Chapter 38

3.2K 52 0
                                    

Third Person

Six months later...

Anim na buwan nang hindi nag uusap sina Kara at Nate. Laging pinupuntahan ng binata ang dalaga sa kanilang mansyon pero hindi siya hinaharap ni Kara. Nagpalit na rin ng cellphone number si Kara kaya't hindi na siya matawagan ni Nate.

Marami na rin ang nagbago sa loob ng anim na buwan. Nakahanap na din ng trabaho si Kara sa isang opisina malapit sa kanilang mansyon.

Wala na ring balita si Kara kay Nate at Pamela. At wala na rin naman siyang balak alamin pa ang nangyayari dito. Sa madaling salita, wala na siyang pakialam sa mga ito.

"Goodmorning Miss Foronda..." bati sa kanya ni Ariel. May dala itong almusal para sa lahat. Tuwing umaga ito dumadalaw sa mansyon. Mas naging close silang dalawa nang mawala sa eksena si Nate.

"Good morning din. Oh sasabay ka ba sa akin sa pag pasok?" tanong ni Kara sa binata. Magkatrabaho na sila ngayon. Si Ariel ay isa nang messenger sa kumpanyang pinapasukan ni Kara.

"Offduty ako ngayon. Heto may dala akong almusal para sa lahat." nakangiting sagot ng binata.

"Aba aba Ariel ha. Consistent ah. Dagdag pogi points ka nanaman kay Ma'am Kara niyan." kantyaw ni Tinay sa dalawa. Nagkatinginan lang si Kara at Ariel. Seryoso ang tingin ng binata kay Kara. Pero si Kara ay tinawanan lang ang sinabi ni Tinay which made him look disappointed.

"Ikaw talaga Tinay. Palabiro ka talaga. Bestfriend lang kami ni Ariel. Halina nga kayo! kumain na tayo." nauna na siyang umupo at kumuha ng pandesal na dala ni Ariel. Nakamasid lang sa kanila si Nana Belen. Nakita niya ang pagkadismaya ng binata.

Nana Belen's PoV

Nang pumasok ulit ang senyorita Karisma sa kanyang silid ay pasimple kong kinausap si Ariel. Gusto ko ding malaman mula sa kanya kung ano ba talaga ang nararamdaman niya para kay Senyorita.

"W-Wala naman po Nana. Bakit nyo naitanong?" hindi siya makatingin sa akin.

"Hijo. Alam kong matanda na ako. Pero Ariel, hindi mo kaya itago sa akin ang nandyan sa loob mo. Maaaring hindi iyon nakikita ni Karisma pero ako alam kong meron kang nararamdaman para sa kanya. Tama ba ako?" sabi ko.

Napayuko lang siya sa sinabi ko. Alam ko naman ang totoo kahit hindi niya sabihin.

"Bakit ganun Nana? Ilang buwan na rin akong nag eeffort kay Kara pero parang wala lang sa kanya?"

"Alam mo kasi Hijo, masyado nang maraming pinagdaanan si Kara. Subukan mong kausapin siya at sabihin ang nararamdaman mo." payo ko sa binata. Naniniwala naman akong mabuti ang hangarin niya sa alaga ko. Alam kong hindi niya sasaktan ang Senyorita.
Kara's PoV

Naging tahimik din ang buhay ko nitong mga nakaraang buwan. Tinigilan na rin ako ni Nate. Masaya ako sa bago kong trabaho. Mas lalo kaming nagkakilala ng lubos ni Ariel at higit sa lahat, naging tahimik na ang paligid dahil hindi na nanggugulo ang mag asawang Baron at Carol Victorino. Nakakapanibago lang dahil anim na buwan na rin silang nananahimik. Nakakapagduda lang kaya naman pinaghahandaan na rin namin sila kung sakali man na babalik sila sa panggugulo sa mga tao.

Pero bakit ganon? Parang kulang pa rin? Parang hindi ako masaya? Parang may hinahanap pa ako?

Ano ba Kara! Nasa iyo na ang lahat. Pamilya, kaibigan, magandang buhay at trabaho. Ano pa nga ba ang kulang sa akin?

Bigla nalang pumasok sa isip ko si Nate. Ano na kayang balita sa kanya? Kamusta na kaya siya? Hay naku naman Karisma. Hindi mo na siya dapat iniisip pa. Nakalimutan mo na ba? Nagawa niya akong lokohin noon. Kaya kailangan ko na talaga siyang kalimutan.

***

Nasa taxi ako nang madaanan ko ang St. Francis hospital. Wala pa ring pinagbago ang hospital. Bihira nalang kasi ako dumaan dito dahil out of way naman ito sa trabaho ko. Papunta lang kasi ako ng mall kaya naman hindi maiwasan na mapadaan dito. At hindi ko alam kung nananadya ba talaga ang tadhana at bigla namang huminto ang taxing sinasakyan ko. Sa tapat pa talaga ng hospital ah. Tsk.

"Ano po nangyari manong?" napakamot nalang ako sa ulo.

"Sorry ma'am. Out of gas po. Pasensya na po kayo." bumaba nalang ako at naghanap ng ibang taxi. Fifteen minutes na yata akong naghihintay pero wala pa rin. Ano ba yan! Alas singko ng hapon na. Baka nag aalala na sila Nana sa akin. Pupunta lang sana ako ng grocery para mamili. Tss. Kapag minamalas ka nga naman oh.

"Kara!" napalingon naman ako sa likuran ko nang may tumawag sa akin. Nanlaki ang mga mata ko.

"N-Nico?!" tumakbo siya papunta sa akin. Halata sa mukha niya ang labis na tuwa. Ngumiti lang ako.

"Kamusta ka na Kara? Grabe, almost 6 months din tayong hindi nagkita ah. You look great. New hairstyle ah." sabi niya.

"I'm doing great. Ikaw? How are you?" sabi ko sa kanya pero binigyan lang niya ako ng isang 'weh-di nga' look.

"Ako ba talaga ang gusto mo kamustahin? O si Nate?" i heard his name once again. Ewan ko ba pero sa tuwing naririnig ko ang pangalan niya ay bumabalik ang lahat ng sakit na naramdaman ko noon. But i also want to know kung ano ang nangyari sa kanya this past few months. Curious lang naman.

"Well, pwede namang both of you." sabi ko lang. Nico offered me a ride. Papunta rin naman daw kasi siya sa grocery kaya sumabay na rin ako. Doon namin tinuloy ang catching up moment namin.

"Well, i'm fine....But...Nate.."

"What about Nate?" iba kasi ang tono niya. Hindi ko naiwasan ang mag isip ng kung ano.

"Nag resign siya bigla. He told me about what you...saw. Sabi niya hindi mo man lang daw siya binigyan ng chance na magpaliwanag." napayuko nalang ako. I admit that i wad wrong about that. "Masyado niyang dinibdib ang pagputol mo ng koneksyon between you and him. Kahit ako ay hindi ko na alam kung nasaan siya." patuloy niya. Napabuntong hininga nalang ako.

"What about Pamela?" i asked.

"Si Pam? She realized that she cant forced Nate na makipagbalikan sa kanya. She admitted her mistakes. Inakit lang niya si Nate, Kara. Walang kasalanan si Nate. So she decided na sa ibang bansa nalang manirahan." parang sinampal sampal ako ng katotohanang tumabad sa akin. Bigla akong nanghina at napuno ng pagsisisi. Bakit ba kasi ako nagpadala sa galit ko noon. Bakit ba hindi ko binigyan si Nate ng pagkakataon na ipagtanggol ang sarili niya. I'm a total jerk. Hindi ko na napigilan ang mapaiyak. Naisipan ko nalang na magpahatid nalang kay Nico pauwi. I'm not in the mood to go anywhere. Gusto kong mapag isa. Gusto kong mag isip isip.

Pagdating ko sa bahay ay dumeretso agad ako sa kwarto ko then i lock the door so no one can enter.

END OF CHAPTER 38

Runaway PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon