Ang kapalaran ni Pamela ay siya ring naging kapalaran ni Kara. Nagdadalamhati ngayon ang pamilya Foronda sa nangyari. Namatay sa panganganak si Kara. Hindi na niya kinaya ang matinding hirap sa panganganak. Kagaya ni Pamela, maraming dugo ang nawala kay Kara. Pero ayon kay Idang, nakatakda talaga ang mga nangyaring iyon at hindi na mababago pa.
"Bakit ikaw pa? Sana ako nalang... Ako nalang..." sabi ni Ariel habang hawak ang kamay ni Kara na nakahiga sa kanyang kama, wala ng buhay.
"May ibang paraan pa pero...." sabi ni Idang. Nang marinig ni Ariel ang sinabi nito ay tila nabuhayan siya ng loob.
"Ano? Sabihin mo! Ano ang kailangan kong gawin?" sabi ni Ariel. Ayaw na sana pang sabihin ni Idang ang alternatibong paraan para mabuhay si Kara pero nakita niya kasi ang hinagpis ng pamilya nito. At maliit pa ang anak nito para mawalan ng ina.
"Buhay ng isang mortal..." nanlaki ang mga mata ni Ariel.
"Sinasabi mo bang buhay ko ang ipapalit ko?" tumango lang si Idang. "Sige... Gagawin ko."
Hindi na nagawang pigilan ni Idang si Ariel. Buo ang loob nito na ialay ang sarili para lang mabuhay si Kara. Maging ang mag asawang Foronda ay hindi pa rin makapaniwala sa kayang gawin ni Ariel. Sa kanyang pagsasakripisyo, ginamit niya ang mahiwagang bolo para kitilin ang sarili niyang buhay. Pagkatapos ay ipapatak sa noo ni Kara ang sariwang dugo ni Ariel. Matapos niyang gawin ang mga bagay na iyon ay unti unti na siyang nakaramdam ng Hilo at pagdilim ng paningin. Hanggang sa bumagsak na siya at tuluyan nang nawalan ng buhay.
Maya-maya ay dumilat na si Kara. Unti unting nagbago ang kanyang balat. Kung dati ay tuyo at kumulubot na, nagbago ito at bumalik sa dating kulay at sigla. Bumalik din sa dati ang kanyang pangangatawan. Ang buhok niya'y bumalik sa pagiging itim na itim. Nagbalik ang kanyang kagandahan. Nagkaroon na siya ng lakas at sigla na parang hindi siya nanggaling sa hirap ng pagbubuntis at panganganak.
Kara's PoV
Tinignan ko ang mga braso ko at hinawakan ko ang mukha ko. Napangiti ako kasi nagbalik na ako sa dati. Nakapalibot sa akin ang mga mahal ko sa buhay. Si Mama at Papa at si Nana na karga ang anak ko. Pero hindi sila mukhang masaya. Anong nangyari? At nasaan si Ariel? Nasaan ang asawa ko.
"Senyorita...." tumingin si Idang sa bandang baba ng kama ko. Unang nakita ko ang isang kamay na hawak ang mahiwagang bolo. Masama na ang pakiramdam ko sa nakita ko. Then i slowly take a peek kung sino ang nakahiga sa lapag. Napatakip nalang ako sa bibig ko nang makita ko si Ariel na wala ng buhay doon. Kaagad akong bumaba ng kama. Niyugyog ko ang buong katawan niya pero wala na siyang buhay. Ipinaliwanag ni Idang sa akin ang lahat. Hindi ako makapaniwalang kayang gawin ni Ariel ang bagay na iyon. Sinubukan kong hawakan ang bolo. Nagtaka ako kung bakit hindi ako nasaktan o napaso man lang tulad ng dati.
"Inialay sayo ni Ariel ang buhay niya Senyorita. Nakikilala ng bolo kung sino ang mga mahahalaga sa buhay niya. Kayo lang ng anak mo ang pwedeng mangalaga sa bolong yan. At sa dadating na henerasyon, maipapamana mo na yan sa inyong an-"
"Hindi! Hindi ito mapupunta kay Kariella. Ayokong mabuhay ang anak ko na may ganito ka laking responsibilidad. Ayokong matulad siya sa amin ng kanyang ama. I want her to have a normal life." sabi ko.
"Ang iyong anak ang itinakda ng liwanag, Senyorita. Hindi mo mababago ang propesiya." pangangatwiran ni Idang. Pero nakapagdesisyon na ako. Hindi ko hahayaang mabuhay sa ganitong klaseng lugar ang anak ko. Aalis kami dito at hahanap ako ng lugar kung saan magiging payapa at normal ang buhay niya.
END OF CHAPTER 42
BINABASA MO ANG
Runaway Princess
VampireHow does it feel to live forever? As in maging isang Immortal? Karisma is one of them. Being a vampire is not that easy for her. Kailangan niyang mag ingat at umiwas sa mga mortal. Paano nalang kung maghasik ng lagim ang mga tiwaling kalahi niya? Bi...