Third Person
Tanging si Nana Belen lang ang nakakaalam ng lahat lahat. Napagdesisyunan niyang ilihim nalang sa lahat ang nalalaman niya maliban kay Ariel. Pakiramdam niya ay hindi niya kakayanin ito ng mag isa.
"Mamamatay? Sino? Bakit?" tanong ni Ariel.
"Hindi tinukoy ni Idang kung sino. Malalaman nalang daw natin kung sino kapag naipanganak na ang anak ninyo." sabi ng matanda.
Hindi mapakali si Ariel at dinibdib ito hanggang sa pagtulog. Natatakot siya para sa kanyang mag ina.
Kailangan niyang maging handa sa mga bagay bagay.
Hindi naging madali ang pagbubuntis ni Kara. Maraming hirap ang kanyang dinadanas. Naisipan nilang magpakasal na ni Ariel bago maipanganak ang anak nila para mabigyan na ito ng apelyido kapag naipanganak na siya. Hindi na sila nakabalik pa ng siyudad dahil kailangan ni Kara ang mga alternative na gamot para sa kanya. Kalahating tao at kalahating bampira kasi ang kanyang ipinagbubuntis. Mas malakas ang kapangyarihang taglay nito kesa sa kanilang mga pangkaraniwang bampira at pangkaraniwang tao. Ganoon daw talaga ang magiging epekto nun sa isang half human-half vampire, paliwanag sa kanila ni Idang.
Lumilipas ang mga buwan at unti unti nang lumalaki ang tiyan ni Kara. Pero ang laki na rin ng kanyang pinagbago pagdating sa hitsura niya. Pumayat siya ng sobra kahit na pinapakain naman siya ng tama sa oras at todo alaga naman sya sa bitamina. Ayon kay Idang, masyadong maraming bitamina ang napupunta sa anak niya kaysa sa kanyang katawan. Pero balewala kay Kara ang hirap na dinadanas niya basta't para sa magiging anak niya. Paminsan minsan ay nakakaramdam siya ng panghihina at nawawalan din ng malay. Masyado nang natatakot ang kanyang mga magulang, lalo na ang kanyang asawa. Pero hindi ito nagsawa sa pag alaga sa kanya. Totoo namang napakaswerte ni Kara kay Ariel. Pero hindi rin maitatanggi na hindi sana ito dinadanas ni Kara kung si Nate ang naging asawa at ama ng dinadala niya sa kanyang sinapupunan.
Hanggang sa dumating na ang panahon ng pag silang ng tinatawag ni Idang na Itinakda. Ang batang ito ang nakatakda para tapusin ang nasimulang laban ng kanyang pamilya at ina. Pero sa kabilang parte ng mundo, isang ina rin ang manganganak sa isa pang Itinakda. Ang sanggol na ito ay siya namang nakatakda para lipulin ang mga mortal at mga bampirang nasa liwanag, ang pamilya ni Kara at ang mga kalahi nitong sumusunod sa kanila.
"Aaaaaaaahhhh!" isang malakas na sigaw ang umalingawngaw sa buong bahay. Mag isang naninirahan si Pamela sa America. Nang malaman niyang buntis siya ay hindi na siya nagpakita pa. Alam niyang ikakahiya lang siya ng kanyang ama at hindi lang tatanggapin ni Nate ang anak nito sa kanya. Kagaya ni Kara, naranasan din lahat ni Pamela ang hirap niya sa pagbubuntis. Sa hindi malamang dahilan ay nagkasabay ang kanilang panganganak na hindi naman dapat. "Nakatakda sa propesiya na sabay ipapanganak ang mga itinakda ng dilim at ng liwanag" paliwanag ni Idang kina Nana Belen at Ariel. Naguguluhan sila sa sinasabi ni Idang. Alam nila na ang itinakda ng liwanag ang anak ni Kara.
"Pero sino ang itinakda ng dilim?" tanong ni Ariel.
"Ang bunga ng pagtataksil." sagot ni Idang. Napakunot lang ang noo ni Ariel. Mas lalo siyang naguluhan. Palibhasa ay hindi naman nila alam na sa kabilang dako ng mundo ay may naghihirap din sa panganganak.
Walang nakakarinig sa mga malalakas na hiyaw ni Pamela. Nagkalat na ang dugo sa paligid. Napaupo na nga siya sa sobrang hirap. Nararamdaman niyang lalabas na ang bata sa loob niya. Kaya naman tinodo na niya ang pag iri hanggang sa lumabas na nga ang isang malusog na batang lalaki. Pero sa kasamaang palad ay maraming dugo na ang naubos kay Pamela at tuluyan na siyang binawian ng buhay. Huli na nang may mga nakakita sa duguan niyang katawan. Hindi man lang niya nasilayan kahit saglit ang kanyang anak. Kinuha ng mga pulis ang sanggol at ang katawan niya ay dinala na sa morgue at agad na ipinatawag ang kanyang ama na nasa pilipinas. Agad itong nagtungo roon. Halos gumuho ang mundo ni Armando nang makita niya ang malamig na bangkay ng kanyang anak.
"Mr. Armando Vega?"
"Yes Doctor, what happened to my daughter?" nangingiyak niyang tanong sa doctor.
"I'm so sorry for what happened to your daughter, Pamela. She lost so much blood by giving birth to your grandson. The police will tell you the details." nanlaki ang mga mata ni Armando sa narinig. Hindi nga niya kasi alam ang tungkol sa pag bubuntis ng anak.
"M-My daughter was...p-pregnant? I-I didnt know.." napasapo nalang siya sa kanyang noo.
"If you want to see your grandson, he's at the nursery. He's stable." sabi ng doctor. Kaagad namang nagtungo si Armando para makita ang apo. Una palang nyang masilayan ito sa nursery room ay alam niyang kadugo niya ito.
Hindi na napigilan ang muling pagtulo ng mga luha niya habang pinagmamasdan ang apo.
"Hindi mo man nakilala ang mommy mo... Kapag lumaki ka na, ipakikilala ko siya sayo, Patrick.. Yan ang ipapangalan ko sayo."
Biglang napaisip si Armando. Paano nabuntis ang kanyang anak gayong wala naman itong sinasabi na may boyfriend or asawa siya.
Naging palaisipan tuloy kay Armando ang nangyari sa anak.
Naghalughog ang mga pulis sa bahay ni Pamela. Iniimbestigahan nila baka kasi may foul play sa nangyari. Sa pagbubukas nila ng mga drawer ay nakita nila ang isang sulat. Nakasulat ito sa tagalog kaya hindi nila naintindihan. Ang ginawa nila ay ibinigay nila ang sulat kay Armando.
Hindi niya magawang basahin ang sulat dahil nangingibabaw pa rin sa kanya ang lungkot sa nangyari sa anak. Pero alam niyang eto na ang sagot sa kanyang mga katanungan. Kaya tinatagan niya ang kanyang sarili at sinimulang buksan ang sulat.
Dear Papa,
Siguro kung mababasa mo ito ngayon ay maaring wala na ako. Wala naman kasi akong balak ibigay ito sa iyo eh.
Gusto ko lang po sabihin na, i'm really sorry.
Hindi ko sainyo sinabi ang pagbubuntis ko. Kasi alam kong hindi nyo ako matatanggap at makakasira lang ako sa pangalan nyo. Ayaw ko naman na tawagin nila kayong Ama ng isang disgrasyada o malandi.
Pero nangyari na po eh. Huwag nyo po sana idamay ang magiging anak ko sa galit nyo sa akin. At kung may pagkakataon, gusto ko po na ipakilala nyo ang anak ko sa kanyang ama, Si Nate Victorino. Hindi niya po alam na may nabuo sa nangyari sa amin. Alam ko pong hindi niya ito matatanggap. Pero subukan nyo pa rin po. Mahal na mahal kita Papa.
Pamela...
Sa sobrang emosyon ni Armando ay dahan dahan niyang nilukot ang sulat. Hindi nya kasi matanggap na wala na ang kanyang unica hija. Umiral ang galit niya para kay Nate. Sinisisi niya ito sa nangyari sa kanyang anak.
"Patawad anak, gagawin ko ang lahat ng sinabi mo, pero ang ipakilala ang apo ko sa walang hiyang yun... hindi ko yun magagawa..."
END OF CHAPTER 41
BINABASA MO ANG
Runaway Princess
VampireHow does it feel to live forever? As in maging isang Immortal? Karisma is one of them. Being a vampire is not that easy for her. Kailangan niyang mag ingat at umiwas sa mga mortal. Paano nalang kung maghasik ng lagim ang mga tiwaling kalahi niya? Bi...