Chapter 11

5.9K 109 0
                                    

Nagpatawag ako ng taxi sa mga guard kaya hindi kami nahirapang makasakay ni Tinay. Pinagmamasdan ko siya habang nakaupo kami sa loob ng taxi. Hindi siya mapakali. Parang kinakabahan ang loka.

"Okay ka lang Tinay?" Tanong ko sakanya.

"Okay lang ma'am. Medyo kinakabahan lang. First time kasi namin magkikita ng personal ng juwa ko. Phonepal ko lang sya. Eh magugustuhan nya po kaya ako?" Hahaha! Natawa naman ako sa babaeng ito. Tinignan ko siya. Mahitsura naman ito kaso matigas magsalita.

"Oo naman. Basta huwag ka masyado mabilis. Let him come to you." I gave her a piece of advice. Tumango lang siya at ngumiti. Maya maya ay huminto na ang taxi na sinasakyan namin. Were here. Sa labas palang ang dami ng tao. Mukhang maingay sa loob. Pagbaba palang kasi namin ng taxi ay dinig na ang music mula sa loob. Napansin kong kausap na ni Tinay sa cellphone niya ang kanyang so called juwa. Nauna na akong pumasok sa may entrance. Maya-maya ay sumunod na sa akin si Tinay at pumasok na kami .

Grabe. Ang sakit sa tenga. Nakakabingi. Hindi mo kakayanin kung katulad kita na ilang taon na nakakulong sa napakatahimik na mansyon. Humanap kami ng magamdang pwesto. Sa hindi masyadong matao at malayo sa speakers.

"Ma'am sandali lang ha. Pupuntahan ko lang yung juwa ko. Nasa may dancefloor daw siya. Babalikan kita. May gusto ka ba inumin ma'am?" Tanong nito. Ayokong maglasing. It's not in my characteristics. "Mango juice nalang. Salamat." Sagot ko. Then, umalis na siya.

Nagmamasid masid lang ako sa paligid habang hinihintay. Hindi ba sila napapagod sa kakasayaw at kakasigaw? Mga tao nga naman. Tsk tsk. Napapailing nalang ako. Maya maya ay nakita kong parating na si Tinay. May bitbit itong dalawang baso ng inumin. May nakasunod sa kanyang lalaki. Malamang ito na ang kanyang so called juwa.

"Ma'am, ito na po yung juice. Eto na, pakilala ko sayo si Henry." Nagpakita ito sa akin. He was about to extend his hand para makipag kamay pero binawi niya ito. Nagkaroon kami ng eye contact. Shoot! He's one of them! I guess he also realized that i'm also a Vampire. And i guess he recognized me as the Clan Princess. His eyes turned red and runs away.

"Hoy bumalik ka dito! Tiwaling kalahi!" Hinabol ko siya. Sa sobrang dami ng tao at ingay ay hindi ko na marinig ang mga yabag ng paa niya. I need to catch him. Siya ang magtuturo sa akin kung saan nagtatago ang ibang mga tiwaling kalahi. Sa kakatakbo ko, hindi ko na alam kung saang banda na ako napadpad. Ayan na! Naaamoy ko na siya. Nakita kong magtungo siya sa fire exit. I was about to catch him nang biglang may bumangga sa akin. Take note! Siya ang bumangga sa kin!

Nate's Point of View

Malapit ko nang mahuli ang mga kalahi kong kumakain ng laman ng tao. Nakita kong pula ang mata niya at tumatakbo siya nang mabilis. Halatang tumatakas ito. Nagpunta ito sa fire exit. Mahuhuli ko na sana ang lalaking iyon kaso may bumangga sa akin. Oo, siya ang bumangga sa akin! Kapag minamalas ka nga naman oh.

"Aray!" Nagkasabay pa kami sa pagkakasabi. Pareho naming hawak ang parte ng katawan namin na tinamaan. Panay ang maktol niya. Mukhang siya pa ang galit ah.

"Hindi ka ba tumitingin sa dinadaa-" its her! Si Miss Pantal! Natigilan din siya dahil malamang nakilala niya ako. Ang poging nurse lang naman. Hehehe!

"Ikaw?!!" Sabay nanamang naming sabi. Ano ba? Lagi nalang kaming nagkakasabay.

"Alam mo bang hindi ko naabutan yung dapat kong abutan? Binangga mo kasi ako! Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo? Kumag ka talaga!" Singhal niya sa akin. Grabe naman tong babaeng to. Ako pa talaga bumangga sa kanya? Eh siya itong bumangga sa akin! At tinawag pa akong kumag? Grabe lang.

"Teka teka, Miss Pantal. Una, hindi kita binangga, okay? O sige, its an accident. Nobody's fault. Ako rin naman eh. May hinahabol akong......t-tao. Quits lang tayo." Mahinahon kong sabi. Sumimangot siya at tila lalong nagalit. What is it this time?

"Wait? Anong tinawag mo sa akin? Miss Pantal? Excuse me, look at me. Wala na kaya akong pantal!" Umikot siya para ipakita sa akin na wala na nga siyang pantal. Tinignan ko naman siya. Wala na nga ang kanyang pantal. Napansin ko na sexy at ang kinis niya. Kita naman sa suot niyang dress. I glance at her face. Walang duda. Ang ganda niya talaga. She's like a living doll with her big round eyes and long black hair. Kahit na parang kulang sa dugo ang pagkaputi niya. Kaso, masyadong madaldal. Ang sungit pa. Hmmm.

Karisma Foronda's Point Of View

Mukhang natutulala ang kumag sa ganda ko ha. Hay naku, Mister Kumag. Hanggang tingin ka nalang, Sorry. *evil laugh*

"Oh? bakit? may dumi ba sa mukha ko? bakit ganyan ka makatingin?" Pero bago siya makasagot, inunahan ko na siyang magsalita.

"Nevermind. O siya, babalik na ako sa kasama ko. Ayoko masira ang gabi ko." tumalikod ako sa kanya at bumalik sa table namin. Nakita kong nakaupo si Tinay. Mukhang ang lalim ng iniisip niya. Napahinto ako at nag isip. Anong pinakamagandang dahilan ang sasabihin ko sa kanya kung bakit ko hinabol at tinawag na tiwaling kalahi ang kanyang juwa? Ang hirap naman. Bahala na nga. Kaya mo 'to, Karisma!

Dahan dahan akong naglakad papunta sa kanya. Nang makita niya ako ay napatayo siya. *awkward*

"Ma'am, ano nangyari? magkakilala po ba kayo ni Henry?" Hay. Please help me, Brain Cells. I need you now.

"ha? Ah eh.. hindi. k-kasi a-ano, s-siya yung nagnakaw ng cellphone ko sa airport nung sinundo ako ni Nana Belen. Oo! tama! Yun nga!" Wow Karisma! Brilliant idea. Thank you Brain Cells! Mukha namang naniwala siyabsa kwento ko.

"Ganun ba ma'am? Naku, kaya naman pala bigla siya nagka cellphone. Baka sayo yung cellphone na gamit niya. Hayaan mo Ma'am, break na kami." pumamewang ba siya habang sinasabi ang mga iyon. Cellphone? wait! i have an idea.

"May load ka ba ngayon? Can you call his cell ngayon?" Tama! iyon ang way para ma detect siya. Kinuha ni Tinay ang Cellphone niya at sinubukang tawagan ito. Ngunit, umiling siya.

"Ma'am sorry. mukhang alam niyang gagawin natin ito. Maaaring itinapon na niya ang simcard para hindi na natin siya ma contact." i sighed. Great. Just Great. Malapit na eh. I almost had him. Umeksena lang kasi si Mr. Kumag eh.

END OF CHAPTER 11

Runaway PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon