Ibinaba ako ni Nico sa tapat ng ospital. Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin siya sa ikinikilos ko. Oo, matagal na kami mag bestfriend ni Nico pero hanggang ngayon ay natatakot pa rin akong sabihin sa kanya ang tunay kong pagkatao. Alam kong masasabi ko rin ito sa kanya balang araw, pero hindi sa ngayon.
Dumeretso ako sa nurse's station para tanungin sa mga kasama ko kung anong kwarto ng babaeng biktima ng mga kalahi ko.
Itinuro naman nila sa akin kung saan.
Room 304. Huminga akong malalim bago ako kumatok.
"Pasok!" narinig kong sabi ng isang babae sa loob. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto.
"Magandang umaga po. Ako po si Nurse Nate. Uhm, off duty po ako ngayon kaya hindi po ako naka uniporme." nilapitan ko ang pasyente. Nasa tabi niya ang kanyang ina. Bata pa ang pasyente. Mga nasa kinse anyos ang edad. Ngumiti siya sa akin at ang kanyang ina.
"Ang poging nars mo naman." sabi ng kanyang inang nakangiti sa akin.
"Salamat po. Kamusta na po ang pasyente?" nakangiting sabi ko.
"Mabuti naman po ako Kuya. Alam kong hindi kayo naniniwala sa mga sinabi ko pero tot--" sabi ng dalagita. Pero bago pa matapos ang sasabihin niya ay inunahan ko na siya ng sagot ko.
"ssshh... Alam ko. Meron lang sana akong gustong malaman sa nangyari saiyo. Maaari mo bang ikwento sa akin ang nangyari sayo?" umupo ako sa tabi niya. Tila nag alangan ang kanyang ina at nagkatinginan sila. Tumango lang ang dalagita, senyales na handa siyang ikwento sa akin ang lahat.....
"Naglalakad po kami ng kaklase ko sa may Palm street, malapit lang po dito sa ospital na ito. Pauwi na po kami galing sa eskwela. May camping po kasi kami kaya inumaga na kami sa pag uwi. Nagtatawanan pa nga po kami kasi pinapanood po namin yung video ng activities namin sa cellphone ng kaklase ko. Maya-maya po ay nakarinig kami ng kaluskos. Akala namin ay baka holdaper o snatcher kaya itinago po ng kaklase ko ang cellphone niya sa loob ng blouse niya. Luminga linga po kami sa paligid. Nakita ko po na may dalawang tao na nakatayo sa may gilid. Madilim po ang parteng iyon kaya naman hindi namin makita ang mukha nila. Pero mukhang babae po yung isa kasi mahaba ang buhok. Nung unti unti po silang naglakad papunta sa amin ay tumakbo kaming dalawa. Nadapa po ako kaya pinauna ko na ang kasama ko. Sinabi ko po na humingi siya ng tulong. Tumakbo po siya at hirap ako makatayo dahil masama ang pagkakadapa ko.
Tapos..... Tapos....."Humagulgol ang dalagita sa kalagitnaan ng pagkukwento niya. Alam ko na ang kasunod kaya hindi ko na siya pinatapos pa.
"Tahan na. Alam mo bang may video na nakapost ngayon sa internet na naglalaman ng nangyari sayo?" kinuha ko ang cellphone ko at ipinakita sa kanya ang video. May wifi ang ospital kaya naka connect ako sa internet at ipinakita ko ang video.
"Kilala mo ba si Hannah Castillo?" Tanong ko sa kanya.
"Opo! Opo! Siya po yung kaklase kong tinutukoy ko sainyo. Siya po yung kasama kasama ko kaninang umaga." she exclaimed.
"Alam mo bang siya ang kumuha at nag lagay ng video sa internet? Gusto ko sana siyang makausap. Saan ko siya pwedeng puntahan?"
Binigay nila sa akin ang address ng kanyang kaklase. Maya-maya ay nagpaalam na rin ako at nagpasalamat sa impormasyong binigay niya sa akin. Agad akong umalis para puntahan ang address na binigay nila sa akin.
Kara Foronda's POV
Bigla kong naisipang i-postponed ang pagpunta sa ospital. Kaya naisipan kong itext si Ariel para sabihin sa kanya. Pero kukunin ko palang ang cellphone ko nang tumunog ito.
"Karisma. Magkita tayo sa mall ngayon. May ipapakilala ako sayo." text ni Ariel.Kaagad akong nagbihis at nagpatawag ng taxi para mabilis akong makarating sa mall.
Pagdating ko sa mall ay tinawagan ko si Ariel. Nakaupo daw sila sa may fountain.
Pumasok ako sa loob at naroon nga sila ng kasama niya. Sino ang dalagitang kasama niya? Girlfriend? Kapatid? Pinsan? Kaibigan? Bakit ko siya kailangang makilala pa? Ang daming tanong ang gumugulo sa isip ko habang papalapit sa kanila. Nang malapit na ako ay tumayo na sila sa kinauupuan nila.
"Ariel, anong problema? Sino siya?" bumaling ako sa dalagitang kasama niya. Nginitian ko ito. Mukha kasing takot at hindi mapalagay.
"Siya si Hannah Castillo. Ang nag upload ng video na kumakalat ngayon sa internet at ang kasama ng biktima sa mga oras na iyon. Minabuti ko na siya muna ang kausapin sa issue na ito. Nagkataon na padaan ang minamaneho kong taxi sa palm street nang makita ko ang biktima na pinagtutulungan ng... alam mo na. Ako ang nagdala sa biktima sa ospital. Sinabi ko sa mga pulis na wala akong alam at nakita para hindi na nila ako tanungin pa. Ipinaliwanag ko na kay Hannah ang pakay natin. At nangako naman siya na mananatili itong sikreto." saad ni Ariel.
"Nangangako po ako, Ate. Tulungan nyo lang po ako." umiyak ito at takot na takot. Naawa naman ako dahil sa mura niyang edad nakasaksi siya ng ganun ka-brutal na pangyayari.
"Huwag ka mag alala, Hannah. Andito lang kami. Alam mo ba kung ano ang nakita mo kanina?" tanong ko sa kanya. Umiling ito.
"Mga bampira sila, Hannah. Mga masasamang bampira. Kagaya ng tao, merong mabuti at masamang bampira. Ang nakita mo ay masasamang bampira o ang tinatawag naming mga tiwaling kalahi. Oo Hannah. Isa akong bampira. Pero huwag ka matakot sa akin. Hindi ako kagaya nila. Hindi kita sasaktan at papatayin." paliwanag ko. Noong una ay napaatras siya nung sinabi ko ang totoong pagkatao ko pero muli naman siyang lumapit nang makasiguro siyang hindi ko siya sasaktan.
"Kailangan mong mag ingat, kayo ng kaibigan mong nasa ospital. Dahil namukhaan ka ng mga bampirang iyon at hindi sila titigil hanggat hindi nila kayo napapatay. Dahil alam nilang nakita nyo sila at pwede niyo sila isuplong." diretsahang sabi ni Ariel. Pinandilatan ko ito at inirapan. Bakit naman niya kailangang diretsahin ang dalagita. Malay ba niyan sa ganitong pangyayari. At ikaw kaya ang sabihang may papatay sayo, hindi ka ba matatakot? As expected, humagulgol si Hannah at pinagtinginan kami ng mga taong naglalakad malapit sa amin.
"Tahan na. Hindi naman ganun ang ibig sabihin ni Kuya Ariel mo... Ang ib--"
"Huwag mo na siya lituhin, Karisma. Alam naman natin pareho na yun ang gagawin ng mga kalahi mo eh. Karapatan niyang malaman ang totoo." sabi nito.
Sabagay, may punto siya. Naawa lang naman ako sa dalagita. Unti unti na rin siyang kumalma at pilit inintindi ang sitwasyon na kinakaharap niya. Pinayuhan namin siya ng dapat niyang gawin.
END OF CHAPTER 20
BINABASA MO ANG
Runaway Princess
VampireHow does it feel to live forever? As in maging isang Immortal? Karisma is one of them. Being a vampire is not that easy for her. Kailangan niyang mag ingat at umiwas sa mga mortal. Paano nalang kung maghasik ng lagim ang mga tiwaling kalahi niya? Bi...