1. Takot ka ba sa Dilim?

211 3 1
                                    

Unang laging tanong kung ikaw ay madadaan sa madilim, takot ka ba sa dilim?

Marami ang sasagot ng "oo" dahil hindi biro ang kadiliman: lalo kung ikaw ay talagang takot kapag walang ilaw, ngunit dala lamang ng iyong maling pananaw-- ang lahat ng ito, dahil na rin sa mga taong mapanakot at mga taong gumagawa ng mga bagay na nakatatakot sa dilim.

May mga taong ginagamit ang dilim upang makagawa ng mga bagay na kanilang nais ngunit sila ay nagkakamali sa kanilang napili. Dahil hindi lahat ng bagay na nasa madilim ginagawa ay hindi na makikita. Narinig mo naman na siguro ang katagang; "walang lihim na hindi nabubunyag" maging ito man ay ginawa na walang nakakikita? Ngunit may Isang bukod tanging nakakikita ng lahat ng bagay na ating ginagawa.

“Kaya huwag kayong matakot sa kanila. Walang natatago na di-malalantad at walang nalilihim na di-mabubunyag. Mateo 10:26

Isang mabuting halimbawa ng mga bagay na hindi dapat katakutan dahil lang madilim ay ang kalangitan, na hindi mo malaman kung hanggang saan. Nasa madilim na bahagi ito ngunit walang makapagpapatunay ng hangganan ng nasasakupan nito. Dahil ang mga nilalang na narito ay mga nagniningning na liwanag na tulad ng mga alitaptap sa madilim na gabi. Makikita lamang sila sa madilim na paligid ngunit hindi sa maliwanag. At hindi lahat ng ilaw ay makikita sa liwanag tulad kung paano mo nakikita ang isang naiwang ilawan na hindi napatay. Madilim sa langit kung iyong titingnan ngunit hindi iyon ang tunay nitong kapaligiran. Ito lamang ang ating nakikita tuwing gabi. At puno ng kabutihan ang langit dahil hindi malilikha ang lahat ng ito kung walang kabutihan ang lahat ng bagay na ating nakikita. At dahil tayo ay gawa sa lupa kaya hindi basta nakikita ng ating pansariling mga mata ang mga bagay na ito.

Ganoon din ang mga gawaing ginagawa sa dilim. Kahit na gaano pa kadilim ang kanilang pinasok at isinagawa ang balak nila, hindi sila ligtas sa mata ng Bukod-tanging nakakikita sa kanila.

Natatakot kang dumaan sa mga lugar na madilim dahil nakakubli doon ang mga taong gumagawa ng masama, kasamaan sa likod ng dilim. At dahil ginagamit nila ang dilim, na akala nila ay kanila. Ngunit isa lang ang pananggalang sa dilim na hindi rin nila madaling makikita, iyon ay ang dasal na iyong dala sa puso. Gaano man karami ang mga nakakubli sa dilim na iyong daraanan hindi ka masasaktan dahil sa bumabalot sa iyong kaligtasan. Ang mga taong tinatalaban ng sakuna ay ang mga taong naniniwala na mangyayari sa kanila ang mga ganoong bagay kahit na sabihin nilang sila ay nagdasal ngunit iyon pa rin ang kanilang natamo, dahil pinapapasok nila ang masamang isipan at pinapagtagumpay na makagawa ng masama. Tinatakot mo ang iyong sarili sa bagay na hindi naman nakalaan sa iyo, ang nangyayari dahil sa kagagawan mo rin.

Normal na makaramdam ng takot at iba't ibang pakiramdam dahil kasama iyon sa mga bagay na nakapaloob sa tao, maging espiritu. Dahil hindi magkakaroon ng awa ang Panginoon kung siya ay walang damdamin.

Nakita mo na, anomang bagay sa paligid ay may dahilan at nasisira dahil sa maling kaisipan na dulot ng mga taong mapaggawa ng walang katotohanan.

Ang takot ay nakalaan lamang sa mga taong may mga nagawang kasalanan. Kung sakaling walang takot ang mga gumagawa ng kasalanan ngayon darating din ang sandaling iyon. Dahil ang lahat ng bagay ay may katapusan.

Sa panganib at bitag ika'y kanyang ililigtas, at kahit ano mang matinding salot ay di ka magdaranas.  Lulukuban ka niya sa lilim ng kanyang malapad na pakpak, at sa kalinga niya ay palagi ka ngang nakatitiyak; iingatan niya't ipagsasanggalang, sapagkat siya'y matapat.  Pagsapit ng gabi, di ka matatakot sa anomang bagay, maging sa gagawing biglaang paglusob ng mga kaaway.  Ni sa ano pa mang darating na salot pagkagat ng dilim, sa pagpuksa'y wala kang takot, sa araw man dumating. Mga Awit 91:3‭-‬6 MBB05

ParaNormal ang Isipan MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon