Kung Ikaw ay Tunay na Christian...
Puwede kang maging daan upang mas maraming tao ang makaalam na MALAPIT NA ANG PAGDATING NG MESSIAH, ang Christ na kilala natin, ang Tagapagligtas sa mga kasalanan. (The Rapture is Imminent)
Kung sakaling mabuksan mo ito at mabasa mo, ano ang unang iisipin mo? Na baliw na ang taong sumusulat nito? O malabo ang nalalaman ko? Nasa sa iyo ang sagot wala sa akin.
Kung sakaling nagbubukas ka ng Facebook at ibang facial site o photo site, sigurado akong wala kang makikitang mga larawan tungkol sa katapusan ng mundo. Ang tanging makikita mo lang doon ay mukha ng mga taong hangad ay daigdig. Maging sa site na ito ay puro mga kababawan ng tao ang makikita. Lahat ng uri ng kasalanan na nakasulat sa mabungang salita kasama ang mapang-akit na hubad na larawan. Ngunit hindi ko sila hinuhusgahan, nais ko lang ipakita ang hindi basta nakikita ng mga mata. May itim na belo pa ang maraming tao at kailangan silang tanggalan niyon nang makita nila ang kanilang daraanan. Malapit sila sa bangin at baka hindi nila napapansin, at baka mahuli na rin sila ng oras. Dahil maiksi na lang ang oras. Dahil ang tanging hindi na lang nangyayari sa mga Pahayag/Revelation ay ang pagkawasak ng Holy City, ang lindol na wawasakin sa buong mundo o iyong sinasabing raise of the dead o resurrection of the dead, dahil sa pakiwari ko, ang lindol na iyon ay katulad noong panahon na binawian ng buhay ang Messiah.
Kailangan ng maraming taga-paghikayat dahil malaki ang bilang ng tao, kung aasahan lang natin ay ang mula sa mga taong nabigyan ng katungkulan, hindi aabot sa dulo ng kadulo-duluhan ang balita.
Mayroon akong inilagay dito sa aking account na mula sa YouTube site at Website nila na mga Salita ng Panginoon. Ito ay LIBRE! Walang bayad! Puwede mong i-download.
* TrumpetCallOfGod.com
* TrumpetCallOfGodOnline.com
* AnswersOnlyGodCanGive.comPDF ang lahat ng item doon at ang iba naman ay mp3 para naman doon sa mga walang tiyagang magbasa.
Sa totoo lang hindi lahat ng tao kayang maniwala dito, pero kailangan mong malaman ang TOTOO. Dahil ang totoong CHRISTIAN ay naniniwala sa mga Pahayag ng Panginoon, anomang paraan ito, ngunit kailangan mong malaman na hindi sa lahat ng tao ibinibigay, at hindi lahat ay harapang nakakaharap ang Panginoon, may ibang mga false prophet, false diviner, false exposé, kahit mga nakarating sa Heaven and Hell ay maraming fake. Ginawa nila iyon dahil sa Pera at Entertainment. Dahil sa YouTube kapag malaki ang views malaki rin ang pasok ng kita nila. Ang mga site ng TRUE PROPHETS ay hindi naniningil o free to upload ang kanilang mga site. Hindi nakikipagdebate dahil lang hindi unawa ng tao ang nilalaman ng kanilang prophecies. Marami ka pang malalaman kung ang babasahin mo ay ang Word of God for this Generation like;
* The Lord's Rebuke
* Words To Live By and The Blessed
* The Volumes of TruthIyan ang nais kong ipaalam sa lahat, salamat.
May God guide you to open His Own Book. He dictate it and wrote by His servant Timothy from USA, (the one of the olive tree). :)
BINABASA MO ANG
ParaNormal ang Isipan Mo
SpiritualTama! paranormal ang isipan mo, basahin mo ito, sigurado mapapakamot ka na lang at mapapaisip sa katotohanan.