I'm about to knock on his door nang biglang bumukas ito. Nanlaki ang mga mata ko sa bumungad sa akin.
"Nate?"
"Pamela... uhm, hinahanap ko si--"
Bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Hindi na ako nakapalag pa. Naramdaman ko sa yakap niya na namiss niya rin ako kahit papano.
Pinapasok niya ako sa loob at pinaupo.
"Nasa CR lang si daddy. Kamusta ka na?" sabi niya. Lalo siyang gumanda simula nung nagpunta siya ng London. Dala na rin siguro ng klima doon. Hindi ko talaga ineexpect ang pagkikita namin ngayon. At naging ganito pa ang sitwasyon ko. Nakakahiya lang.
"E-eto hindi okay. Kaya nga ako nagpunta dito sa ospital. Dito sana ako magpapalipas ng gabi." sabi ko.
"What happened to your apartment?"
"idedemolish na eh. Binenta kasi nung may ari yung lupang tinitirikan ng apartment. Eh sabi ng guard na andito daw si Sir Armando kaya umakyat ako dito. Akala ko bukas pa ang balik mo?"
"Well, napaaga ang flight ko eh. Mas okay na rin yung ganito. I miss you, Nate. Sana maging okay na ulit tayo. I'm really sorry sa nagawa ko. I admit, i was a jerk. Masyado akong naging judgemental. Marami akong na realized simula nung nagpunta ako ng London." hinawakan niya yung mga kamay ko. But i removed mine to hers. Nadismaya siya. I saw it in her eyes.
"Okay na yun, Pam. Matagal na yun eh. I'm sure nakamove on ka na. At ganun din ako." i smiled.
"Kaya nga ako umuwi dito. Just to tell you this. Nate, i still--"
Hindi natuloy ang mga sasabihin niya dahil biglang pumasok ang tatay niya. Bigla ako tumayo bilang pag galang.
"O, Mr. Victorino. Duty mo ba ngayon? What made you visit my office?" agad kong ipinaliwanag sa kanya ang naging problema ko sa tirahan.
"Oh i see. Oo tama ka. May umalis na intern sa staff house. Sige, ikaw na ang pumalit doon. Tutal, you're one of the best employees here at St. Francis. Consider it as my reward to your loyalty in this hospital." sabi niya. Labis kong ikinatuwa ang mga narinig ko. Mas convenient sa akin ang tumira sa staff house dahil nasa mismong ospital na ito. Hindi na ako mahihirapan sa pagpasok at lalong hindi na ako magagastusan sa pamasahe. Nasa 8th floor lang naman ang staff house at isang elevator lang ang katapat nito. Todo todo ang pasalamat ko sakanya bago ako nagpaalam para umakyat na sa staff house.
"Hi, Nate. Ikaw ba ang papalit sa intern na tumira dito?" tanong ng katrabaho ko. I smiled and nod. Itinuro niya ang kama ko at ang cabinet kung saan ko pwede ilagay ang mga gamit ko. Libre ang pagtira dito kaya naman makakaipon na ako para makabili ng kotse. Iyon kasi ang pangarap ko noon pa. Hindi lang ako makapag ipon dahil sa binabayad ko sa renta. Ngayong wala na akong buwanang bayarin, makakaipon na ako. Mukhang blessing in disguise ang pagkakademolish ng dati kong inuupahan.
Pagkatapos kong magsalansan ng gamit ay tinawagan ko na si Nico para ibalita na sa staff house na ako nakatuloy.
[Talaga? Nice bro.. Kamusta naman jan? komportable naman ba?"][Okay naman Bro. Nga pala, nagkita na kami ni Pamela. I didnt know na nandito na pala siya.]
[Wait Bro! Hindi pang phone call ang topic niya. Magbibihis lang ako and i'll be there. Okay bye!]
Bigla niyang binaba kaya naputol ang linya. Bumaba muna ako sa canteen para doon nalang hintayin si Nico. Makalipas ang thirty minutes ay dumating na si Nico.
"Hey bro. Tell me the dirty details. Ano? What happened?"
"Wag ka ngang praning, pare. Wala, nagkamustahan lang kami and that's it. Hindi naman siya ang ipinunta ko dito, kundi ang tatay niya. Ngayon ko lang napagtanto na wala na talaga akong nararamdaman sa kanya. Kahit titigan ko siya ay wala na ako maramdaman." sabi ko sakanya.
"Nice, men. Congrats. Eh sa tingin mo ba ganun din siya sayo?"
Umiling ako. Honestly, nakita ko talaga sa nga mata niya kanina na nagsisisi siya sa ginawa niya noon at gusto niya ibalik ang dati naming samahan. Pero malabo na itong mangyari ngayon dahil may iba na akong mahal, si Kara.
"What if balikan mo lang? Tapos utuin mo lang para naman maka goodshot ka kay Sir Armando." sabi ni Nico. Hindi pa naman ako ganun ka samang nilalang. Kaya kinutusan ko siya sa ulo.
"Aray! eto naman, hindi mabiro oh. Nga pala, nag dinner ka na ba? Sige umorder kana, treat ko." eto talaga ang gusto ko sa kaibigan kong ito eh. Hindi kuripot. Palibhasa ay galing sa mayamang pamilya. Bigla kong naalala ang kapatid niya sa ina na si Ariel. Ang layo ng ugali nila ni Nico. Kaya naman hindi sila magkasundo sa lahat ng bagay.
Kara's POV
Wala akong magawa dito sa bahay kaya naisipan kong tawagan si Nana Belen para mangamusta.
[Magandang gabi, senyorita. Kamusta ka na? Gusto mo ba makausap ang iyong mama? Sandali at pupuntahan ko sa silid aklatan.][Nana wag na po. Baka maistorbo ko lang siya. Kamusta na po jan sa mansyon?]
[Ayos naman. Pinaghahanap ka pa rin ng papa mo. Senyorita, magpakita ka na kaya sa kanya para alam niyang ligtas ka naman. Ipaliwanag mo nalang sakanya ang dahilan ng pagtakas mo. Siguradong maiiintindihan ka rin niya.]
[Oo nga po Nana. Naisip ko na rin ang bagay na iyan. Hayaan nyo kapag nakaipon ako ng lakas ng loob, magpapakita na ako jan. Nana, may pabor lang sana ako sainyo.]
[Ano yun, Senyorita?]
[Pwede po ba na hingiin nyo kay Mama ang mga dokumento ko. Tulad ng birth certificate, i.d, diploma at transcript of records ko?[
[Aanhin mo naman ang mga iyon?]
[Plano ko po kasi na maghanap na ng trabaho dito sa siyudad.]
Oo. Ayoko na maging pabigat sa mga magulang ko. Kailangan ko na ring kumilos. Mabuti nalang at nakapagtapos naman ako sa pag aaral sa tulong ng mga naging guro ko noon na pinupuntahan pa ako sa mansyon para lang turuan. Naka enrolled ako noon sa eskwelahan pero sa bahay ako tinuturuan. Nagkaroon din ako ng mga papeles na nagsasabing isa akong tao. Malakas kasi ang koneksyon ni Papa sa mga taga munisipyo dahil kung naaalala nyo ay nakipagnegosasyon siya sa tatay ni Jose na noon ay gobernador ng isang bayan na sakop ang barrio na tinitirhan namin. Kaya madali kong maitatago ang aking katauhan dito sa siyudad.
END OF CHAPTER 31
BINABASA MO ANG
Runaway Princess
VampireHow does it feel to live forever? As in maging isang Immortal? Karisma is one of them. Being a vampire is not that easy for her. Kailangan niyang mag ingat at umiwas sa mga mortal. Paano nalang kung maghasik ng lagim ang mga tiwaling kalahi niya? Bi...