Lumipas ang dalawang buwan...
Naging tahimik ang buhay nina Kara, Nate at Ariel. Walang kaguluhan at pag atake ng kampo nina Carol at Baron. Kasalukuyang nasa duty ngayon si Nate. Balik siya sa pang umagang oras. Nasa nurse station siya ngayon naka assign. Tinignan niya ang oras sa wall clock. 11:54 am na. Malapit na mag lunch break. Napansin niyang nagkukumpol sa gilid ang iba niyang mga kasamahan. Naisip niyang puntahan ang mga ito para makiusyoso.
"Anong meron?" pagsali niya sa usapan.
"Hindi mo ba alam, Nate? Babalik na si Ma'am Pamela" sabi ng isang katrabaho niya. Natigilan si Nate sa narinig niya. Hindi niya akalain na makalipas ang ilang taon ay makikita niya ulit si Pamela. Si Pamela Vega ay anak ng presidente ng St. Francis Medical Center. Naging kaklase niya rin ito at naging kasintahan niya noong nasa kolehiyo sila, hanggang sa nagpasya itong iwanan siya nang malaman nito ang tunay niyang pagkatao. Nag aral ito ng medisina sa London. Bukas na ang dating nito. Nakaramdam siya ng pagka insecure sa kanyang sarili dahil nakapagtapos na ito ng medisina sa ibang bansa at isang official doctor na, samantalang siya ay isang hamak na nurse pa rin. Kaagad siyang bumalik sa pwesto niya. Nilibang nalang niya ang sarili niya sa pagtapos ng mga ineencode niya. Minahal niya rin naman ito kaya naman nasaktan siya ng iwanan siya nito. Naintindihan naman niya na hindi biro ang malaman mong hindi tao ang karelasyon mo pero kung mahal mo talaga ang isang tao o kahit ano pa man yan, hindi mo siya iiwanan kahit anong mangyari. Pero hindi ito ang ginawa ni Pamela kaya labis siyang nasaktan.
Sumapit ang lunch break, nagtungo siya sa canteen ng mag isa. Sa sobrang pag iisip ay nalimutan niyang daanan si Nico kagaya ng nakagawian nila. Umupo siya sa isang bakanteng upuan sa sulok.
Agad na dumating naman si Nico at parang hingal na hingal.
"Bro! Dinaanan kita sa nurse station, andito ka lang pala. Okay ka lang ba?" sabi nito.
"She's going back. Bakit? Bakit pa siya babalik?" napa cross arms nalang si Nico at mukhang nakuha nito kung sino ang tinutukoy niya.
"I guess narinig mo na ang balita. Yes, Pam is going to be back. Bukas na daw ang dating niya. Chill lang, Bro. Affected ka pa rin ba?" tanong nito.
"Hindi yun eh. Bakit kailangan niya pang bumalik. Bumabalik lang tuloy yung sakit noong iniwan niya ako."
"Alam mo bro, hindi ko kayang ipaliwanag sayo eh kasi hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang dahilan ng break up nyo. Pero sana ma klaro nyo na yan ngayong babalik na siya. Para makapag move on ka na rin." tumayo ito para umorder ng pagkain nilang dalawa.
Nate's POV
Ano ang dapat klaruhin? Klarong klaro na sa akin na iniwanan niya ako nung malaman niyang hindi ako tao. Sinong mortal ba naman ang magmamahal sa kagaya ko, isang halimaw. Bigla ko naalala si Kara. Noon pa man ay mahal ko na siya, simula palang mga bata pa kami. At ngayong nagkita na kami ulit, i wont miss the chance to be with her again.
Pagkatapos ng duty ko ay dumeretso akong umuwi. Nakakapagod din ang 8 hours na duty sa ospital. Mahirap talaga ang maging nurse. Ang dami mong kailangang matutunan. Kahit nagtatrabaho ka na at may lisensya ka na, kailangan mo pa rin mag aral. Kumbaga, kailangan araw-araw may natututunan kang bago. Pero kahit ganun, mahal na mahal ko ang trabaho ko. Marami akong natutulungang may sakit. Nakakatuwa kapag lumalabas sila ng ospital at pasasalamatan ka sa pag aalaga mo sa kanila, nakakataba ng puso. Minsan naiisip ko, siguro kung naging doktor ako ay mas marami pa akong natulungang may sakit. Dibale, mararating ko rin ang pangarap kong iyan. Nang makarating na ako sa inuupahan ko ay laging gulat ko sa naabutan ko.
"Mabuti naman at nakauwi ka na! Simulan mo ng hakutin ang mga gamit mo. Idedemolish na itong paupahan. Ibinenta na ng may ari ang lupang tinitirikan nito." sabi ng kapitbahay ko. What the heck? Demolish without further notice sa mga nakatira dito? Nakakabadtrip naman oh. Dali dali kong binuksan ang kwarto ko at nag empake ng gamit. Hindi ko na muna inisip kung saan ako magpapalipas ng gabi ngayon. Ang importante ay mailigpit ko muna ang mga gamit ko at mga damit ko. Pagkatapos ay agad akong lumabas ng kwarto at inumpisahan naman nila ay pag demolish ng paupahan. Tumalikod ako sa sobrang inis. Bakit hindi man lang kami binigyan ng palugid kahit isang linggo lang para makapag hanap ng bagong bahay. May mga kapitbahay pa naman ako na may mga anak na maliliit pa. Nakakaawa sila. Pumunta ako sa isang sulok para tawagan si Nico. Naisip kong sa kanya muna makituloy.
[Bro, emergency lang. Na demolish yung inuupahan ko. Baka pwedeng sa iyo muna ako makikituloy kahit isang linggo lang.] sabi ko sakanya.
[Bro, gusto ko sana. Sorry pero bukas ang dating ni Erpats galing sa Canada. Kilala mo naman yun diba, Ayaw nun ng may hindi siya kilala sa bahay. Sorry bro, basta kung kailangan mo ng financial help, yun nalang. Pasensya na talaga.] naiintindihan ko naman si Nico. Masyadong mahigpit at mabagsik ang tatay niya. Kahit ako na matagal ng kakilala ng anak niya ay parang ibang tao pa rin ang turing sa akin.
[Sige Bro. Huwag ka mag alala. Tatawagan nalang kita if nakalipat na ako.] binaba ko na ang telepono. Wala na akong maisip na hingian pa ng tulong.Sumagi sa isip ko ang mga magulang ko. Nasaan na kaya sila ngayon? Dalawang buwan na silang hindi nagpaparamdam ah. Sumuko na kaya sila kay Senyor William? Pwede kayang sakanila muna ako--- Hindi! Kahit anong mangyari ay hindi ako babalik sa kanila. Mas mabuti pang sa kalye nalang ako matulog kesa bumalik sa mga tiwali kong magulang. Hindi ko na kaya ang nakikita ko kaya nagsimula na akong maglakad palayo. Naisip kong sa ospital nalang muna ako magpapalipas ng gabi.
Tinignan ko ang oras sa wristwatch ko, alas sais na ng gabi kaya pala medyo madilim na.
"oh, sir Nate! Naglayas ba kayo? Bakit ang dami mong bagahe?" tanong ni manong guard ng st.Francis sa akin.
"Malas lang, manong. Idedemolish na yung inuupahan ko. Biglaan nga eh. Kaya hindi ako nakapaghanap agad ng lilipatan. Baka pwedeng sa staff room muna ako magpalipas ng gabi oh, bukas na bukas maghahanap na ako ng titirhan. Baka hindi muna ako magduty bukas." yung totoo, naaawa na ako sa sarili ko sa mga oras na ito. Pero wala eh, ganun talaga ang buhay.
"Tamang tama, Sir. Umalis na yung isang intern sa staff house ng ospital. Baka pwede ikaw yung pumalit. At nasa opisina niya ngayon si Sir Armando sa taas. Puntahan mo na ngayon para makapag paalam ka sa kanya." sabi ni kuya guard. Dali dali naman akong umakyat sa opisina ni sir Armano. Kung hindi nyo naitatanong, si Sir Armando ang presidente ng ospital na ito. Oo, siya ang tatay ni Pamela. Mabait naman si Sir. Tanggap niya kung sino ako. Kaya siguradong matutulungan niya ako ngayon.
Pagdating ko sa harap ng opisina niya ay nag ayos muna ako ng sarili ko bago ako kumatok.
END OF CHAPTER 30
BINABASA MO ANG
Runaway Princess
VampireHow does it feel to live forever? As in maging isang Immortal? Karisma is one of them. Being a vampire is not that easy for her. Kailangan niyang mag ingat at umiwas sa mga mortal. Paano nalang kung maghasik ng lagim ang mga tiwaling kalahi niya? Bi...