Kinabukasan ay nakatanggap ako ng package. Nakaaddress mula sa munisipyo ng Barrio Olivares. Napangiti ako dahil alam kong ito na ang hinihintay ko, ang mga dokumento ko. Sa wakas ay makakapag apply na ako ng trabaho. Isa isa kong tinignan ang mga ito. Nagsimula na rin akong maghanap ng trabaho sa classified ads ng dyaryo. Sinubukan kong tawagan ang isa sa mga ads doon. Babae ang sumagot sa akin.
[Hi. This is Karisma Foronda. Nakita ko po ang ads nyo sa newspaper. Hiring pa rin po ba para sa secretary? Is this Miss Pam Vega?"][Yes, yes. Hi. Ako si Pamela. Actually ako ang nagpost ng ad na yan. Can you come here today para sa interview? Familiar ka ba sa St. Francis Medical Center? My office is located at Room 701.]
Nagulat ako sa sinabi niya. Sa st. Francis siya nagtatrabaho? What a coincidence. At least malapit lang dito kaya naman pumayag na ako. Kaagad akong nag ayos at inihanda ang mga dadalhin ko. Kumpleto ako sa requirements kaya wala akong magiging problema. Nagpatawag na ako ng taxi para mapabilis ang biyahe ko. Nang dumating ang taxi ay agad ako sumakay. Hindi ako pwede ma-late.
Pagdating ko sa ospital ay agad akong lumapit sa receptionist para kumuha ng visitors pass.
Naisipan ko rin itanong kung ano ang posisyon ng nakausap ko.
"Si Doc Pamela? Anak po siya ni Doc Armando Vega, ang presidente ng ospital na ito. Mabait po yun si Doc Pam. Room 701 po ang office niya." sabi ng receptionist. Big time naman pala itong Pamela Vega na ito. Doktor pala siya at anak ng doktor. Magkakilala kaya sila ni Nate. Sa iisang ospital lang sila nagtatrabaho kaya malamang magkakilala sila. Habang naglalakad ako sa hallway ay napapansin ko na nakatingin sa akin ang mga nadadaanan ko, mapa babae o lalaki. Pero mas marami ang lalaki. Tinignan ko ang sarili ko sa nadaanan kong salamin pero wala naman akong dumi sa mukha. Hindi ko nalang pinansin at nang magbukas ang elevator ay sumakay na ako.
I pressed the 7th floor button. Mag isa lang ako sa elevator. First time kong sumakay sa ganito but i'm not that ignorant para hindi malaman kung paano ito patakbuhin. I did some research siyempre. Biglang huminto sa 3rd floor. Bumukas ang pinto. Napataas ang kilay ko sa nakita ko.
"Kara!" ang laki ng ngiti ni Nico nung makita niya ako. I smiled at him.
"Bakit ka nandito? And sa 7th floor ka rin pupunta? Walang ibang may office doon kundi ang mga big bosses ng St. Francis. Sinong pupuntahan mo?" sabi niya.
"Well, nag apply ako ng trabaho kay Ms. Pamela Vega. Anak daw siya ng presidente ng ospital na ito?"
"You've never heard of her? Hindi ba siya nababanggit sayo ni Nate?"
"So, magkakilala sila ni Nate? Sabagay iisang ospital lang ang pinapasukan nyo."
"Hindi lang basta magkakilala, naging sila. Pero matagal na yun, kaya no worries. I guess, hindi nabanggit sayo ni Nate ang tungkol kay Pam. Kararating lang kasi ni Pam galing sa London. 5 years siya doon. Pagkagraduate namin ng college, nagbreak sila at umalis siya agad. Hindi ako dapat ang nagkukuwento sayo nito eh. Yari nanaman ako kay Nate eh." he said.
Napangiti nalang ako. Parang bigla akong nanghina sa nalaman ko. Meron silang nakaraan nitong Pamela Vega na ito pero hindi niya ito nabanggit sa akin simula nung nagkita kami. Bakit ganito ang nararamdaman ko. Sa wakas ay bumukas na rin ang elevator. Sabay kaming pumasok ni Nico sa opisina ni Pamela.
"Hey Pam-pam! Welcome back!" niyakap ni Nico si Pamela. Halatang matagal na sila magkakilala.
"Good to see you, Nics. And who is this girl na kasama mo? She's pretty huh. Bagong girlfriend mo?" wow ha. Hindi ba pwedeng ako yung pinatawag mong aplikante? Well, pinagmasdan ko siya from head to toe. She's beautiful. Kaya hindi imposible na magustuhan siya ni Nate.
"How i wish na girlfriend ko nga siya. Pam, this is Kara, applicant mo daw siya. What a small world. Kababata siya ni Nate. Well its a long story. O pano, i will leave you two alone. Sabay sabay tayo maglunch tommorow ha. Bye." nagbeso silang dalawa bago lumabas si Nico ng kwarto.
"Nice nickname ha. Bagay sa maganda mong mukha. So i guess, mas preferred mo na tawagin kitang Kara?" she smiled.
"Opo sana. Mas madali kasi i pronounce para hindi na po kayo mahirapan." i said.
"please drop the po and opo. Magka edad lang ata tayo eh. And please call me Dok Pam nalang. Ikaw pala ang kinukwento niyang nawawala niyang kababata. Maybe next time, pwede mo sa kin ikwento kung paano kayo nagkita. So, Kara, Lets proceed with the interview..."
Lumipas ang mga isang oras ay natapos na rin ang interview. Masakit na ang pwet ko sa pagkakaupo. Tinitiis ko lang. Maya-maya ay tumayo na kami bilang pagtatapos ng pag uusap namin.
"I like you Kara. Ang gaan mo kausap. I guess magkakasundo tayo. Welcome to the growing family of St. Francis Medical Center." she smiled and extends her hand para kamayan ako. Sobra talaga ang saya ko ngayon. Kinamayan ko siya bago ako lumabas ng opisina niya. Bukas na ako mag uumpisa na magtrabaho sa kanya. Nakaka excite and nakakakaba at the same time. Bago ako umuwi ay naisipan kong bisitahin muna si Nate. I checked my wristwatch, 11:51 am na. Almost lunch time. Naisip kong ilibre siya ng lunch.
Pagdating ko sa nurse station ay wala siya roon at nasa emergency room daw siya ngayon naka assign. Kaya agad ko siyang pinuntahan doon and he's there. Hindi naman siya mukhang busy kaya nilapitan ko siya.
"Hey." kinalabit ko siya.
"Kara? Hi. Anong ginagawa mo dito?" he smiled.
"Tara lunch tayo. Treat ko. Tapos ikukwento ko nalang sayo." pumayag siya kaya sabay na kaming lumabas ng ospital. Sa canteen na nasa tapat ng ospital kami kumain. Bukod sa mura, masarap naman ang pagkain. Saka nalang ako manlilibre sa medyo mahal na restaurant kapag may sahod na ako. *wink*
"So, ano ang ginagawa mo sa ospital? Huwag mong sabihing may sakit ka nanaman?" sabi niya. Medyo praning lang itong kababata ko. Hinawakan niya pa ang leeg ko para tignan kung mainit ako.
"Nate, wala akong sakit. Simula bukas, dyan na ako magtatrabaho." i smiled. Mukhang natuwa din naman siya dahil ang laki ng ngiti niya, abot yata hanggang batok, Ha Ha Ha!
"Talaga? Mabuti naman at magkakasama na tayo sa trabaho. Saan ka maaassign niyan?"
"Sa 7th floor." sabi ko. Medyo nabawasan ang ngiti niya.
"7th? opisina lang ng mga head ang nandoon ah." saad niya. Well, kabisado na niya talaga ang bawat floor ng ospital.
"Oo. May hindi ka pa sinasabi sa akin. Ikaw talaga. Ikinuwento ko sayo ang tungkol kay Jose tapos nagkaroon ka pala ng girlfriend nun, hindi mo sa akin kinuwento. Madaya ka. And kay Ms. Pamela ako magtatrabaho bilang secretary niya." sabi ko. Kinurot ko ang kaliwang pisngi niya. Natigilan ako nang bigla niyang hawakan ang kamay kong nakakurot sa pisngi niya.
"Pwede bang umalis ka na sakanya habang maaga pa?" ang kaninang ngiti niya ay biglang naglaho. Sorry, pero hindi naman ako kasali sa nakaraan nila kaya hindi ako damay sa kanila.
"Nate, trabaho na yun. At saka mabait naman si Pamela. Trust me okay. Kailangan ko ito." i said. Pagkatapos namin kumain ay nagpaalam na ako sa kanya.
END OF CHAPTER 32
------------------------------------------------
I just want to take this opportunity para mag thank you sa lahat ng nag add ng RUNAWAY PRINCESS sa reading list nila. Enjoy reading po! Kung may comments po kayo or suggestion para sa mga past and upcoming chapters, feel free to comment and vote nalang po. :)
J. Alvaro™
BINABASA MO ANG
Runaway Princess
VampireHow does it feel to live forever? As in maging isang Immortal? Karisma is one of them. Being a vampire is not that easy for her. Kailangan niyang mag ingat at umiwas sa mga mortal. Paano nalang kung maghasik ng lagim ang mga tiwaling kalahi niya? Bi...