Ang Sakit ay Bunga ng Kasalanan
Paralitikong lalake
Pagkatapos nito, nakita ni Jesus sa loob ng Templo ang lalaki at sinabihan itong, “Magaling ka na ngayon! Huwag ka nang gumawa ng kasalanan at baka masahol pa riyan ang mangyari sa iyo.”Juan 5:14 MBB05
Babaeng mangangalunya
Itinanong nila ito upang subukin siya, at nang may maiparatang sila laban sa kanya. Ngunit yumuko lamang si Jesus at sumulat sa lupa sa pamamagitan ng daliri. Patuloy sila sa pagtatanong kaya't tumayo si Jesus at nagsalita, “Ang sinuman sa inyo na walang kasalanan ang siyang maunang bumato sa kanya.” At muli siyang yumuko at sumulat sa lupa.
Nang marinig nila iyon, sila'y isa-isang umalis, simula sa pinakamatanda. Iniwan nila ang babaing nakatayo sa harap ni Jesus. Tumayo si Jesus at tinanong ang babae, “Nasaan sila? Wala na bang humahatol sa iyo?” “Wala po, Ginoo,” sagot ng babae. Sinabi ni Jesus, “Hindi rin kita hahatulan. Umuwi ka na, at mula ngayon ay huwag ka nang gumawa ng kasalanan.”] Juan 8:6-11 MBB05
***** Magpaliwanag Tayo *****
Ang talata na iyong nababasa ay tungkol sa taong makasalanan.
Nais kong magbigay ng paliwanag tungkol sa kaisipan ng mga tao tungkol sa kapansanan at kasalanan. May isa pa akong nais na idagdag dito ngunit hindi ko matandaan kung saang kabanata ng Mateo o Marcos o Lucas nakasulat iyon. Tungkol rin sa kasalanan ng magulang na maaaring dalhin ng anak kung sakaling sila ay magkaroon ng mga anak. Mabigat man na uri ng kapansanan at sakit o hindi ay nakakamit ng tao dahil sa kasalanan. Ngunit maubusan bahagi niyon na ipinaliwanag ng Panginoong Jesus tungkol sa kapansanan. May mga kapansanan na sadyang inilaan sa taong isisilang at may mga kapansanan na dahil sa kasalanan. Mula noong umpisa ay hindi naman sinabi na magkakaroon ng kapansanan ang tao dahil hindi ganoon ang nakasaad sa parusa kay Eba at Adan kahit sa panahon ni Noah at ng kaniyang mga anak na simula ng panibagong lahi. Walang may kapansanan noon.
Maaring isipin mong, ganoon ba iyon? Nababasa mo naman siguro ang talata?
Ang nais ko lang ibigay na paliwanag ay dalawa ang palaging dahilan ng mga bagay na nakakamit ng tao; isang mula sa mali at isang pagsubok ng pananalig.
Ang lalakeng paralitiko ay pinagaling at binilinan na huwag na muling gumawa ng kasalanan, ganoon din ang babaeng mangangalunya na huwag nang gumawa uli ng kasalanan.
Dagdag na rin: ito ay pumasok sa isipan ko nang magising ako nitong umaga. Ang posibleng isinulat ni Jesus Christ noon sa lupa ay ang pangalan ng babaeng kaniyang pinagaling. Maaaring inilista niya ito sa aklat ng buhay. Dahil ang dating patakaran ng mga Judo noon kapag may mga taong nahuling gumagawa ng labag sa kautusan ay babatuhin hanggang mamatay. Sa pangyayaring ito, lumalabas na dapat na nilang baguhin ang turing sa mga makasalanan. Imbes na patayin ay mas mainam na ikulong o patawarin at ilayo na sa kasalanan. Ngunit kung hindi siya lalayo sa paggawa ng kasalanan hindi na mapipigil na maging totoo ang pagbato sa taong makasalanan hanggang humantong ito sa pagkamatay. Batas nila iyon hindi natin. Nangyayari lang ang ganitong uri ng kasalanan dahil ang sangkot ay ayaw magpatalo sa kaniyang katunggali kaya pareho silang nasasaktan at nauuwi sa kamatayan.
Iyan ang nais kong ibahagi tungkol sa kapansanan ng tao anomang kalagayan nila sa buhay.
* Note: naisip ko ang tungkol dito noong ilang ulit ko ring napanood sa YouTube ang isang clip na may kinalaman sa buhay ni Moses at ni Jesus Christ na sinasabing parallel event katulad ng paraan kung paanong si Joseph the Dreamer ay napunta sa Egypt at ang mga pagkakahawig sa ibang kuwento doon sa paraan ng buhay rin ng ating Cristo.
Every event in the bible is made coincident to show how God is preparing for His coming.
Every verses in the book has many deeper meaning that no one sees especially the ordinary readers.
Study more! Open your understanding!
BINABASA MO ANG
ParaNormal ang Isipan Mo
SpiritualTama! paranormal ang isipan mo, basahin mo ito, sigurado mapapakamot ka na lang at mapapaisip sa katotohanan.