Chapter 8

6.8K 126 3
                                    

Third Person

Sa mansion, nagkakagulo na ang buong clan. Bukod kasi sa problema nila sa mga tiwaling kalahi ay dumagdag pa ang kaisa-isang anak ni Don William at Senyora Heredia na si Karisma. Hindi rin mapakali si Nana Belen sa loob ng kusina.

"Nana, ayos ka lang ba?" Tanong ni Flora, isa sa mga kasambahay. Walang dapat makaalam ng nangyari, sa isip isip ni Nana Belen.

"Ha? Oo. Nag aalala lang ako sa Senyorita." Tugon ni Nana Belen.

"Grabe ka naman mag alala, Nana. Daig mo pa si Senyora Heredia kung mag panic." Biro nito. Napahinto si Nana Belen. Kailangan niyang pakalmahin ang sarili niya bago pa may makahalata na may kinalaman siya sa pagkakatakas ni Karisma. Uminom nalang siya ng isang basong tubig para pakalmahin ang sarili.

Samantala, hindi na napigilan ni Heredia ang mapaiyak dahil sa pagkawala ng anak. Niyakap naman siya ng kaniyang asawa at pinatahan.

"Huwag ka mag alala, mahal ko. Mahahanap natin si Karisma. Ibabalik ko siya dito. Alam kong hindi siya makakalayo. Nasa paligid lang siya." William said.

Maya maya ay pumasok si Heredia sa silid ng kanyang anak. Pinagmasdan niya ang mga gamit nito. Ngunit napansin niyang wala na ang karamihan sa mga damit nito. Kaya isa isa niyang binuksan ang mga drawer ng cabinet ni Karisma. Wala ng laman ang iba sa mga ito. Doon niya napagtanto na hindi nawawala ang anak kundi naglayas ito. She started to panic. Palabas na sana siya ng silid nang mapansin niya ang kapirasong papel na nakaipit sa ilalim ng lampara. Binasa niya ito.

Mama, papa,

Pasensya na kayo at hindi na ako nakapag paalam pa sainyo. Alam ko namang hindi kayo papayag sa desisyon ko. Ipinapangako po sainyo na aalagaan ko ang sarili ko at lagi ko kayong iisipin. Mahal na mahal ko po kayo. Sana ay balang araw matanggap ninyo ang desisyon ko at ipagmalaki nyo na ako sa ibang kalahi.

Nagmamahal, Karisma

Karisma Foronda's Point of View

Dug-dug-dug-dug!

Yan ang kabog ng dibdib ko habang nagkaka eye contact kami.

In fairness, gwapo ha at ang ganda ng mga mata niya. Brown eyes. Maputi rin ito. Parang hindi nagkakalayo ang balat namin. Hindi kaya..... No! It cant be! Imposibleng kalahi ko siya. Ano ba! Wake up Karisma! Malay mo anemic lang si kuya. Anemic? Eh nurse nga siya eh! Hala? Nagtatalo ang mga brain cells ko. Awat na nga.

"Miss? Okay lang po kayo?" Siya na rin ang gumising sakin sa pagkakalutang.

"Ha? Ah eh.. O-okay lang. But you dont have to check my BP. Hindi naman yan ang pinunta ko dito. I'm here para humingi ng prescriptions." Tinignan ko siya. Ang amo ng mukha niya. Pero he looks so familiar pero ngayon palang kami nagkita. Could it be Dejavu? Or he's reincarnated and na meet ko ang old self niya? There is so many unexplainable things in this world. Face that.

"Pero miss, i need to ch-" Good thing hindi niya natuloy ang sasabihin niya. Tinawag siya ng isa pang nurse para mag assist sa pasyente sa kabilang cubicle.

"Nate, paassist naman dito oh. Lalagyan ng anaesthesia yung bata." So, Nate pala ang pangalan niya. Pagkakataon ko na itobpara makaalis.

"Wait here, Miss. I'll be back." Kaagad siyang umalis. So, sinabayan na rin namin ng alis ni Tinay. Hindi niya pwedeng makita ang BP ko. Hello? Gusto nya bang himatayin sa makikita niya? Siyempre hindi normal ang BP ko no. Hindi naman ako tao eh.

"Bilisan mo, Tinay!" Hinila ko siya at tumakbo kami palabas ng ospital. Huminto kami sa pagtakbo ng medyo malayo na kami sa ospital.

"Paano yan ma'am? Kanino na tayo magtatanong para sa gamot dyan sa allergy mo?" Sabi ni Tinay.

"Wala bang mabibilhan ng gamot dito? Maliban sa ospital?" Sabi ko. Luminga linga ako sa paligid. At may nakita ako sa kabilang side ng kalye. Isang drug store. Dali-dali kaming tumawid ni Tinay.

Nate's Point of View

Pagkatapos kong mag assist sa kabilang cubicle ay agad akong bumalik sa cubicle nung magandang babae kaso may kurikong este Allergy. Pagbukas ko ng kurtina ay wala na siya at ang kasama niya. I didnt even get her name. Napailing ako sa sobrang pagkadismaya. Pero may napansin ako sakanya. Parang nagkita na kami. Hindi ko lang maalala kung saan at kailan. At nagtataka lang din ako kung bakit ayaw niya magpa BP. Samantalang yung iba, pumupunta lang dito para magpa BP sa'kin. Take note, sa akin. Ewan ko ba, lagi nalang ako ang nirerequest nila. At lahat sila puro babae. Minsan wala naman silang sakit pero pumupunta sila dito. Kaya tuloy parang laging puno ang emergency room eh. Teka, hindi kaya isa siya sa mga babaeng nagpupunta dito para lang tumambay at magpapansin dito? Ahh i get it. Pero in fairness, siya ang pinakamaganda sa kanila. I cant wait na magkita ulit kami. I hope so. Mabilis ang oras ngayon dahil busy. 15 minutes to go, out na ako. Uwian na. Ang sarap ng ganitong buhay. Niligpit ko na ang gamit ko at nagpalit na ako ng damit.

"Oh, uuwi ka na? Buti ka pa." biglang may tumapik sa akin. Ah si Nico lang pala. I mean, Doc Nico pala, ang bestfriend ko since college.

"Opo, Doc. Tapos na ang shift eh." Binatukan nya ako. Ayaw niya kasing binibiro ko siya ng ganun. Pareho kasi naming pangarap ang maging doktor. Nasa college palang kami napagkasunduan na naming mag aaral kami sa med school ng sabay pero siya lang ang pinalad.

"Sira ka talaga bro! Ipagpatuloy mo na kasi ang pag aaral mo sa med school. Pagkatapos ng duty mo dito, pumasok ka ganon!" Parang ganun ka dali ah. Simula kasi nung humiwalay ako sa mga magulang ko ay hindi na masarap ang buhay ko. Buti nalang at nakatapos ako ng kolehiyo at nakakuha ng magandang trabaho. Siguro tinatanong nyo na ako kung bakit ako bumukod at nag sarili. Kung ang magulang ko ang magulang nyo, baka ganito rin ang gawin nyo. Hindi nyo kakayanin ang pamamalakad nila at ginagawa nila sa buhay. Malalaman nyo rin yun. Sa mga susunod na kabanata. Masyado ba akong misteryoso? Siguro nga, ang buhay ko at pagkatao ko ay isang malaking misteryo.

END OF CHAPTER 8

Runaway PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon