan. Muntik nanaman akong sumusubsob sa harapan. Hindi ko maintindihan kung kaskasero lang ba talaga siya sa pagmamaneho o sinasadya na niyang ganon.
"Ano ba?! May kasama tayong babae o!" bulyaw ni Nate kay Ariel. Inawat ko naman si Nate para hindi na lumaki pa.
Hindi lang siya pinansin ni Ariel at bumaba na ito ng taxi.
"Nate, hayaan mo na siya. Huwag mo nalang siya patulan ha." sabi ko sakanya.
"Namumuro na sa akin yan eh. Tama nga si Nico, masama ugali niyan. Bakit ka ba nag sasasama sakanya?"
"Kailangan natin siya. Ang lahi nila ang tumutugis sa mga tiwaling kalahi. Makakatulong siya sa atin. Hayaan mo nalang ha?" tumango lang siya. Nang makalma na si Nate ay bumaba na rin kami ng taxi. Bumungad sa amin ang malaking tarpaulin ni Grace. Napansin kong maluha luha si Nate habang tinitignan niya ang tarpaulin.
"Sayang hindi ko siya nakilala. Mukha siyang mabait." sabi ko.
"Wala akong nagawa, Kara. Hinayaan ko lang na patayin siya ng mga magulang ko. Kasalanan ko ito." saad ni Nate. Niyakap ko lang siya para maibsan ang nararamdaman niya. Niyaya ko na rin siyang pumasok sa loob ng simbahan kung saan nauna na si Ariel sa loob.
"Condolence po." bati ni Nate sa ina ng dalagita. Niyakap naman siya nito habang humahagulgol. Bumati rin ako at pinaupo na kami dahil magsisimula na raw ang misa. Umupo kami kung nasaan si Ariel. Tumabi ako sa kanya at sa kaliwang side ko si Nate.
"Wala sa paligid ang pamilya ni Hannah Castillo. Kanina ko pa sila hinahanap." bulong saakin ni Ariel. Sasagot sana ako nang biglang nagsalita ang pari sa harap at sinimulan ang misa para sa napayapa.
Pagkatapos ng misa ay nagpaalam na rin kami at umalis. Naisipang tawagan ni Ariel si Hannah para kamustahin ang lagay nito.
"Hindi niya sinasagot eh." paulit ulit na tinatawagan ni Ariel si Hannah. Nag alala ako bigla.
"Bakit hindi nalang natin puntahan sa kanila?" maganda sana ang suggestion ni Nate kaso hindi namin alam ang address ni Hannah.
"Kung alam namin ang address niya, edi sana hindi na ako nagsasayang ng oras dito sa pagtawag! Pwedeng gumamit ng common sense?" sarkastikong sabi ni Ariel. Akmang sasagot sana si Nate ng pabalang pero pinigilan ko nalang sya at hinawakan sa braso. "Kara, alam ko ang address niya. Sa kabilang street lang malapit sa palm street. Kung gusto nyong puntahan pwede ko kayo i-guide. Kaso wala kasi akong common sense kaya baka hindi ko maituro." may diing sabi ni Nate. Natigilan naman si Ariel sa sinabi ni Nate. Itinago niya ang cellphone niya at sumakay sa taxi. Binuksan na niya ang makina.
"oh? Akala ko ba pupuntahan natin si Hannah? Ano pa tinatayo tayo nyo jan?" isinara na nito ang bintana nya. Nagkatinginan nalang kami ni Nate at agad na sumakay sa taxi.
Pag dating namin sa bahay ng mga castillo ay bumaba kami ni Ariel ng taxi at naiwan naman Nate sa loob para magbantay.
"Tao po!" nilakasan ko na ang sigaw ko para marinig sa loob. May kataasan kasi ang gate nila. May ilaw naman ang mga bintana nila kaya alam namin ang na may tao sa loob.
Maya-maya ay may narinig kaming boses mula sa loob. "Sino yan?"
"Si Kara po at Ariel. Mga kaibigan po kami ni Hannah." sabi ko.
"Hindi siya pwedeng abalahin. Umalis na kayo." sabi ng babae sa loob. Nilabas ni Ariel ang kanyang cellphone at tinawagan si Hannah. Nilagay niya sa speaker phone para marinig namin pareho ang sasabihin ng nasa kabilang linya.
BINABASA MO ANG
Runaway Princess
VampireHow does it feel to live forever? As in maging isang Immortal? Karisma is one of them. Being a vampire is not that easy for her. Kailangan niyang mag ingat at umiwas sa mga mortal. Paano nalang kung maghasik ng lagim ang mga tiwaling kalahi niya? Bi...