9. Mahalin Ang Iyong Sarili

100 2 0
                                    

9. Mahalin Ang Iyong Sarili

Pag-ibig sa Kapwa/Kapatid

1. Ang umiibig sa kanyang kapatid ay nananatili sa liwanag, at hindi siya magiging sanhi ng pagkakasala ng iba. 1 Juan 2:10

Magmahalan ang Bawat Isa

"Isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo ngayon, mag-ibigan kayo! Kung paano ko kayong inibig, gayundin naman, mag-ibigan kayo. Kung kayo'y mag-iibigan, makikilala ng lahat na kayo'y mga alagad ko." Juan 13:34‭-‬35

Pinakamahalagang Utos

Pag-ibig sa Panginoong Yahweh

37 Sumagot si Jesus, "Ibigin mo ang Panginoon mong Yahweh nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip. 38 Ito ang pinakamahalagang utos. Mateo 22:37‭-38

Pag-ibig sa Kapwa at Sarili

39 Ito naman ang pangalawa: Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili. 40 Sa dalawang utos na ito nakasalalay ang buong Kautusan ni Moises at ang katuruan ng mga propeta." Mateo 22:39-40

----- MAGPALIWANAG TAYO -----

Maraming tao na alam na ang tungkol sa "Love neighbors as you love yourself" ngunit mali ang unawa ng mas marami tungkol sa ibig ipakahulugan nito sa buhay.

Ang iniisip nila, kapag sinabing pagmamahal sa sarili ay pagbibigay ng mga bagay na iyong nais bilang isang tao. Pagbibigay luho, pagbili ng mga pangangailangan upang ikasaya ng iyong pagkatao, mga bagay na nais mo bilang tao dahil iyon ang tingin mong kailangan mo. Mababaw na pakahulugan lamang ang isang bagay na iyong alam tungkol dito kung ito ang tingin mo sa salitang "pag-ibig sa sarili". Dahil ang tunay at mas malalim na kahulugan ng "pag-ibig sa sarili" ay paraan na hindi mo sinisira ang iyong sarili.

Hindi lamang sa paraan na pagpapababa sa pagkatao kundi ay paglalagay ng mga bagay na hindi angkop sa katawan ng tao, na hanggang sa punto na ito ay nakasisira na at nagdadala lalo sa iyo sa masalimuot na kalungkutan pagkalipas ng mga araw o panahon.

Halimbawa nito ay: ang pagpapalit ng iyong naturang kaanyuan. Sa sobrang pagmamahal ng isang tao sa sarili, ginagawa na niyang isang uri ng kasangkapan ang sarili. Pinapatungan at nilalagyan ng mga kung ano-anong palamuti na nagiging sanhi ng walanghanggang pagnanais na pagbabago sa panlabas. Ang isang pinaka mainam na halimbawa sa panahon ngayon ay ang retoke, pag-aalis ng kasarian at pagpapalit nito, at iba pa na nakasisira sa panlabas na kaanyuan. At ito ay maling tingin o unawa sa salitang pagmamahal sa sarili. Ganoon din ba ang ginagawa ng isang tao sa kaniyang kapwa kung ito ay kaniyang mahal? Na binabago ang panlabas nitong anyo upang bumagay sa kaniya at hindi malayo sa kaanyuan nila? Hindi ba't hindi ganoon!

Mas marami ang magsasabi na mali iyon, at ang iba ay sasabihin na "hindi mo kailangan tularan ang iba upang mapabilang sa kanilang samahan", "kung ano ka dapat tanggap ka nila, sa loob man at sa labas makikita". At dahil wala sa physical appearance ang tamang paraan ng pagtanggap sa isang tao o maging sa sarili nasa puso at malinaw na kaisipan.

Kaya sa mga taong "sobrang mahal ang kanilang sarili" na kulang na lang ay maging bagong uri ng nilalang, na mamulat sana kayo na hindi iyon ang ibig sabihin ng salitang pagmamahal sa sarili na tinutukoy sa mga talata na nasa halimbawa. Dahil kung paano mong minamahal ang isang tao, na hindi mo malapit na kamag-anak, dapat pareho ang paraan mo sa kanila at sa iyong sarili, ganoon din sa nagbigay sa iyo ng katauhan na ganiyan. Tulad ng isang kabanata na pinamagatang "Dalawang Katauhan", hindi isang kasarian ang taglay mo kundi isang malaking pagsubok sa iyong sarili".

Ang pag-ibig ng Panginoon sa mga tao ay hindi nagbabago kaya huwag mo ring baguhin ang iyong sarili upang masabing mahal mo ang iyong sarili, ang iyong kapwa, at higit sa lahat ang iyong Tagapaglikha.

Inaayawan mo ang nakikita mo sa iyong sarili samantalang ang kaluluwa ng tao ang siyang nakadarama ng tunay na katauhan, dahil ang kaluluwa ng tao ay mula sa Lumikha. Ang lahat ng katangian na mayroon ka ay kaniyang inilagay sa iyo bilang kaibahan sa iba. Ikaw ay naiiba. Ang lahat ay naiiba sa kapwa niya. May silbi ang bawat kaibahan at iyon ang iyong dapat hanapin. Dahil kung igigiit mong mali ang nadarama mo, para mo na ring sinabing mali ang paraan nang likhain ang kabuoan ng kaluluwa mo.

Hindi isang uri ng pagmamahal ang taglay mo kung ayaw mo sa iyong nakikita. Ito ay tinatawag na pagtakwil sa iyong kabuoan.

Katulad ng paraang pagsamba sa larawan o rebulto ang iyong ginagawa sa iyong katawan. Pinapaganda mo sa maling paraan at hinahangaan sa maling paraan.

Ayos lang na minsan o palagi mong linisan ang iyong katawang-lupa, dahil natural na ito ay madumihan, at dahil ito naman ay gawa sa lupa, ngunit hindi mainam na hangaan ito nang higit sa nararapat. Mas mainam kung ang nililinis natin ay ang kalooban kaysa panlabas na kaanyuan. Dahil hindi lahat ng maputi sa labas ay maputi din sa loob. Katulad ng nitso, ang nitso ay pinipinturahan ng puti kahit na ang loob nito ay puno ng nabubulok na laman at buto. Hindi pa nga tayo sigurado kung makasasama sa handaan ang bulok na laman nito dahil hindi naman natin alam ang pagkatao nito at mga lihim nito noong sila ay nabubuhay pa.

Sana'y malinaw at may kabutihan ang sulating ito upang iyong maunawaan na ang pag-ibig sa sarili ay hindi matatagpuan sa mga bagay na inilalagay sa katawan kundi ay doon sa bagay na ipinapasok sa isapan at itinatatak sa puso.

Have a deeper understanding not because you can hear and can read script. Cleansing and purifying is better be done inside than outside. Value is not about measurement by weighing but by keeping it untarnishable.

ParaNormal ang Isipan MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon