Chapter 14

5.7K 100 0
                                    

Nate's POV

Akala ko hindi pa papayag ang babaeng 'to eh. Pagkatapos niya kaming sigawan.

"Akala ko mapapagkatiwalaan kayo!"

Biglang nag panting ang tenga ko sa sinabi niya. Masyado akong sensitive sa issue ng tiwala. Siyempre, nagtiwala ako sa mga magulang ko tapos ganun lang ang ginawa nila.

Maya-maya lang ay huminto ang isang sasakyan sa tapat ng isang napakataas at malaking gate. May papalapit na guwardya. Ibinaba ni Kara ang bintana niya.

"Good morning Ma'am. Mga bisita?" Sabi ng matandang guwardiya. Tumango lang siya Habang ang isang guard naman ay abala sa pagbubukas ng gate. Ito na nga ang bahay niya. Umandar na ang sasakyan. Hindi ko maalis ang tingin ko sa bintana. Ang lawak ng hardin nila. At ang layo ng bahay sa gate. Hindi ko pa nga matanaw ang bahay sa dinadaanan namin. Naalala ko tuloy ang bahay ng kababata ko. Ganito rin ang lawak ng hardin nila. Kamusta na kaya siya ngayon?

"Okay ka lang?" kinalabit ako ni Kara. Nahalata niya sigurong hindi na ako gumagalaw sa kinauupuan ko at nakatingin nalang ako sa bintana. Tumango lang ako habang nakatitig pa rin sa labas.

Sa wakas, nakita ko na rin ang bahay. Ang ganda. Anak mayaman pala itong babaeng 'to. Kaya naman pala may pagka spoiled.

"Andito na tayo." Sabi niya. Huminto ang kotse sa tapat ng napakataas na pinto.

Sabay-sabay kaming bumaba ng kotse.

Binuksan ng alalay niya ang pinto at dumere-diretso sa kabilang parte ng bahay, mukhang sa kusina. Umupo muna kami ni Nico sa sofa. Halos mapilipit na ang leeg namin sa kakatingin sa buong bahay niya. Napapa wow lang kami. Parang mamahalin lahat ng gamit. Pero may napansin ako. Bakit parang walang mga picture frames o litrato man lang niya o ng pamilya niya? At saka nasaan ang mga magulang niya? Ahh.. baka tulog pa. Maaga pa naman eh.

Maya-maya ay lumabas na si Kara mula sa kwarto niya. Nakabihis na siya ng pambahay at nakapaghilamos na. Mas maganda siya kapag natural lang ang hitsura niya. Yung tipong, walang make up sa mukha.  Ngumiti siya sa amin. There's something about that smile. Parang familiar talaga siya sa akin. Kapag nakikita ko siya, naaalala ko ang kababata ko. Pero bakit? Ang layo naman nila sa isat isa. Mabait si Karisma. Ang sungit ni Kara. Basta. Wala ng babait pa sa kababata ko.

"Tara almusal tayo. Nagluluto na si Tinay ng almusal."  sa sobrang gutom ay agad kaming tumayo. Nauna pa ngang maglakad sa amin si Nico papuntang kusina. Teka. Napakalayo ng kusina ah. Mula sa sala, parang tatlong minuto pa ang lalakarin namin sa sobrang laki ng bahay. Paano niya nalaman na nagluluto na si Tinay? Napahinto ako sa kinatatayuan ko.

"Oh. Akala ko ba gutom ka na? Tara." Sabi ni Kara. I gave her a puzzled look.

"Bakit?" Lumapit siya sa akin. Ang bait niya sa akin ngayon ah. Baka naiinlove na sa kagwapuhan ko. Sabi ko naman kasi eh..

Teka, mabalik tayo sa sinasabi ko. Wala naman akong naririnig na nagluluto at ang layo ng kusina para malaman niya. And last, galing siya ng kwarto.

"P-paano mo nalamang nagluluto na si Tinay?" Tanong ko sa kanya. Lumapit siya sa akin. Close enough para makita ko ang mukha niyang maganda. Napaatras tuloy ako.

Kara Foronda's Point Of View

"P-paano mo nalamang nagluluto si Tinay?" tanong ng kumag. Mukhang nagdududa ata sa akin ito ah. Lumapit ako sa kanya. Sobrang lapit para makita ko ang brown eyes niya. Ang tangos pala ng ilong niya sa malapitan. Napaatras naman siya. Parang natakot ata si Kumag. Wow ha. As if naman na kakainin ko siya ng buo.

"Ang dami mong tanong no?" Nginitian ko siya.

Tapos ay naglakad na ako papunta sa kusina. Naramdaman kong sumunod naman siya.

Sa kusina, nakahain na si Tinay nang makita ko. Nakaupo na rin ang kaibigan ni Kumag. Ano nga ulit ang pangalan nito? hmmm.... Ah. Si Nico. Mukhang gutom talaga ito. Nagluto si Tinay ng TapSiLog para sa almusal.

Pagkatapos mag almusal ay nagpaalam na rin ang dalawa.

"Salamat sa almusal, Kara. Mauna na kami." sabi ni Nico. Tumango lang ako. Samantalang itong si Tinay, akala mo naman kinikiliti sa.... alam nyo na. Tumingin ako kay kumag. Aba! Wala bang balak magpasalamat to? Hindi man lang kumikibo! Kumag talaga! Pero parang may iniisip siya. Tulala eh. Hindi niya alam na nakatingin ako sa kanya. Hanggang sa tinapik nalang siya ni Nico para sabihing aalis na sila. Kahit bumalik na siya sa ulirat niya ay hindi pa rin siya tumingin sa akin! Kainis! Walang manners! Siguro nung nagpasabog ng manners si Lord, natutulog siya sa oras na yun. Nakatayo lang kami ni Tinay sa may pinto habang nakatingin sa papaalis nilang kotse.

Nakita kong kinuha ni Tinay ang cellphone niya sa bulsa niya at nagsimulang kalikutin ito. Napatingin ako sa cellphone niya.

"Ma'am sa tingin ko dapat magkaroon ka na ng cellphone." Tama siya. Makakatulong nga sa akin ang gamit na iyon. Naisip ko ring bilhan si Nana Belen para alam ko kung ano ang nangyayari sa mansyon.

"Para naman makatext mate mo na si Nurse Pogi." She giggles. Sumimangot ako. Hindi siya ang dahilan kung bakit ako bibili ng cellphone no! ano siya? sinusuwerte? Iniwanan ko na si Tinay at pumasok na ako sa kwarto para makapagpahinga.

Nana Belen's POV

Lagi nalang mainit ang ulo ng Senyor. Si Senyora Heredia naman ay laging malungkot. Kamusta na kaya ang Senyorita Karisma? Sana ay mabuti ang lagay niya. Papunta ako ng palengke ngayon. Pwede kong daanan ang senyorita sa bahay niya.

Tinawag ko na si Donato para makaalis na kami at makabalik bago mag hapon.

Sa sobrang tagal ng biyahe ay nakatulog ako.

Ginising nalang ako ni Donato nang nasa palengke na kami. Pagkatapos kong mamalengke ay dumaan muna kami kay Senyorita. Sinalubong ako ni Tinay.

"Nana! Kamusta po? Natutulog pa po si Ma'am. Eh gumimik kasi kami." Nagulat ako sa sinabi ni Tinay. Hindi niya dapat sinasama ang senyorita sa mga ganung klaseng lugar. Matao ang mga lugar na ganun, delikado para sakanya.

"Tinay, sa susunod, Huwag mo isasama ang senyorita sa mga mataong lugar. Huwag na huwag mo akong susuwayin." Natahimik ito at bumalik na sa kusina. Dumeretso ako sa kwarto ng senyorita. Nakalock ito kaya mahinahon akong kumatok.

"Sino 'yan?" narinig kong sabi ng senyorita mula sa loob.

"Ako po ito, Senyorita." kahit hindi ako nagpakilala ay agad na binuksan ng senyorita ang pinto at pinapasok ako. Niyakap niya ako ng mahigpit at ganun din ako.

"Kamusta na ang Mama at Papa? Kayo po?" sabi niya.

"Ayos naman kami, Senyorita. Magulo lang sa mansyon dahil sa pagkawala mo. Pinapauna ni Don William ang paghahanap sayo at isinantabi niya muna ang paghahanap sa mga tiwaling kalahi." sabi ko sakanya. Halata sa mukha niya ang pag aalala. Minabuti kong hindi na sabihin ang tungkol sa kanyang ina.

"Siya nga pala, Nana. May nakita na akong isa sa mga tiwaling kalahi. Marami na rin pala silang nabibiktima dito. Mahuhuli ko na sana eh, kaso may umeksena lang." sumimangot ito.

"Delikado ang ginawa mo, senyorita. Hindi mo alam kung ano ang kaya nilang gawin. Hindi natin alam kung anong itim na mahika ang gamit nila." bigla akong nag alala sa kanya. Tumango lang ito. Maya-maya ay nagpaalam na rin ako sa kanya. Niyakap namin ang isa't isa bago ako lumabas ng kwarto niya.

END OF CHAPTER 14

Runaway PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon