Chapter 43

4K 45 1
                                    

Pinagmasdan ko ang natutulog kong anak. Napagandang bata. Kamukha rin niya ang kanyang ama. Nakuha nito ang magandang mata ni Ariel. I miss him so much. It's been a week since he sacrificed his life for me. Ngayong isa na akong mortal, mabubuhay na ako ng normal kasama ang anak ko. Ilalayo ko siya dito.

Bago kami umalis ay marami pa kaming aasikasuhin dito sa pilipinas. Nag resign na rin ako sa trabaho ko para matutukan ang aking anak, si Kariella. Sa siyudad na rin kami tumira kasama sina Mama at Papa.

"Nakahanap ka na ba ng lugar na titirhan ninyo, Senyorita?" tanong sa akin ni Nana Belen.

"Hindi pa nga po Nana. Saka na po yun kapag naayos ko na ang mga papeles ni Kariella papuntang Paris." sagot ko. Kumunot lang ang noo ni Nana. Halatang hindi niya gusto ang desisyon ko pero its final, aalis kami sa lalong madaling panahon.

"Mamimiss kita Senyorita Karisma.." malungkot na sabi ni Tinay. Natawa lang ako sa reaksyon niya.

"Dont be. Dahil kasama ka sa amin na aalis. Ikaw ang napili kong mag alaga sa anak ko. Naging tapat ka noon sa pamilya ko kahit hindi mo pa sila nakikilala, alam kong mapapagkatiwalaan ka. Masyado ng matanda si Nana para bumiyahe pa kaya siya nalang ang mamamahala dito sa mansyon habang wala tayo." i said. Nanlaki ang mga mata ni Tinay na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Talaga Senyorita? Aaaaahhh! Makakapunta na ako ng Pares?  Salamat po talaga! Naku! Kailangan ko na magpractice ng french at kumain ng french fries!" sabi ni Tinay. Natawa nalang kami ni Nana Belen sa mga sinabi niya.

Three Weeks Later...

This is it. Ang araw ng alis namin papuntang Paris. Doon na kami maninirahan for good. Masyado ng maraming bad memories dito sa pilipinas. We should start a good memories para sa anak ko. Kasama ko ang parents ko at si Tinay sa pag alis. Niyakap ko si Nana Belen nang mahigpit. Ayaw man namin siyang iwanan dito sa pilipinas, pero she insists. Hindi na raw niya kasi kayang bumiyahe pa.

"Babalik kami Nana. Pangako." sabi ko sa kanya. Hindi na niya napigilan ang mga luha niya sa pagtulo. Maya-maya ay pumasok na kami sa loob ng airport. Ito na ang oras ng flight namin. Sana pagbalik namin ay maging maayos na ang lahat dito.

Bye, Philippines. Thanks for the good memories....

Nate's POV

Binuksan ko ang TV sa kwarto ko. Nakakainip na rin kasi dito sa loob ng bahay ng mga magulang ko. Hindi na kasi kagaya ng dati. Marami ng nagbago sa akin. Hindi na ako basta basta makakalabas ng bahay. Lalo na kung tirik na tirik ang araw. I'm about to turn off the TV kasi wala namang magandang palabas pero nagkamali ako ng pindot sa remote. Next channel ang napindot ko. Napunta tuloy sa news channel. Nanlaki ang mga mata ko sa binabalita bilang headline for today.
Anak ng CEO of St. Francis Medical Center na si Pamela Vega, namatay sa panganganak sa America.

What the? Namatay? Panganganak? She's pregnant? I have a feeling na sa akin ang batang ipinagbuntis niya. I have to find that kid at kailangan ko siyang makuha.

I felt sorry for what happened kay Pamela. Hindi pa naman ako ganun ka-sama para hilingin na mangyari sa kanya ang nangyari.

Nang sumapit ang gabi ay palihim akong lumabas ng bahay at nagtungo sa St. Francis. I wear my brown hoodie jacket para hindi ako makilala. Nagpunta ako sa opisina ni Nico para magpatulong sa kanya na makita ang anak namin ni Pamela.

"Bro? What the? Bakit ngayon ka lang nagpakita? And look at you! Para kang naubusan ng dugo sa sobrang putla. Are you okay?" tanong niya.

"I have no time to explain, Bro. I need to see my child." i exclaimed.

"Sabi ko na nga ba anak mo yun eh. Naku Bro, hindi pa dumadaan dito si Sir Armando. Malamang nandoon lang yun sa bahay nila." wala sabi sabi ay kaagad akong lumabas ng opisina niya. Sa bintana na ako dumaan para wala ng makakita pa sa akin sa baba.

Nang marating ko ang mansyon ng mga Vega ay kaagad kong hinanap ang sanggol mula sa bintana. Simula nung bumalik ako sa mga magulang ko ay nagkaroon ako ng kakaibang lakas. Nakakatalon na ako ng mataas at nagkaroon din ako ng kakaibang bilis sa pagkilos. Inisa isa ko ang mga bintana ng mansyon. Nakita ko ang hinahanap ko sa huling bintanang sinilip ko. Nakahiga siya sa isang crib na kulay blue. May mga disenyo itong kotse kaya i assumed that my child is a boy. Lalaki ang anak ko. Napangiti lang ako.

Makukuha rin kita, anak ko. Maghintay ka lang. Maya-maya ay umalis na rin ako. Mahirap na. Baka may makakita pa sa akin.

END OF CHAPTER 43

Runaway PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon