Chapter 37

3.2K 43 1
                                    

Kara's PoV

"Think about it, Nate. Alam kong hahanap-hanapin mo rin ako. Till next time."

Parang nagslowmo ang buong paligid sa nadatnan ko. Ano ibig sabihin ng sinabi ni Pamela? Does it mean na may......No! it cant be! Hindi magagawa ni Nate sa akin yun. Mahal nya ako at nangako siya. Pero bakit wala siya suot ngayon? Hindi ko na alam kung ano ang paniniwalaan ko sa mga oras na ito, si Nate o ang mga nakikita ko. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko.

"K-Kara...  Let me explain..." Nate uttered.

"Explain? Alin? This? I-It's okay.. Naintindihan ko na.." hindi ko na kaya makita pa ang mga ito kaya tumakbo na ako at umalis. Hindi ko na rin namalayan kung saan na ako napunta basta hindi ako tumigil sa pagtakbo. Nang makaramdam ako ng pagod ay saka palang ako huminto.

Umupo ako sa isang sulok at doon ko na ibinuhos ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Bakit? Paano niya nagawa yun? Naniwala ako sa lahat ng pangako at sinabi niya pero niloko niya lang ako. Nawala lang ako ng isang araw tapos ganito na? T*ng ina naman oh! Ano tingin nila sa akin? Tanga lang? Bahala sila sa buhay nila.

"Hindi bagay sa magandang babae ang umiiyak sa gilid ng simbahan."

"Ariel?" kaagad akong tumayo sa inuupuan ko at niyakap ko siya ng mahigpit. Eto ang kailangan ko sa ngayon, kaibigang masasandalan.

Ikinuwento ko kay Ariel habang nasa biyahe ang mga nangyari kung bakit ako nagkakaganito. He offered me a ride home, so i agreed.

"Sabi na nga ba at gago talaga ang Nate na yan eh. Noon palang hindi na ako tiwala sa mukhang yun eh." sabi niya. Sa totoo lang, hindi ko naman talaga alam ang totoong nangyari. Nag base lang ako sa nakita ko kanina. Pero kailangan ko pa ba marinig ang sasabihin niya eh kitang kita ko na ang nangyari, ang pangloloko niya.

Nagpaalam na si Ariel pagkatapos niya akong ihatid. He offered to stay for awhile pero ako na rin ang nagpaalis sa kanya. Alam kong may obligasyon pa siya sa pamilya niya. Andito naman si Nana Belen at Tinay eh. Sila na ang bahalang magcomfort sa akin.

"Anong sabi mo Ma'am? Nagawa ni Poging Nurse yun? Woah! Imposible. Eh patay na patay sayo yun ah." sabi ni Tinay. Umiling iling nalang ako.

"Naku, tama na nga yan. Ikaw Tinay, bumalik ka na sa kusina. Halika Hija, mag usap tayo." umalis na si Tinay at hinawakan naman ni Nana Belen ang mga kamay ko papunta sa kwarto ko. Doon na ako nagsimulang humagulgol ng todo. Ibang sakit ang naramdaman ko ngayon. Mas masakit sa pa kesa sa mga sugat na nakuha ko noong nakalaban namin ang mga magulang niya.

"Tahan na Senyorita. Mabuti pa at kausapin mo muna si Nathaniel. Malakas ang pakiramdam ko na hindi ka niya gustong saktan. Bigyan mo lang siya ng pagkakataon para ipaliwanag ang side niya." mahinahong sabi ni Nana. Gusto ko rin naman pero hindi sa ngayon. Hindi ko pa siya kayang makita. Siguro kapag kaya ko na at naghilum na ang sakit na nararamdaman ko. Niyakap ko lang ng mahigpit si Nana.

***

Maaga akong nagising. When i said 'maaga', madaling araw palang at madilim pa. Hindi pa nga gising si Tinay at Nana Belen.

Binuksan ko ang ilaw sa buong mansyon.

Hindi ko 'to madalas na ginagawa. Dahil gusto ko makalimot, gagawin ko na, ang maglinis.

Medyo maliwanag na nung matapos ako. Nakapagmop, walis at punas punas na ako ng mga salamin at bintana. Umupo muna ako sa sofa nung matapos ako. Doon ko naramdaman ang sakit ng katawan at pagod sa ginawa ko. Tinignan ko ang wallclock. 7:00 am na, eksakto.

"Naku Ma'am Kara. Bakit kayo ang naglinis? Yari talaga ako kay Nana Belen niyan eh!" kumamot kamot pa si Tinay sa ulo niya. Inakbayan ko nalang siya para pakalmahin.

"Huwag ka mag alala. Ako na ang bahala kay Nana. At least pwede kang lumabas ngayon kung gusto mo. Tutal ilang linggo ka ng walang day off diba." napatakip siya ng bibig sa sinabi ko. Halatang shock ang loka loka. Ngumiti lang ako.

"Salamat Ma'am ha. Ang bait bait mo sa akin kahit na...hindi tayo.. magkapareho.. alam mo na." natawa lang ako sa sinabi niya. Nagets ko kung ano yung ibig niyang sabihin.

"Ano ka ba. Walang iba para sa akin. Pareho tayo ditong mga nilalang na nilikha ng diyos, tandaan mo yan Tinay." sabi ko. Tumango tango lang siya.

Panahon na siguro para ibaling ko naman ang sarili ko sa ibang bagay. Hindi talaga siguro para sa akin ang Love na yan.

END OF CHAPTER 37

Runaway PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon