Chapter 39

3.6K 45 2
                                    

(A/N: This chapter is not sutable for very young readers-16 years old and below. Please be guided. Thank yow!)

Nate's PoV

Hindi ko akalain na mangyayari pa ulit ang ganito sa kabila ng mga naging alitan namin noong mga nakaraang taon.

Wala na akong malalapitan pang iba kaya narito ako ngayon sa kanilang harapan, kasabay nilang kumakain sa iisang bubong. Pero hindi ko pa rin magawang sundin ang mga nakasanayan nila dito.

"Oh anak? Bakit hindi ka pa kumakain? Kumain ka na.. Masama ang malipasan na gutom." nakangising sabi sa akin ng aking ama bago ipinagpatuloy ang pagsakmal niya sa laman. Amoy palang ay alam ko na kung anong klaseng laman ang pinagsasaluhan nila ng aking ina. Laman ng...tao.

Tinignan ko ang nakahain sa aking pinggan. Alam kong hindi ito laman ng tao kundi ng isang kambing. Pero hindi ko pa rin magawang kainin ito ng hilaw kagaya ng ginagawa nila sa kanilang pagkain. Ilang dekada din akong namuhay bilang tao at hinahanap hanap ko ang ganoong klaseng pamumuhay. Pero kailangan ko ng sanayin ang sarili ko sa ganito kaya naman unti unti kong hinawakan ang karneng nasa harapan ko. Unti unti kong nilapit ang bibig ko at kumagat sa laman. Sa bawat kagat, pakiramdam ko'y lumalakas ako. Binilisan ko ang pagkagat na nauuwi sa pagsakmal kagaya ng aking mga magulang.

Halatang natutuwa sila sa ginagawa ko sa karneng hawak ko. Maya-maya ay huminto sila sa pagkain. Tumayo ang aking ina at may kinuha sa ref. Nakatakip ito. Nilapag niya sa aking harapan. Dahan dahan kong binuksan ang takip at bumungad sa aking harapan ang sariwang laman, laman ng isang tao. Tinignan ko ang aking mga magulang. Nakangiti sila at tila ba'y tinutulak nila ako para kainin ang laman. Bakit ganun? Parang kanina lang ay hindi ko gusto ang amoy nito pero ngayon ay parang ang bango bango nito at nakakatakam. Kaagad kong dinakma ang laman at sinakmal na parang gutom na gutom ako at hindi kumain ng ilang taon. Narinig kong nagbunyi ang mga magulang ko pero tuloy pa rin ako sa aking pagkain.

Pero....Hindi ako ito. Hindi ito ang Nathaniel na nangakong hindi kakain ng isang mortal na tao. Napahinto ako sa pagkain at nagpunta sa banyo. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. Ang daming dugo sa mga kamay ko. Maging ang paligid ng aking bibig ay puro dugo. At ang huli kong napansin, ang kulay ng aking mga mata. Bakit ganun? Bakit nagbago ang kulay ng mga mata ko? At ano ito? Pati ang aking balat ay naging iba na rin kesa dati. Mas naging maputla ako ngayon na para bang naubusan na ako ng dugo sa aking katawan.

Kaagad akong naghugas ng kamay at naghilamos. Then, lumabas ako ng banyo.

Ngumiti lang sa akin ang mga magulang ko.

"That's my boy. Welcome back, Nathaniel!" niyakap ako ng aking ama.

***

Ilang araw na rin akong nakakulong dito sa napakalaking bahay ng aking mga magulang. Ang dilim ng buong paligid. Tanging ilaw lang ng mga kandila ang nagbibigay liwanag sa buong bahay. Hindi ako sanay ng ganito kaya naisipan kong buksan ang bintana para magkaroon naman ng liwanag.

"Aaaaaaaaahhhh!" napahiyaw ako sa sobrang sakit. Kaagad namang lumapit sa akin ang mga magulang ko pero hindi ito naging madali para sa kanila. Nagtalukbong muna sila ng kumot at saka sinara ang bintana. Napaiyak ako sa sobrang hapdi ng balat ko. Bakit ganun? Anong nangyayari sa akin?

"Ma... Ano ito? Bakit ako nagkakaganito?" tanong ko.

"Hijo. Ito ang kapalaran mo."

Wala na akong magagawa. Siguro ay tama sila. ito na ang kapalaran ko. Ang kailangan ko nalang sigurong gawin ay tanggapin ang bagong buhay ko ngayon.

Kara's PoV

Biglaan ang pag imbita sa akin ni Ariel na mag dinner kasama niya. Ano naman kaya ang nakain ng lalaking ito. Well, pinagbigyan ko nalang. Marami ding naitulong sa akin si Ariel. Naging mabuting kaibigan siya sa akin at higit sa lahat, siya ang naging sandalan ko when i need a shoulder to cry on.

Runaway PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon