Chapter 24

4.5K 81 0
                                    

Kara Foronda's POV

Nakaupo lang ako sa hardin at nagmumuni muni. Iniisip ko ang mga bagay na nangyayari ngayon sa paligid. Naaalala ko rin sila Mama at Papa. Miss na miss ko na talaga sila. Pero kailangan ko itong gawin. Maya-maya ay tinawag ako ni Tinay. Bakit parang aligaga siya? Ano bang meron? Napatayo ako sa kinauupuan ko at pumasok sa loob.

Nakabukas ang TV at balita ang palabas.

Headlines: DALAGITANG BIKTIMA NG MGA HINIHINALANG HALIMAW, PUMANAW NA

Laking gulat ko sa balitang ito. Sayang at hindi na namin naabutan ang dalagita para makausap ito. Nakakalungkot lang yung balita. Bigla namang nagring ang cellphone ko. Its Ariel. Malamang ay napanood na rin niya ang balita.
[Hello Kara. Kailangan natin magpunta sa lamay mamayang hapon. Kailangan nating mag imbestiga.] sabi niya.

"Okay sige. Text mo nalang ako sa meeting place."
[Dadaanan nalang sana kita jan dahil sa simbahan naman nakaburol yung dalagita.]

"Sige. ikaw bahala. Salamat." then he hangs up. Papunta na sana ako sa kwarto ko para mag ayos nang may bumusinang sasakyan. Si Nana Belen! Hindi ko mapigilan ang mapangiti. Agad kong pinuntahan si Tinay sa kusina at sinabihang siya muna ang bahala kay Nana Belen dahil kukunin ko ang regalo ko sa kanya sa kwarto. Lumabas naman agad agad si Tinay para salubungin si Nana.

Third Person

"Nathaniel... hijo, gising na. Andito na tayo sa bahay ni Senyorita." mahinahong ginising ni Nana Belen si Nate. Bigla namang napaigtad si Nate sa kinauupuan niya. Naunang bumaba ng sasakyan si Nana Belen at dumeretso na sa loob. Si Nate naman ay  patuloy sa pagsusuklay ng kanyang buhok. Suot pa rin niya ang kanyang uniporme. Hindi siya mapakali sa pag aayos sa kanyang sarili.

"Gwapo ka na Nathaniel. Magugustuhan ka na ni Senyorita." sabi sakanya ni Donato. Ngumiti lang ang binata.

Samantalang si Kara naman ay abala sa pagbabalot ng ireregalo niya para kay Nana Belen. Maya maya ay bumaba na ng sasakyan si Nate. Laking gulat niya sa nakita niya. Pamilyar na pamilyar sa kanya ang lugar na ito.

"Teka? Bakit andito kami sa bahay ni Kara? Magkakilala ba sila ni Nana?" bulong niya sa sarili. Pumasok siya sa loob ng bahay nito at nakita niya si Nana Belen at Tinay sa sala.

"Oh? Nurse Pogi! Anong ginagawa mo dito? Mag isa ka lang na pumunta dito?" sabi ni Tinay kay Nate. Bago pa makasagot si Nate ay naunahan na siya ni Nana Belen sa pagsagot.

"Sandali?! Magkakilala ba kayo ni Nathaniel?" sabi ni Nana Belen.

"Oo Nana. Madalas sila dito ni Nico. Yung kaibigan niya. Nathaniel pala real name mo? Pa Nate Nate ka pa ha."

Nanlaki ang mata ni Nate. Unti unti na niyang napapagtanto ang mga sitwasyon. Maya-maya ay lumabas na ng kwarto si Kara, dala niya ang isang maliit na box. Nakabalot ito sa magandang wrapper.

"Nana Be.... Nate? Anong ginagawa mo dito? Ikaw lang? Nasaan yung chinito friend mo?"

Nagkatinginan si Nana Belen at Nate. Maging si Tinay ay naguguluhan din sa pangyayari.

Hindi na napigil ni Nate ang sarili.

"Karisma? Ikaw si Karisma?" Naluluhang sabi ni Nate. Nanlaki ang mga mata ni Kara sa narinig. Agad na lumapit si Nate kay Kara at niyakap ito ng mahigpit. Hindi na nagawa ni Kara ang magprotesta sa yakap ni Nate. Maging siya ay may kakaibang naramdaman sa yakap na iyon.

"Nate? Anong nangyayari sa yo? At saka anong tinawag mo sa akin? Nana? Magkakilala kayo ni Nate?" naguguluhang tanong ni Kara.

"Karisma, ako to, ako to. Si Nathaniel, ang kababata mo." hindi makapaniwala si Kara sa narinig. All this time, nasa harap na niya pala ang matagal na niyang hinahanap na kababata. Naalala niya bigla yung mga ginawang niyang pagsusungit kay Nate. Di niya napigilan ang matawa.

"Bakit ka natatawa?" tanong ni Nate sakanya.

"Hindi kasi ako makapaniwala na yung sinusungitan ko at madalas kong nakikita ay yung matagal ko na palang hinahanap. Masayang masaya lang ako." hindi na niya napigilan ang maluha sa nangyayari.

Muli siyang niyakap ni Nate na parang ang tagal na nilang hindi nagkita.

"Ehem! Ma'am Karisma, May ibibigay ka kay Nana Belen diba po? Asus! Parang nung isang araw lang ay parang aso at pusa lang kayo." tukso ni Tinay sa dalawa.

"Oo nga pala. Nana Belen, para saiyo yan." iniabot niya ang regalo. Agad itong binuksan ni Nana Belen at laking gulat niya. Ang laman ay bagong cellphone.

"Para po yan sainyo. Para matawagan ko na kayo at saka para updated ako sa mansyon. Nandyan na po yung number namin ni Tinay. Tawagan nyo lang po ako kung may kailangan kayo." sabi niya sabay yakap sa matanda.

Nagpahanda si Kara ng masarap na tanghalian kay Tinay. At masaya nila itong pinagsaluhan. Hindi na mapaghiwalay ang dalawa na dati ay parang aso at pusa kung magtalo.

Maya-maya ay nagpaalam na si Nana Belen. Kailangan na niyang umalis para makabalik agad sa mansyon.

Samantalang nagkwentuhan muna sina Nate at Kara tungkol sa mga naging buhay nila.

Ikinuwento ni Nate kay Kara ang naging buhay niya ng mag isa, ang pag aaral niya, ang pagtatrabaho at ang tungkol sa biktima ng kanyang mga magulang.

"Oo nga pala! Bago ko makalimutan, baka gusto mo sumama mamaya sa lamay nung biktima. Mag iimbistiga kami ni Ariel."

"Ariel? Sinong Ariel? May kilala din akong Ariel e, Kapatid sa ina ni Nico. Pero hindi sila magkasundo nun. Kakaiba daw ang ugali eh. Kwento lang niya sa akin ha." sabi ni Nate.

"Eto rin naman kakaiba ang ugali pero mabait naman ito at madali naman makasundo. I'm sure magkakasundo kayo." she smiled.

"Well, as long as hindi siya nanliligaw sayo, magkakasundo talaga kami." sabay tawa ni Nate.

"Sows! Hindi ka naman dating ganyan ah. Maka asta ka jan. Huwag ka mag alala, hindi nanliligaw si Ariel. Trabaho lang ito. Ikaw talaga." pinisil nito ang kaliwang pisngi ng binata.

Hindi pa rin makapaniwala ang dalawa sa nangayayari ngayon. Sa kabila ng problemang kinakaharap nila about sa mga tiwaling kalahi ay nagtagpo pa rin ang landas nila. Ngayon ay mas lalo na silang napapalapit sa isat isa.

END OF CHAPTER 24

Runaway PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon