Chapter 27

4.2K 76 1
                                    

Nakita kong nagliliwanag ang kanyang bolo. Ayon sa sabi-sabi, nagliliwanag ang mahiwagang bolo ng manunugis kapag may panganib na paparating. Mukhang eto na ang sinasabi ng mga naririnig ko noon sa mga matatanda sa bundok.

"Maghanda ka. Mukhang marami sila." sinabihan ko si Ariel pero tinignan lang niya ako ng masama.

"Kanina pa ako handa. Huwag mo akong uutusan. Hindi ako tumatanggap ng utos mula sa isang imortal." sabi niya. Hindi ko maintindihan ang ugali niya. Parang kaaway ang tingin niya sa akin. Oo, alam kong bampira ako pero hindi naman ako katulad ng mga nakakalaban niya. Napailing nalang ako.

Palapit na sa amin ang grupo ng mga tiwaling kalahi. Pinangungunahan lang naman sila ng aking mga magulang.

"Kamusta ka na, Anak ko?" nakangiting bati sa akin ng aking ina. Parang nasasaktan ako sa tuwing binabanggit niya ang mga salitang 'Anak' kapag tinatawag nya ako. Hindi ko pa rin talaga matanggap na sila ang magulang ko. Hindi nalang ako kumibo.

"Andito rin pala ang mortal na manunugis. Teka, parang kulang ata kayo. Nasaan ang anak ni William?" sabi ni Ama na tila hinahanap si Kara.

"Ama, itigil nyo na ito. Sumuko na kayo. Hindi pa ba kayo kuntento na pinatay niyo si Grace?" sabi ko. Pero alam kong hindi naman nila ako papakinggan. Wala na ako magagawa kundi ang kalabanin sila. Napansin kong nakita na nila na nasa loob ng sasakyan ang pamilya ni Hannah. Unti unting lumapit si Ina sa kotse pero inambahan ito ni Ariel ng kanyang bolo. Napa atras si Ina.

"Babatiin ko lang naman ang mga pasahero nyo. Bakit hindi nyo sila pababain para naman magkakilala kami ng personal." sabi ng aking ina. Hindi ko hahayaan na pati ang pamilyang ito ay mapatay nila. Dadaan muna sila sa akin.

"Ina, tama na. Tumigil na kayo sa ganitong gawain. Magbagong buhay na kayo. Tutulungan ko kayo." pagmamakaawa ko sakanya. Pero tinawanan lang nila ako.

"Nathaniel, Nathaniel, Nathaniel. Wala ka na ba ibang sasabihin sa amin kundi puro ganyan? Walang dapat baguhin, Anak. Ito ang buhay natin. Ikaw ang dapat magbago. Hanggang ngayon nasa ilalim ka pa rin ng pamumuno ni William." nilapitan ako ng aking ina. Hinawakan niya ang aking pisngi. Napakalamig ng kanyang palad. Tinignan niya ako sa mata. I admit, namimiss ko na ang aking mga magulang. Kahit na pula ang mata niya ngayon ay nakikita ko pa rin sa kanyang mga tingin na mahal niya ako at nangungulila siya sa akin. Parang sumasama ang katawan ko sa kanya. Nararamdaman kong hindi na rin ako makagalaw at tila nanigas ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko na napigilan ang maluha. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila niya ako papunta sa side nila. Hindi ko alam pero kusang sumusunod ang mga paa ko. Ayaw ng utak ko pero ang maga katawan ko ay parang may sariling buhay at kusang sumusunod sa aking ina.

"NATHANIEL!" nakarinig ako ng pamilyar na boses. Napahinto ako sa paglalakad. Parang may kakaiba akong naramdaman ng marinig ko ang boses na yun. Parang something is telling me to stop and turned around.

Kara's Point of View

Anong ginagawa ni Nate? Bakit siya sumasama sa kanyang ina. Ayaw na niya ba sa amin? Ito na ba ang pinipili niya? Nakita kong nagsisisigaw si Ariel para pigilan siya pero parang hindi niya ito naririnig. Maaaring nasa ilalim siya ng kapangyarihan ng kanyang ina. Alam kong hindi ito ang gustong gawin ni Nate. Kailangan ko siyang iligtas. Kaya naman bumaba ako ng taxi at hinabol siya. Tinawag ko ang kanyang pangalan. Napahinto siya. Maaaring nabosesan niya ako. Hindi siya lumilingon. Bakit kaya?

"Nate, alam ko hindi ito ang gusto mong gawin. Naalala mo noong mga bata pa tayo? Ang sabi mo sa akin balang araw mamumuhay din tayo ng hindi kailangang magtago? Natupad na natin yun. Andito na tayo sa siyudad. Wag mo naman sirain ang pangako natin sa isat-isa oh. Huwag mo naman ako iwanan ulit. Ayoko na mag isa." hindi ko na napigilan ang maluha. Nakita kong unti unti siyang humarap sa amin. Lumuluha rin siya. I assumed that he's already back to his normal self. Agad niyang binitawan ang kamay ng kanyang ina at tumakbo sa akin. Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Hindi na ako mawawala ulit. I promise." bulong niya sa akin. Alam kong galit na galit na ngayon ang mga magulang niya.

"Pwede ba! Mamaya na ang drama? May kalaban tayo dito. Protektahan nyo ang pamilya Castillo!" bulyaw sa amin ni Ariel. Agad naman kaming sumunod ni Nate. Di nagtagal ay sumugod na ang mga tiwaling kalahi. Ang dami ng mga alagad nina Baron at Carol. Samantalang dalawa lang sina Nate at Ariel. Kaya naman nila ang mga ito sa tulong ng mahiwagang bolo.

"Natatakot ako ate Kara." niyakap ako ni Hannah.

"Magdasal tayo para makatulong tayo sa kanila." alam kong ito ang pinaka effective na sandata laban sa mga masasamang nilalang. Kahit na hindi kasama ang lahi namin sa nilikha ng sinasabi nila diyos, alam ko naman na hindi siya madamot at ililigtas niya pa rin kami.

Maya-maya ay nagbukas ang mga street lights sa paligid. Mukhang dininig ang aming dasal dahil nagliwanag ang buong kalye at natakot sila. Nagtakbuhan ang mga tiwaling kalahi at naglaho na parang bula. May ilan din napatay sina Ariel. Pero ang mga magulang ni Nate ay nananatiling buhay. Alam kong hindi pa ito ang huling pagtatagpo namin. Mabuti nalang at walang nasaktan sa aking mga kaibigan.

Nang mapalitan na ni Nate ang gulong sa harapan ay pinaandar na niya ang sasakyan at nagpatuloy sa biyahe namin papuntang airport. Makalipas ang ilang saglit ay narating na namin ang airport. Inihatid na namin sila sa departure area. Hindi napigilan ng nanay ni Hannah na yakapin ako. Nagpasalamat ang mga ito sa pagkakaligtas sa buhay nilang mag anak. Agad na rin silang pumasok sa loob. Nakakatuwa lang dahil walang masamang nangyari sa kanila. Sana lang ay nailigtas din namin si Grace. Sana ay kung nasaan man ito ngayon ay payapa na siya.

END OF CHAPTER 27

Runaway PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon