Revelation 2:11 He that hath an ear, let him hear what the Spirit saith unto the churches; He that overcometh shall not be hurt of the second death.
Revelation 20:6 Blessed and holy is he that hath part in the first resurrection: on such the second death hath no power, but they shall be priests of God and of Christ, and shall reign with him a thousand years.
Revelation 20:14 And death and hell were cast into the lake of fire. This is the second death.
Revelation 21:8 But the fearful, and unbelieving, and the abominable, and murderers, and whoremongers, and sorcerers, and idolaters, and all liars, shall have their part in the lake which burneth with fire and brimstone: which is the second death.
We know there is a second death but forgetting who can get the punishment of second death.
Hindi pangkaraniwan na pag-usapan ang tungkol dito, ngunit marami ang nagkakamali tungkol sa ikalawang kamatayan.
Nakasulat na kapag nagtagumpay ang sinomang sinabihan especially iyong mga lingkod na siyang naatasan na magbigay ng kanilang panahon at oras sa pagsisilbi sa tao sa kagustuhan ng Panginoon Jesus ay isa sa mga makakukuha ng karapatan na mabuhay na walang iniisip na ikalawang kamatayan. Magtatagumpay lamang sila kung tulad ng bilin na pamumuhay at pagsunod sa paraan ng pamumuhay na Panginoong Jesus ang susundin nila, dahil sila ay naatasang maglingkod alinsunod sa kagustuhan ng Panginoon.
Sa panahon natin, itinuturing na bukasyon ang paglilingkod, samantalang sa paningin ng Panginoon ito ay personal choice niya mismo sa taong kaniyang napili. Kaya nga kung susuriin, dapat ang mga pastor ay may personal na communication sa ating Panginoong Jesus, hindi sa eskuwelahan. Dahil sa kaniya mismo manggagaling ang bawat aral na ipamamahagi ng isang pastor o mangangaral ng mabuting balita.
Ako, personally, wala akong ganoon, pero sa mga ginagawa ko, alam ko at mula sa natutunan kong paraan nang gawin ko ang mga hindi ko dati ginagawa, nalaman ko na isa itong tulong at katuwaan ng Panginoon Jesus na magbahagi ng mga bagay na aking natutunan din. Iba ang alam ko kumpara sa iba. Noong una, narinig ko mismo sa pandinig ko na sinaway niya ako dahil bago pa lang ako sa aking tinatahak na pagbabagong buhay. Hindi dahil maayos ang pamumuhay ko ay hindi ko na kailangan ng bagong buhay. Buhay na tanging nakatuon sa Panginoon ang tinutukoy dito. Si God ang una sa lahat nang ako ay magbago ng landas ng buhay through prayer repentance. Halos araw-araw kong ginagawa iyon. Kung nakikita ko lang siguro ang hitsura ko sa spirit eye baka totoo na lumiliyab ako tulad kung paano ito ipaliwanag ng salitang purifying at passion.
Kapag maraming kabutihan at prayer na ginagawa ay mabango ang hatid nito sa itaas. Tulad ng sabi sa bahagi ng revelation na tungkol sa bowl of prayer ng mga santo ng Panginoon: hindi ibig sabihin na santo ay iyong mga pinangalanan ng simbahan Katoliko bilang saints kada panahon na nais nilang sabihin tunay na santo ang mga iyon. Ang santo na ito ay karamihan ay nagbuwis ng buhay sa pangalan ng Panginoon, iyong mga pinatay noong panahon na bawal ang ipangalat ang tungkol sa Christ, na muling nabuhay. Noong panahon ng mga Apostles of Christ, at mga kasunod nila ay napakarami nila at ang panahon ng dark ages. Pagkatapos ng mga panahong iyon kakaunti na lamang ang tunay na nagbuwis ng buhay para sa Panginoon. Digmaan pandaigdig, halos tinabunan nito ang dating dahilan, ang pagpapakalat sa Christianity, ng pagsusumiklab ng karapatang mabuhay ng malaya. Ano ba ang naaalala mo tungkol sa digmaan pandaigdig?
Silang mga santo na namatay sa pangalan ng Panginoong ang unang babangon at aakyat sa langit bago ang mga patay na namatay sa iba't ibang uri ng sakuna at sakit. Ganoon din ang sasapitin ng mga taong buhay ngayon, na hindi pa nakapagsisisi sa mga kasalanan, tatayo tayo sa harapang ng Pastol at Tagapaghusga sa kasalanan, at kaniyang ihihiwalay ang tupa sa kambing. Buhay at patay ay pareho ang dadaanang karayom. Babaguhin lang naman ang anyo ng tao mula sa pagiging physical flesh ay magiging spiritual body. Kung ano ang mayroon sa katawan natin ngayon ay mababago na iyon. Kung dumudugo tayo kapag nasusugatan baka pagdating ng spiritual body ay hindi na, kasi everlasting life na ang regalo.
Ako, personally, gusto ko maging first partaker pero sa kalagayan ng buhay ng millennial life malabo na iyon. Siguro sa mga darating na kagutuman ng buong daigdig puwedeng mangyari ang ganoon. Hindi pa naman nagaganap ang mark of the beast na tinatawag. Doon sa panahong iyon siguradong marami ang sasakay, marami ang mahihikayat na sumama sa pagpila at pagkuha ng libreng pagkain, inumin, at kasuotan. Iyong tulad ng panahon ng digmaan, maraming nagugutom, walang tahanan at higit sa lahat walang karapatan sa sariling lupa. Iyong mga may ATM, debit, at kung ano-anong cash card o plastic cash mas madaling mahikayat ng mga ganitong sitwasiyon. Iyong mga gutom din na halos walang makain pati sila mabilis magiging biktima ng ganito.
Kaya nga sinisikap rin ng pangulo ng Pilipinas na mapabuti ang pamumuhay ng mga tao nang maging patas ang galawan ng mahirap at mayaman at ng mga nasa katamtaman ng pamumuhay.
Iyong mga ayaw magsisi at tingin sa sarili ay walang kasalanan hindi sila ligtas sa pag-aakalang pure na sila, dahil araw-araw pa rin ang pagkakasala. Iyong mga nakalista sa Revelation 21:8 hindi malayong all level of ages ang mga ito. Mula doon sa mga pinaka matanda hanggang doon sa pinakabatang millennial na sang-ayon sa mga makamundong gawin ang nakasulat dito. Ano ba ang mga makamundong gawain? Dami niyan available kahit saan ka tumingin, sa Facebook lang dami nang nabibiktima sa mismong Wattpad din daming nagkukubli dahil isinusulat naman ang narito. Di ba, kahit saan, video, picture, sulatin, pati simpleng talking messages lang malaswa na ang iba, walang bago sa mga iyon, hindi pa uso ang android phone may kalaswaan na sa text at tawag, pati sa dance floor ng kahit saan, kahit sa labas ng simbahan daming idolaters, mas malala na nga ngayon, tunay na tao na ang idol, sila na mismo ang statue na sinasabihan ng idol. Dati ang idol ay isang uri lang ng bato, dati si Rizal at ibang bayani na may rebulto ang sinasabihan niyong ngayon mismong iyong tao na ang sinasabihan ng idol. Hindi naman adjective ang salitang idol, noun. Kung hindi nila nais na magbagong buhay at magsisi kasali sila sa second death, nakasulat naman, nababasa di ba? Church goers ang mga iyan, nakasulat sa Revelation, isang malaking pagtitipon ng mga katulad nila ang nakita diyan ni John noong ipinakita sa kaniya iyan.
BINABASA MO ANG
ParaNormal ang Isipan Mo
SpiritualTama! paranormal ang isipan mo, basahin mo ito, sigurado mapapakamot ka na lang at mapapaisip sa katotohanan.