Taga-sunod ka ba ng Halloween?
I'm sure na sumasama ka sa mga gawaing ito ng mga taga-kanluran.
Narito ang nais kong ibigay na dapat mong maunawaan bilang taga-sunod ni Cristo.
Ang Halloween ay tradisyon ng mga kanluranin, ginagaya ng mga tao dahil naaakit sila sa mga bagay na nakapaloob dito. Mali ang iyong unawa na ito ay isang uri lamang ng katuwaan o paggunita sa mga namatay o kung anoman ang turing mo sa mga nakikita mo sa ibang tao. Hindi mo ba nakikita na kapag nakabihis ka ang itim at naka-make-up ay may isang bagay ka nang tinutularan, iyon ang turo ng mga dumungis sa sangkatauhan. Sila ay mga anghel kung ituring pero hindi sila katulad ng akala mo na may pakpak o anyong tao. Kinailangan nilang magpanggap na mukhang tao at maglagay ng mga kolorete sa mukha at ituro din sa tao ang ganoon, dahil hindi lahat ay katulad nating may magandang kutis kung ituring. Halloween ang isang paraan ng mga ito upang makisalo sa mga tao at makasalamuha ang mga tao. Huwag kang magulat dahil kasama natin sila dito sa mundong ito mula nang sila ay palayasin sa langit. Ipinagdiriwang mo kung tutuusin ang kanilang kamatayan o kasawian dahil pumapatak na October ang buwan niyon, samantalang sa Hebrew Calendar ay sa pagitan ng Tishri at Cheshvan. Ang Tishri ay ikapitong buwan sa Jewish calendar, at ang panahon kung kailan bumaha nang mataas at nalubog ang lahat ng may buhay sa lupa.
Ngayon, may nalaman ka na naman sa nakaraan at mga kasinungalingan ng mga tunay na Deceiver sa balat ng lupa, gagawin mo pa rin ba ang mga ito? Nasa sa iyo ang pasya, ikaw ang may laya na gawin ang nais mo. Sa selebrasyon ng mga gawa-gawa naniniwala ka, samantalang sa bigay at may basbas ng Panginoong may gawa ng langit at lupa, at lahat ng mga bagay na hindi nakikita hindi mo ginagawa. Mas may appreciation pa ang mga masama kaysa doon sa Tagapaglikha. Tao nga naman, kung saan may mahihigop doon kakapit, linta yata iyon? (Kamot ulo)
Nasa book of Enoch po pala ang tungkol sa buwan at petsa na aking sinasabi.
Ikapitong buwan, ikalabing apat na araw, nagsimula ang ulan, pagbukas ng mga sibol at pagtaas ng baha. Isang taon mahigit ang nakalipas bago tuluyang makalabas ng arko si Noah at ang kanilang mga anak at mga asawa nito.
BINABASA MO ANG
ParaNormal ang Isipan Mo
SpiritualTama! paranormal ang isipan mo, basahin mo ito, sigurado mapapakamot ka na lang at mapapaisip sa katotohanan.