Chapter 28

4.6K 65 4
                                    

Nakatingin lang ako sa kisame ng aking kwarto habang nakahiga. Hindi ako makatulog. Naalala ko pa rin ang mga nasabi ko kay Nate kanina. At ang yakap niya sa akin. Kakaiba talaga yung naramdaman ko sa yakap niya sa akin. Pakiramdam ko ay ligtas ako sa kahit anong panganib. Ano ba itong nararamdaman ko? Mararamdaman ko kaya ito kung hindi ko nalaman na siya si Nathaniel na kababata ko? Ang gulo! Wala bang gamot para mabura ang mga ganitong klaseng alaala? Gusto ko na magpahinga pero ginugulo ni Nate ang utak ko.

Ipinikit ko na ang mga mata ko nang biglang tumunog ang cellphone ko. May nagtext. Galing kay Nate.

[Salamat sa pagligtas mo sa akin kanina ha. Buti nalang andyan ka. Siguro kung wala ka, malamang nasa ilalim na ako ng kapangyarihan ng mga magulang ko. I owe you one, Kara. Good night.]

Napangiti naman ako bigla sa text niya. Siyempre nagreply ako sa text niya.

[No worries. Thats what friends are for. Goodnight din.]

I put a smiley sa dulo para alam niya na nakangiti ako. Inilapag ko na ang phone ko sa may side table at sinubukan ko ulit na matulog pero tumunog ulit ito. Nagreply ulit siya sa sinabi ko.

[Yeah.... Friends....okay goodnight ulit.]

Ano yun? Hindi ko na siya sinagot pa. Baka hindi na matapos ang usapan namin kapag nireplyan ko pa ang text niya. Ipinikit ko na ang mga mata ko.

Nate's Point Of View

Hinihintay ko ang reply niya. Nakuha niya kaya ang ibig kong sabihin sa huling text ko? Pero bakit ganun, sampung minuto na ang nakalipas pero wala pa rin siyang reply? Nakatulog na siguro yun. Ako naman ay kahit gusto ko ng matulog ay hindi pwede. Andito ako sa duty ngayon. Mejo nakakabagot ang gabing ito pero wala ako magawa, mas maganda na yung ganito kasi ibig sabihin walang nasasaktan o nagkakasakit na tao. Hindi ko naman pwedeng hilingin na may magkasakit o masaktan para lang magkalaman ang emergency room ng ospital na ito. Napakaselfish naman kung ganon.

Hindi ako mapakali at lagi ako nakatingin sa cellphone ko. I checked the wall clock. Its already 12:01 am. Malamang ay tulog na yun. Napabuntong hininga nalang ako sa pagkadismaya.

"Oh, bro. What's with the deep breath? Parang nalugi sa negosyo ang mukha mo ah." sabi ni Nico. Napadaan kasi siya sa nurse's station.

"Wala bro. Siya nga pala, yung kapatid mo sa ina, magkakilala sila ni Kara." sabi ko sakanya.

"Wait, what? Si Ariel? Pano nangyari yun? At nandito sa maynila ang hilaw na tipaklong na yun? Ilayo mo si Kara sa kupal na yun. Mahirap na." nakakunot ang noo niya. Hindi ko pwedeng sabihin sakanya ang mga nangyayari. Oo, siya ang bestfriend ko pero ayoko siyang madamay kapag may nangyari sa akin. Kaya naman kahit pagkatao ko ay nilihim ko sa kanya. Tanging siya lang ang hindi nakakaalam ng lihim na pagkatao ko. Sounds unfair to him? Pero mas mabuti na yung ganito para hindi siya idamay ng mga magulang ko pagdating ng araw.

"Oh? tulala ka nanaman! Bro, bakit pakiramdam ko may nililihim ka sa akin? come on, tell me. Ano ba ang dapat kong malaman?" umupo pa siya sa tabi ko para lang itanong ito. Kilala ko si Nico. Hindi ito titigil hanggat wala siyang napipiga sa akin.

"Bro, wala akong lihim. Wag kang praning jan." tinignan nya muna ako ng matagal bago nagsalita.

