Chapter 7

7K 129 2
                                    

Author's Note:

Nagpapasalamat po ako sa mga nagbasa, nagbabasa at may balak mag basa ng Runaway Princess. Kung mejo nabibitin po kayo ay natural lang iyon, on going ang kwento eh. At saka, heller?? Tatlo itong sinusulat ko... Madugo din si UTAK.. hahaha... Sana po ay basahin nyo rin ang iba ko pang stories dito. Almost Over You at ang self created Filipino Adaptation ng My Girlfriend is a Gumiho entitled Ang GirlFriend Kong Diwata. O siya, naka eksena na ako, baka sabihin ni Karisma inaagawan ko siya ng point of view.

(Karisma: Bakit? Hindi ba? Ikaw na kaya mag kwento tapos ako matutulog nalang ako maghapon...*evil grin*)

(Author: Ahh ganon? baka gusto mong gawin kong tragic yung ending nito, yung tipong "nasagasaan ng 10 wheeler truck si Karisma at namatay, The End". Bet mo? *Evil Laugh*)

(Karisma: Ikaw naman, hindi ka mabiro. o siya. go na po, Ms. Author Hahaha.)

                              CHAPTER 7

Bumaba kami ng jeep ni Tinay. Bumungad sa amin ang napakalaking mall. Wow. I like it. Mukhang maganda sa loob. Maraming tao. Pakiramdam ko tuloy ay tao na rin ako. Nauna pang maglakad sa akin si Tinay. Excited much?

"Hintayin mo ako. Baka maligaw ako! Kasalanan mo yun!" Sigaw ko sakanya. Kaagad naman siyang huminto. Good girl.

"Ay sorry ma'am. Na kirid awi lang." Huwaat? Haha. Okay! I'm starting to love this girl Tinay. Hinintay niya ako sa may entrance at sabay kami pumasok. Okay. Kuya guard is staring at me. Not again. Kailangan ko na sigurong masanay sa real world. Welcome to the real deal.

Ang ganda pala talaga ng mall. Ngayon lang ako nakapunta sa ganitong klaseng lugar. Ikaw ba naman ang makulong sa mansyon ng halos isang daang taon. Naku, wag na natin pag usapan ang edad ko. Nakaka stress eh. Haha. Oh well, we ended up in a fast food. Ang daming tao. Mukhang masarap ang mga pagkain. Nagpresinta si Tinay na siya ang bibili ng pagkain namin, so i handed her a 1000 peso bill. Taray diba?

Makalipas ang ilang minuto ay bumalik na si Tinay. Dala ang order namin. Bago siya umupo ay iniabot niya ang sukli.

"Tara lets e-" i was about to say lets eat kaso nauna na siyang kagatin ang chicken niya. Anyare teh? By the way, tinignan ko muna kung ano itong pagkain na pinili niya para sa akin. Ano ito, parang nakabalot sa harina. Ay breading? Inamoy ko rin para sure. Dahil gutom na ako, bahala na si bathala. Hmmm... Masarap ah, masarap talaga, sar- aah! Ano ito? Tinignan ko ang aking balat. Bakit ang daming pulang spots?

"Ma'am ano nangyari sainyo? Bakit ang dami nyong pantal?" Nataranta ang loka. Kasalanan naman niya ito eh. Ano ba kasi itong pagkain na ito? This is the first time na magkaroon ng ganitong pantal. Napansin siguro ng management ng fastfood na ito kaya naman lumapit ang manager sa amin. Gosh! Nakakahiya, pinagtitinginan na kami. Kung mamalasin ka nga naman oh.

"Ma'am ano po bang inorder nyo? Alam nyo po ba na may allergic reaction kayo sa pagkain na iyan?" Sabi ng babaeng manager. Dindin ang nakalagay sa name tag niya. Bumaling ako kay Tinay at tinaasan ko siya ng kilay.

"Uhm. K-kasi po hindi ko naman alam na may allergy kayo sa isdang yan." So, isda pala ito. Bakit naka breading? May ganito na pala silang pagkain? Hmm.. So, kinuha ng manager ang platong may isda na yun. I dont remember na may allergy ako sa isda. Eh anong klaseng isda ba yun? Buti nalang ipinaliwanag ni Manager Dindin. Oh diba? Alam ko na ang pangalan niya.

"Cream Dory po ang tawag sa fish na iyon, Ma'am. Bale, breaded cream dory po ang inorder nyo. One of the expensive sa mga menu namin." Paliwanag niya. Curse that fish! Hay, isama nyo na sa sumpa si Tinay! Ay wag naman, baka magmukhang isda eh, kawawa naman.

"Sorry po talaga, Ma'am Karisma. Eh inisip ko po kasi na baka hindi kayo kumakain ng mumurahin eh." Nakayuko siya. Naintindihan ko naman. Kung ako nga hindi ko alam na may allergy ako sa isdang yan, siya pa kaya.

"Ma'am, i suggest na pumunta na po kayo sa ospital para magpacheck up at magpareseta ng gamot. May malapit po na ospital dito. Walking distance lang po. I rerefund ko nalang po yung binayad nyo." The manager said. Refund? No need. Walang may kasalanan dito.

"No need, it's not your fault. Sige we should go ahead." Nahihiya na ako. Dali dali kaming lumabas ni Tinay. Gosh. Buti nalang dala ko ang balabal ko. Ibinalot ko iyon sa aking balikat. Pero meron din ang mukha ko kaya hindi pa rin ako nakaligtas sa mga nakatingin at nagbubulungan. Sumimangot ako.

"Ma'am may malapit na ospital dito. Kung gusto nyo sumakay na tay-" No. Gusto ko maglakad. Gusto ko ma familiarize ang paligid. Kaya pinutol ko na ang dila niya este ang sasabihin ni Tinay.

"No. Let's walk." Ang tapang ko no. Nang makalabas kami ng mall ay nagsimula na kami maglakad. Tumingin ako sa wristwatch ko, okay. 12:03 pm. Panay ang lingon ko sa paligid habang naglalakad. Ang laki na ng pinagbago ng siyudad. Ang mga kotse at ambience ng lugar ay malaki na rin ang pinagbago. Huling punta ko sa siyudad ay bata pa ako at karitela palang ang ginagamit na transportasyon. Nakakalibang ang tumingin tingin sa paligid. Maya-maya ay huminto si Tinay sa paglalakad. Humawak ito sa kanyang mga tuhod habang humihingal. Mukhang pagod na ang loka loka.

"Ma'am, pagod na po ako. Kung pinaparusahan nyo ako, siguro naman ay sapat na yung isang oras na paglalakad natin ngayon." Ang OA lang ha? Isang oras talaga? I checked my wristwatch and i was like "weh?" Its 1:05 pm na. Naalala ko, mortal pala itong kasama ko. Nakakaramdam ng pagod at sakit ng katawan. Pero mas gusto ko naman yan kesa sa mga red spots na nasa katawan ko. Finally! Nakarating din kami. Parang pamilyar ang lugar na ito ah. St. Francis Medical Center. Pumasok kami sa emergency room. Yes, i considered this as an emergency.

"Ma'am maupo muna po kayo." Sabi ng isang nurse na babae.

"Nurse, this is an emergency. Kailangan ko ng reseta sa allergy na ito." Nagpapanic na ako. Ayokong lumala ito. Masisira ang balat ko. At bakit ba ako nagkaroon nito? Nagkakaallergy din pala ang mga vampires? Gosh lang.

Maya maya ay may lumapit sa aking nurse. Lalaki. Nakayuko lang ako kaya hindi ko nakita ang mukha niya. Narinig ko lang ang boses niya kaya i assumed na lalaki siya.

"Miss, check ko lang muna yung BP nyo." Napaisip ako. Wait? Did he said BP as in Blood Pressure? Hindi pwede or else i'm done here. So i look at him para sabihing hindi na kailangan ng BP. All i want is a medicine para sa allergy ko. I cant live all my life like this!

"Hindi ko na kai-" Shoot. Its him! Kaya pala may kakaiba akong naramdaman kanina, akala ko dala lang ng allergy ko. I knew it. All white uniform at itong ospital. Nagkaroon kami ng eyecontact.

END OF CHAPTER 7

Runaway PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon