Nagising nalang ako na may note sa may side table ko.
Thanks for the time. I miss that so much.
Sh*t! Damn. Ayoko ng alalahanin pa iyon. I checked my wristwatch para tignan ang oras, its 11:45 pm. Bigla akong nagutom kaya naman agad akong nagbihis at lumabas ng kwarto to cook some food. Then nagdinner ako. Lumabas muna ako at umakyat sa rooftop ng ospital para magpahangin. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang nangyari sa amin ni Pamela. Maling mali talaga yun. Kung bakit kasi napakagago ko na nagpadala ako sa tukso. Mahal ko si Kara, mahal na mahal to the point na hindi ko siya kayang saktan pero wala na, nasaktan ko na siya. Alam kong malalaman nya rin ang tungkol dito. Kailangan ko na siyang mahanap para masabi at maipaliwanag ko sa kanya ang side ko. Mas mabuting sa akin manggaling kesa kay Pamela o sa ibang paraan pa.
Kara's PoV
Bakit ganun? Kanina pa ako hindi makatulog dito. Nakakailang ikot na ako sa kama ko pero hindi ko pa rin magawang makatulog. Parang may bumabagabag sa isipan ko. Hindi ko din maintindihan. Ang totoo niyan, si Nate ang iniisip ko. Parang may kakaiba kasi akong nararamdaman. Hindi kaya may nangyari sa kanyang masama? Diyos ko, wag naman po sana. Gabayan nyo po siya at ang mga taong malalapit sa akin sa siyudad.
I dont have a choice kundi ang uminom ng pampatulog. Naglagay ako ng tubig sa baso at kumuha ako ng isang tableta ng gamot.
Maya-maya ay unti unti nang umeepekto ang gamot. Nakakaramdam na ako ng hilo at unti-unti na pumipikit ang mga mata ko.
***
Isang maulan na umaga ang bumungad sa aking pag gising. Binuksan na ni Papa ang pinto sa kwarto ko kaya nakakalabas na ako kahit saan ko gustong magpunta sa loob ng mansyon. Pero merong gwardya ang nakabantay sa akin. Medyo nakakailang pero kailangan kong tiisin kesa naman nasa kwarto lang ako maghapon.
"Magandang umaga Senyorita Karisma, heto na ang almusal ninyo." inihain ni Nana Belen ang dalawang pandesal at itlog na binili niya pa sa bayan.
"Salamat Nana. Nasaan si Mama at Papa?" tanong ko.
"Nasa opisina lang ang iyong papa at nasa library naman si Senyora Heredia." sagot ni Nana. Binilisan ko ang pagkain para makausap ko si Papa ng masinsinan. Gusto ko talaga siyang makumbinse na payagan akong tumira sa siyudad at tumulong sa paghuli sa mga tiwaling kalahi.
"Ano?! Naririnig mo ba ang sarili mo Karisma? Diba't napagusapan na natin ito? Hindi ako pumapayag sa gusto mo. Ikaw lang ang kaisa isang anak namin. Ayokong mawala ka sa amin ng Mama mo. Naintindihan mo ba yun?" bulyaw sa akin ni Papa.
"Alam ko na nag aalala lang kayo sa akin pero hindi na ako bata na hindi kayang alagaan ang sarili ko. Pa, isang daang taon na akong nabubuhay sa mundong ito. Huwag niyo naman ipagkait sa akin ang makatulong sa lahi natin. Alam kong babae ako pero huwag niyo naman iparamdam sa akin na mahina ako. Trust me Papa. Pagkatiwalaan nyo naman ako kahit ngayon lang!" pangangatwiran ko. Natahimik si Papa at tila nag isip sa mga sinabi ko. Nararamdaman kong malapit na siyang pumayag sa gusto ko. Ilang segundo siyang nanahimik at itinalikod niya sa akin ang upuan niya.
Maya-maya ay humarap siya at tinitigan niya ako, mata sa mata bago siya tumayo. Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan sa noo.
"Sana ay tama ang naging desisyon kong.....payagan ka sa gusto mo." nanlaki ang mga mata ko at unti unting lumabas ang mga ngiti sa labi ko. Agad kong niyakap si Papa at nagpasalamat. Nagmadali akong bumalik sa kwarto ko para iligpit ang mga gamit ko. Gusto kong bumiyahe ngayon mismo.
"Sa isang kondisyon Hija..." napahinto ako sa sinabi ni Papa. Ano naman kaya ang hirit niya this time? Tsk.
"Isasama mo si Nana Belen at ang ilang gwardya sa siyudad. Para alam ko ang nangyayari sayo doon." nakangiting sabi ni Papa. Yun lang pala eh!
Bago ako sumakay ng kotse ay niyakap ko silang dalawa ni Mama bilang paalam.
"Sa susunod na balik ko dito ay tapos na ang misyon ko. Tahimik ng mamumuhay ang mga bampira at tao." tumango tango lang si Papa habang akbay niya ang maluha luhang si Mama.
Nate's PoV
What the Hell?! Dito ako nakatulog sa rooftop? Geez! Daig ko pa ang lasing ah. What am i thinking? Tinignan ko ang oras sa wristwatch ko. Nakahinga ako ng maluwag because one hour pa bago ang shift ko. 1 pm na. Dali dali akong bumaba sa staffhouse. Kaagad akong pumasok sa CR at naligo. Shit! My uniform! Hindi pa pala napaplantsa yun! Tsk! After my cold shower ay kaagad akong lumabas. Nagtapis lang ako ng towel sa bewang ko. Wala naman na ang mga kasama ko kaya lumabas ako ng kwarto na half-naked lang. Hinanap ko ang uniform ko pero wala sa laundry basket. Lalong wala sa cabinet ko. Where the hell is my-
"Hi. Bukas yung pinto kaya pumasok na ako." dire-diretsong pumasok si Pamela. May dala siyang pagkain at isang paperbag. "This is for you, nanggaling na ako dito kanina pero wala ka. Saan ka ba nanggaling? So, pinalaundry ko ang uniform mo. Naplantsa na rin yan." napakunot ang noo ko. Inabot niya sa akin ang paperbag. Naroon pala ang uniform ko.
"T-Thanks." sabi ko. I noticed na nakatingin siya sa katawan ko. No No No.. Tama na yung isang pagkakamali.
"May kailangan ka pa ba?" i ask her. Umiling lang siya pero ngumiti siya.
"You know what, hindi pa ako nagdedessert..." dahan dahan siyang lumapit sa akin. This time, hindi na ako magpapadaig sa tukso.
"Pwede ba Pamela, pagkakamali lang yung kagabi, okay? Tigilan na natin ito." i said pero parang wala lang sakanya.
"Oh yeah? Bakit naramdaman kong gusto mo rin? Remember how you sucked and licked my bre-" mabilis ko siyang hinawakan sa braso at kinaladkad palabas ng staffhouse bago niya pa maituloy ang sinasabi niya.
"Think about it, Nate. Alam kong hahanap-hanapin mo rin ako. Till next time." tumalikod siya at paalis na sana pero napahinto siya. Nakita ko siyang nakatayo lang sa hallway kaya lumabas ako para tignan. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko kung sino ang nakatayo doon at tila gulat na gulat sa nasaksihan niya. Parang sasabog ang dibdib ko na ewan. How will i explain these things to her?
END OF CHAPTER 36
BINABASA MO ANG
Runaway Princess
VampireHow does it feel to live forever? As in maging isang Immortal? Karisma is one of them. Being a vampire is not that easy for her. Kailangan niyang mag ingat at umiwas sa mga mortal. Paano nalang kung maghasik ng lagim ang mga tiwaling kalahi niya? Bi...