"Bro, diretsahin mo nga ako" mejo kinabahan ako sa susunod niyang sasabihin. "Kayo na ba ni Kara? Tell me the truth. Hindi ako magagalit." ano?! Natawa lang ako sa sinabi niya. Medyo nakahinga din ako ng maluwag  Buti naman at hindi na niya ako kinulit tungkol kay Ariel.

"Bro, kababata ko si Kara. Saka, kaibigan lang ang tingin sa akin nun." sabi ko.

"Pero ikaw, mahal mo. Tama ba? Matagal mo na sinasabi na unang babaeng minahal mo ang kababata mo diba? O ngayong anjan na siya, why miss the chance diba? Think about it bro." tinapik niya ang balikat ko.

"Ewan ko Bro. Naguguluhan pa ako." magulo talaga ang sitwasyon ngayon. May misyon si Kara para sa lahi namin. Ayokong dumagdag ako sa iniisip niya kapag nagtapat ako sa kanya. Kaya napag isip isip ko na itago nalang ang nararamdaman ko. Saka ko nalang sasabihin kapag alam kong handa na siya at tapos na ang lahat ng ito. Pero sa ngayon ay pahahalagahan ko muna kung ano ang meron kami, ang aming pagkakaibigan. Naisip kong bisitahin siya mamaya pagkatapos ng shift ko para naman masabayan ko siya sa pag aalmusal. Tama! Magandang ideya yun.

Ariel' POV

Bakit ganun? Hindi ako makatulog. Parang apektado pa rin ako sa dalawang bampira na yun? Bakit parang nasaktan ako nung niyakap ni Kara si Nate? Bumangon ako at naghilamos. Malamang pagod lang ito sa engkwentro kanina. Pero sa tuwing nakikita ko na nakangiti si Kara ay parang nawawala ako sa konsentrasyon ko. Sa kanya lang ako nagkakaganito. Malamang epekto yun ng hypnotism powers nila kaya dapat akong mag ingat. Magkikita pa kaya kami ulit? Teka?! Bakit yan ang tinatanong ko sa isip ko. TskTskTsk... Hindi pwede 'to, Ariel. Hindi ako pwedeng magkagusto sa isang bampira. Bawal yun sa lahi namin. Parang may nagsasabi sa akin na dalawin ko siya bukas ng umaga sa bahay nila. Ano ba itong nararamdaman ko. Ayoko nito! Tsk!

Third Person

Kinabukasan, maagang nagising si Ariel at si Nate naman ay nakapag out na rin sa kanyang trabaho. Sa ospital na siya naligo at nagbihis para hindi na siya umuwi pa. Bumili siya ng pandesal sa malapit na bakery bago pumunta kina Kara. Habang si Ariel naman ay dali daling naligo at nag plantsa ng isusuot na polo. Kitang kita sa reaksyon niya na excited siyang makita ang dalaga. Pagkatapos gumayak ay pinaandar na niya ang kanyang taxi papunta kina Kara. While on his way, may nadaanan siyang nag titinda ng pandesal, bumili siya bilang pasalubong. Halos sabay lang ang pagdating ng dalawang binata sa tapat ng gate nila Kara. Si Nate ay binaba ng tricycle sa may gate habang si Ariel naman ay sakay ng taxi niya. Nagkatinginan silang dalawa at parehong nagulat nang makita ang isat isa.

"Bakit andito ang kupal na ito?" bulong ni Nate sa kanyang sarili. Napangiwi nalang siya sa sobrang pagkadismaya.

"Anong ginagawa dito ng hilaw na bampirang ito" nakakunot na ang noo ni Ariel at salubong na ang kilay. Nang buksan na ng mga guard ang gate ay agad na hinarurot ni Ariel ang taxi niya.

"Kita mo to! Parang hindi niya ako kilala! Sana sinakay man lang ako diba! Sama talaga ng ugali!" padabog siyang naglakad papasok ng bahay ni Kara.

END OF CHAPTER 28

Runaway PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon