Chapter 4

7.9K 151 3
                                    

Karisma's POV

Sa sobrang tagal ng paghihintay ko kay Nana Belen ay nakatulog na pala ako. Medyo ma edad na rin kasi siya at makupad na. Maya-maya ay may malakas na katok sa bintana ng kotse na syang gumising sa akin. Kinusot ko muna ang aking mga mata bago buksan ang pinto ng kotse. Hay salamat, si Nana Belen na. Agad siyang pumasok sa loob ng kotse.

"Hija. Mag iingat ka ha. Maging matatag at matapang ka. Basta ako na ang bahala sa mama at papa mo. Lagi mong isuot ang kwintas ha." Alam kong nag aalala talaga sa akin si Nana pero kailangan ko itong gawin. Alam kong hindi naman ako pababayaan ng panginoon at ng aking kwintas. Ang kwintas na tinutukoy namin ni Nana ay ang panangga ng aming lahi. Bawat isa sa aming clan ay meron nitong kwintas. Kahit mataas ang araw at maliwanag ang kapaligiran, hindi kami masasaktan. Kaya alam ko kung sino ang mga kalahi ko na naririto sa siyudad dahil sa pendant ng kwintas na ito. Ang hugis nito ay kakaibang hugis ng bituin na tanging lahi lang namin ang meron. Kaya dapat maging maingat ako at mapagmasid. Niyakap ako ni Nana ng mahigpit. Kinuha ko na ang mga gamit ko at nagpaalam sa kanila. Oras na bumaba ako ng kotseng ito, ibang Karisma na ang makikilala ninyo. Mas matapang at mas palaban.

"O siya, pumasok ka na sa loob para makakain at makapagpahinga ka na." Inayos ni Nana ang suot kong damit. Pagkatapos ay bumaba na ako ng sasakyan. Hindi ko mapigilang mapaluha nang makita kong umaandar na ang sasakyan palayo. Dahan-dahan akong naglakad papasok sa loob. Napakatahimik ng buong bahay. Tanging tunog ng heels ko lang ang naririnig ko habang naglalakad ako sa sala. Pinagmasdan ko ang paligid ng buong bahay. Ang laki din nito. Dalawang palapag din ito pero mas malaki pa rin ang mansyon sa bundok. Napansin ko rin na puro paintings ang mga nakasabit sa pader ng buong sala. Hindi katulad sa mansyon na puro larawan namin ang nakasabit. Naalala ko, hindi nga pala alam ng mga tao dito kung sino ang pinasisilbihan nila. Sana balang araw makilala at matanggap din ng mga tao kung ano kami.

Hmmm... Ang bango.. Saan kaya nanggagaling ang nakakatakam na amoy na iyon? Naglakad ako papunta sa pinagmumulan ng amoy, sa kusina. Dahan dahan akong naglakad. Naririnig ko pang may humuhuni habang nagluluto. Naalala ko tuloy ang kasabihang huwag kang humuni o umawit habang nagluluto dahil hindi ka makakapag asawa. Hindi ko namalayan na napalakas ang tawa ko nang dahil sa naisip ko.

"Sino yan? May tao ba jan?" Tanong ng babae. Gusto ko na sanang sumagot ng "Correction! Hindi tao. May bampira ba jan?" Ganon! Nagtago ako sa gilid ng napakalaking ref. Dahil sa lakas ng pakiramdam ko, alam kong papalapit na siya sa ref. Kaya nagpasya na akong magpakita.

"Aaaaaaaaaaahhh!" Grabe! Ganun ba ako ka panget para matakot siya sa mukha ko. Eh nakuha ko pa ngang maligo at maglagay ng blush on at lipstick kaninang umaga eh. Fresh naman ang hitsura ko. Tinignan ko lang siya.

"Sino ka? Pa-paano ka n-nakapasok d-dito?" Nauutal talaga? Sa ganda kong ito, mukha ba akong magnanakaw o masamang loob? Magsasalita na sana ako para ipakilala ang sarili ko nang bigla ulit siyang nagsalita. Nakakaloka tong tao na ito ha.

"Tatawag akong pulis! Jan ka lang!" Bumalik siya sa kusina para kunin ang wireless phone. Ang bagal niya mag dial. Nainip na ako. Kaya lumapit ako sa kanya. Umaatras siya. I'm starting to like this girl.

"Tinay right?" O edi natigilan siya. Mukhang hindi makapaniwala ang mortal na ito na kilala ko siya.

"Paano mo ako nakilala? Stalker ka no? Stalker! Gaaaaaarrd!" Grabe ang lakas ng boses nito. Kaya hindi na ako nagtaka nung biglang dumating ang dalawang guard na nasa gate.

"Ano na Tinay, kakain na ba tayo? Luto na ba almusal?" Sabi ng isang guard. Tinignan ko ito mula ulo, sa malaking tiyan niya hanggang paa. Yung totoo, kuya guard? Parang kusina ang binabantayan mo e. Mukha kang busog lagi. Siyempre sa isip ko lang yun.

"Hi. Magandang umaga po, Ma'am. Nag almusal na po ba kayo? Magpaluto nalang po kayo kay Tinay." Ang bait naman ni Manong Guard. Medyo matanda na kaya Manong.

"Iyon na nga po sana ang gagawin ko, Manong Guard. Kaso eh mukhang ayaw yata ni Tinay na ipagluto ako." Tinignan ko si Tinay at nginitian. Nanlaki ang mga mata niya. I think she just realized that nagkakamali siya ng ibinibintang sa akin. Nakakatawa ang hitsura niya ngayon.

"M-ma'am? I-ikaw si M-ma'am K-Karisma?" If you could see her face right now. Parang gulat na gulat pa sya.

"Yun nga sana ang gusto kong sabihin sayo. Kaso ayaw mo ako pagsalitain." Nangangawit na akong tumayo. Ikaw kaya magsuot ng 6inches heels. Kaya naman umupo na ako sa hapag kainan.

"Oh? Tatayo lang ba kayo jan? Kumain na tayo. Mga kuya guard, sumabay na kayo sa akin. At ikaw din, Tinay." Ngumiti ako sa kanya. Halatang nahihiya pa rin siya sa ginawa niya. Nang ihain na niya ang pagkain ay umupo na rin siya sa harap ko, katabi ng dalawa guard. As usual, nagkakahiyaan. Kaya nauna na akong kumuha ng kanin at ulam. Pagkatapos ay sumunod na rin sila. In fairness ha, masarap siya mag adobo. Walang duda, kaya pala ang bango bango. Ang tahimik ng paligid. Tanging mga kubyertos na ginagamit namin ang naririnig ko.

"M-ma'am?" Hay sa wakas, may nagsalita rin. Tumingin ako kay Tinay. Parang nagulat pa siya nang tumingin ako sa kanya.

"Sorry sa kanina ha. Eh kasi po, ang ineexpect kong anak ng mga amo ko ay isang bata. Hindi ko alam na dalaga na pala kayo, Ma'am." Ngumiti ito. Eh kasi naman ateng, napaka hyper mo. Eh kung hinayaan mo akong magpaliwanag edi walang problema. Pero okay lang naman. Nakakatawa nga ang reaksyon niya eh.

"Okay lang. Hindi ba nabanggit ni Nana Belen ang edad o hitsura ko?" Malamang hindi. Eh gulat na gulat ang loka loka eh.

"Hindi ma'am. Alam nyo po kasi, sabi ng mga kapitbahay, nakita na raw nila ang Mama nyo. Ang bata bata pa raw, parang trenta anyos lang daw ang mukha. At saka ang puti puti raw at ang ganda parang manika. Parang katulad nyo po. Kaya nagulat po talaga ako kung bakit halos magkasing edad lang kayo. Baka naman ilang dekada na ang lumipas simula nung makita nila ang mama nyo no? Eh grabe naman kung hindi tumatanda, ano yun imortal?" Grabe ang daldal pala nito. Nabilaukan at napaubo tuloy ako sa huling mga sinabi niya. Nataranta silang tatlo at kumuha ng tubig si Tinay. Kailangan mag ingat ako sa babaeng ito. Sa sobrang kadaldalan niya baka kumalat dito ang pagkatao ko. Nang makahinga ako ng maluwag ay umupo ulit sila at nagpatuloy sa pagkain.

END OF CHAPTER 4

Runaway PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon