Chapter 6

7.1K 134 1
                                    

Nana Belen's POV

"Nana, nandito na tayo." Ginising ako ni Donato. Ang himbing na ng tulog ko eh. Eto na po, diyosmiyo. Napa-sign of the cross ako ng di oras.

"Wala kang sasabihin tungkol kay Senyorita. Maliwanag ba, Donato?" Mabuti na yung sigurado. Kaya sinabihan ko na ang batang to. Alam ko namang hindi siya magsasalita pero mabuti na yung nagpaalala ako sa kanya. Tumango siya at ngumiti. Bumaba ako ng sasakyan at sa likod ako dumaan, sa kusina. Inalis ko sa bayong ang mga pinamili kong gulay at iba pang supplies. Nanginginig ang mga kamay ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang nagsasalansan ng mga pinamili ko. Lalo akong nataranta nang marinig ko ang Senyora Heredia.

"Nana Belen....." Nasa labas palang siya ng kusina ay naririnig ko na ang boses niya. Kaagad kong inayos ang sarili ko at bumuntong hininga ng pagka lalim lalim.

Nang makita niya ako ay parang nagulat pa siya.

"Oh Nana, bakit parang balisa ka? May problema ba?" Nahalata yata ng Senyora ang hitsura ko. Hindi ko maitago ang aking kaba.

"Senyora? Naku, hindi po. Kakagaling ko lang po kasi sa bayan. Namalengke po ako. May kailangan po kayo?" Tinanong ko siya. Ngunit nagsisi ako dahil yun pa ang tinanong ko sakanya. Tinanong niya tuloy ako ng tanong na iniiwasan ko.

"Nakita mo ba si Karisma? Wala kasi siya sa silid niya eh. Maayos ang kama at nakatiklop ang kumot. Maaga yata siyang nagising. Hindi ba kayo nagkita?" Mahinahon niyang sabi. Patay! Diyosmiyo. Patawarin ako ng panginoon sa gagawin kong pagsisinungaling.

"S-si Senyorita po? Ah..eh.. Hindi po kami nagkita eh. Kasi dumeretso po ako kay Donato pagkatapos kong mag gayak." Mukha namang napaniwala ko ang Senyora Heredia sa dahilan ko. Para akong nabunutan ng tinik sa buong katawan ko.

"Sige. Baka nasa paligid lang siya. Hindi pa naman ako pumupunta sa library eh. Baka naroon lang iyon. May almusal na ba tayo, Nana?" Oo nga pala. Kahit huminto na ang pagtanda ko ay nagiging makakalimutin pa rin ako. Agad akong nagluto ng almusal. Habang ang Senyora ay nasa sala at nagbabasa ng dyaryo na inuwi ni Donato.

"Magandang umaga, Belen." Kilala ko ang boses na ito. Ang Senyor. Bakit hindi ko siya naramdamang paparating. Malamang natatabunan ng kaba ang pakiramdam ko. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Kukuha pala ito ng tubig kaya nasa kusina.

"Ayos ka lang na Belen? May sakit ka ba?" Tanong niya. Oo masakit na ang ulo ko sa kakaisip ng isasagot sa bawat itanong niyo. Pero hindi ko naman pwedeng sabihin yun ng malakas.

"A-ayos lang po Don William. Malapit na po ito." Ngumiti ako at ipinagpatuloy ang pagluluto ko. Awa ng maykapal. Lumabas na ito ng kusina dala ang isang basong tubig. Alam kong hindi pa dito nagtatapos ang mga katanungan nila. Kailangan maging handa ako.

Nang inihanda ko na sa hapag ang almusal ay umupo na ang mag asawa. Panginoon, gabayan mo ako.

"Tawagin mo na si Karisma, Belen." Utos ng senyor. Eto na nga ba ang sinasabi ko eh. Saan ko siya tatawagin dito eh wala nga siya dito. Bahala na. Buti na lamang at pinigilan ako ni Senyora Heredia.

"Ako na, Nana Belen. Alam kong marami ka pang gagawin kaya ako na ang tatawag kay Karisma." Tumayo si Senyora sa kinauupuan niya. Tinignan ko siya kung saan siya papunta. Patungo siyang library. Agad na akong bumalik sa kusina. Alam kong maya-maya lang ay magkakagulo na dito sa mansyon. Panay ang dasal ko. Maya-maya ay narinig ko na ang senyora. Sumilip ako mula sa kusina.

"Wala sa library ang anak natin, William!" Nagpanic na ang senyora. Dahil alam niyang eto lang naman ang madalas puntahan ni Senyorita Karisma.

"Ano?! Ipahanap nyo si Karisma! Hindi siya pwedeng mawala!" Inutusan ni Senyor ang guwardya na nasa tabi niya. Hindi nila ako pinaghinalaan. Pero kinakabahan pa rin ako at natatakot. Naaawa ako kay Senyora. Umiiyak na siya sa sobrang pag aalala. Unang beses ito na nawala sa paningin nila ang Senyorita. Prinsesa ang turing nila rito kaya naman ganun nalang ang pagbabatay at paghihigpit nila. Pero hindi habang buhay ay magagawa nila iyon kay Senyorita Karisma. May sariling isip na ito. At may sariling desisyon na ito. Matalino si Senyorita kaya alam kong hindi siya mapapahamak.

Karisma's POV

Pinagtitinginan ako ng mga nakasakay sa jeep. First time kong sumakay sa ganitong klaseng sasakyan. Nakakatuwa kasi hindi nagagalit ang ibang tao kung nagpapaabot ka ng bayad sa kanila. Ganun daw talaga ang patakaran sabi ni Susanang daldal este ni Tinay pala. Oh diba, inabutan ko pa ang character na iyon ni Susan Roces sa Susanang Daldal. Ganun na ba ako katanda? Wala naman sa hitsura eh. Mabalik tayo sa mga taong ito. Ngayon lang ba sila nakakita ng diyosa? Haha! Just kidding. Ang mabuti pa ay wag ko nalang silang intindihin. Maging ang driver ay panay ang tingin dito sa likod. Tinignan ko kung may mali ba sa hitsura ko. Napansin siguro ni Tinay na nahahalata ko na ang mga tao sa loob ng jeep.

"Ang ganda mo kasi, Ma'am. Mukhang ngayon lang sila nakakita ng mukhang tao dito." I like that! Especially the 'mukhang tao' part. Nagpatay malisya nalang ako. Siyempre humble tayo eh.

"Ahh.. Ganon? Baka nanibago lang sila sa akin, kasi hindi naman ako taga rito." Maaaring ganon din. Masyado naman din kasi akong assuming. I smiled.

Maya-maya ay nakaramdam ako ng kakaiba. May mali. May mali talaga. Hinanap ko kung sino. Nararamdaman kong merong kalahi sa tabi-tabi. Luminga linga ako sa paligid ng jeep. Mukhang wala namang creepy sa mga nasa paligid ko.

Pero ang pumukaw sa atensyon ko. Ang lalaking nakaupo sa harap. May kakaiba sa kanya. Tinitigan ko siya mabuti. Pero hindi ko masyadong makita ang mukha niya dahil nakatalikod siya at sa side mirror ko lang siya nakikita. All white ang suot. I assumed na naka uniform siya. Nagulat ako nang bigla siyang bumaba. Sa tapat ng isang ospital. Too bad, hindi ko nakita ang pangalan ng ospital. Ang bilis kasi ng takbo ng jeep.

END OF CHAPTER 6

Runaway PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon