Chapter 33

3.3K 53 0
                                    

Ayoko munang umuwi sa bahay. Nakakabagot kasi. Pakiramdam ko ay nasa mansyon pa rin ako dahil sa ambience. Masaya ako na nagagawa ko na ang mga gusto ko. I feel so free right now. I got the chance na makilala ang ibat ibang klase ng tao. Ofcourse, hindi ko nalilimutan ang misyon namin nila Ariel. Wala na akong balita kina Carol at Baron. Nasaan na kaya sila ngayon? Gusto ko na talaga sila mahuli para matapos na ang pangamba ng aking pamilya. Nagpunta muna ako sa mall para mag ikot ikot. Nang mapagod ako ay umupo muna ako sa isang bench doon. Pinagmasdan ko ang mga taong naglalakad lakad sa harap ko. Nakakatuwa na kahit sa ganitong bagay lang ay masaya na sila. Walang nakasimangot sa mga nandito.

Kasama lang nila ang pamilya nila sa pamamasyal ay masaya na sila. Sana balang araw ay madala ko rin sina mama at papa dito. Habang hinihintay ang oras ay naisipan kong mag scan sa cellphone ko.

Ariel's POV

Alas dose na. Lunch break na. Papunta na ako sa locker room nang may mapansin akong nakaupo sa may fountain. Hindi ko alam kung bakit napangiti ako at kusang naglakad ang mga paa ko papunta sa kanya.

"Miss, bawal ang tumambay dito." sabi ko. Parang nagulat siya at napaangat ang ulo niya. She smiled nung makita niya ako. Ang ganda ng ngiti nya. Parang drugs ang kanyang mga ngiti, nakakaaddict lang.

"Ariel! Akala ko naman kung sino eh. Upo ka muna." sabi niya sabay usog sa kabilang side ng bench.

"Saan ka galing?" tanong ko.

"May trabaho na ako." nakangiti niyang sabi.

"Talaga? at saan naman?"

"Sa St. Francis. Secretary ng isang doktor doon." saad niya. Medyo natigilan ako sa sinabi niya. Ibig sabihin ay magkakasama sila ng hilaw na bampira sa trabaho at lagi na silang magkikita. Nakakainis!

"Y-yung ospital ba na malapit dito?" tanong ko.

"Oo yun nga. May pagkakaabalahan na din ako  Nakakainip kasi sa bahay eh. Teka, kumain ka na ba?"

"Hindi pa. Gusto mo ba sabay na tayo kumain?"

"Naku, Kumain na ako eh. Kasabay ko si Nate kanina." nakangiti niyang sabi. Makaalis na nga. Na ba badtrip lang ako sa pangalan ng Nate na yan eh.

"Ah ganun ba? O pano, mauna na ako. Isang oras lang ang break ko eh. Text text nalang... kung may balita sa mga tiwaling kalahi nyo." sabi ko sabay talikod sakanya. Pero sana kahit hindi tungkol sa mga kalahi niya ay magtext siya. Pssh! Tumigil ka nga Ariel! Tandaan mo, hindi ka pwedeng umibig sa katulad niya. Ikaw ang kasalukuyang manunugis, huwag mong sirain ang sinumpaan ng pamilya nyo. Kinurot ko ang sarili kong pisngi. Baka sakaling magising ako sa katotohanan.

Kara Foronda's POV

Medyo weird si Ariel ngayon. Parang may binubulong siya sa sarili niya bago siya naglakad palayo. Medyo malabo sa pandinig ko ang mga binubulong niya. Eh sa dami ba naman ng pangontrang nakasabit sa katawan niya eh, siguro ay isa na dun ang para hindi namin marinig ang mga sinasabi at binubulong niya. Maya-maya ay umuwi na rin ako. Pagdating ko sa bahay ay sumalubong sa akin ang kotseng nakaparada sa tapat ng pintuan. Inexpect ko na nasa loob si Nana Belen kaya agad akong pumasok sa loob. Nakasalubong ko si Tinay.

"M-ma'am.." sabi niya.

"Bakit parang gulat na gulat ka?" tanong ko sakanya.

"Ma'am. Dumating po ang mama ninyo. Nasa kwarto nyo po siya ngayon. Bak—" hindi ko na pinatapos ang sinasabi niya. Bigla akong tumakbo papunta sa kwarto ko. Sobra ko nang namimiss si mama kaya gusto ko na siyang mayakap ulit. Binuksan ko ang aking kwarto at nakita ko siyang nakaupo sa kama ko. Agad akong lumapit sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit.

"Anak, i miss you." sabi niya.

"I miss you din, mama. Nasaan si Nana Belen?"

"Iniwanan namin sa palengke, hija. Dadaanan nalang namin siya maya-maya. Kamusta ka naman dito?"

"Mabuting mabuti mama. May trabaho na po ako. Secretary ng isang doktor."

"Talaga. Mabuti kung ganun. Hindi na ako magtatagal, anak. Baka hanapin agad ako ng papa mo. Namimiss ka na rin niya anak. Sana magpakita ka na sakanya."

"Miss ko na rin siya. Hayaan nyo po, kapag handa na ako magpakita, babalik ako sa mansyon." muli ko siyang niyakap. Pagkatapos ay inihatid ko na siya sa kotse. Nang makaalis na sila ay pumasok na ako sa loob. Sumalubong sa akin ang salubong na kilay ni Tinay.

"Oh? bakit ganyan ang hitsura mo?" tanong ko sa kanya.

"Ma'am, hindi naman sa pangingialam ha. Mag nanay ba talaga kayo? Eh parang magkapatid lang eh. Parang ang lapit ng hitsura nyo sa isat isa. Parang wala pa sa kwarenta anyos ang nanay nyo eh. Ibang klase. Ganun ba talaga ang mga nakatira sa ibang bansa?" pag usisa niya. Napailing nalang ako sa sinabi niya at dumeretso ako sa aking kwarto.

Maaga akong nagpahinga para maganda ang gising ko para bukas.

END OF CHAPTER 33

Runaway PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon