Paul, Peter, John

21 1 0
                                    

To become Sha'ul, Peter and then John...
Upang maging Sha'ul, Pedro, at saka Juan...

Una sa lahat dapat munang maging isang Paul ang isang tao. Paano? 🤔

Si Paul o Sha'ul ay dating Pharisee. May kaalaman sa Kautusan at mga bagay na may kinalaman sa loob ng templo na kaniyang kinabibilangan. Naging masunirin sa lahat ng nakasulat at pamamaraang Hudyo. Tulad rin ng pamamaraan na ipinamana ng mga taong natuto sa pamamaraan na kaniyang ipinangaral tungkol sa Cristo noon ang panahon natin ngayon. Binuwag ang kasanayang pantemplo sa pamamagitan ng kamatayan ng Cristo. Ngunit nagkaroon ng mga taong matigas ang ulo. Gumawa ng sarili nilang pamamaraan. Mababasa ang mga ito sa mga sulat na ginawa ni Paul mismo patungo sa mga kabilangan ng tao ayon sa kanilang bansa at lungsod. Ilang ulit din siyang nagbabala at nakiusap ngunit nangyari ang mga iyon.

Siya ay isang taga-usig ng mga apostol ng Cristo Jesus, ngunit nagbago iyon nang magpakita sa kaniya ang nakabubulag na liwanag ng mismong Panginoon. Natuloy pa rin sila sa pakay niyang puntahan, ang Damascus, Syria. Doon ang lahat nabago sa buhay niya.

Ang pagkaBULAG niya ay may dahilan. 😎😵

Hindi nawala ang kalaaman niya tungkol sa Kautusan, mas nadagdagan pa ito at mas pinalinaw. Doon niya nalaman na siya ay taliwas sa mga hakbang niya. Alam niya ang Kautusan at Mga Ordinansa nito ngunit hindi makatarungan ang pamamaraan niya.

Ganoon din sa panahong ito. Alam ng lahat ang Kautusan ngunit mali rin ang unawa tungkol dito, dagdag na rin na may kahalong paganong pamamaraan ang lahat ng bagay na dulot ng mga nauna dito. Kautusang pang-tao ang mas nangibabaw hindi ang Kautusan ng Diyos Ama.

Ang panahon ngayon, o ang mga kristiyano ngayon ay tulad ni Paul noon. May nalalaman ngunit taliwas sa katotohanan ang mga kilos. Nabulag rin at kailangang gumaling.

Kapag gumaling 🤕 na sila, doon pa lang nila makikita na iba ang mundo na ito sa dating alam nila.

Makikita nilang mas mahaba pala ang panahon na sila ay nasa dilim kaysa nasa liwanag. Kahit araw-araw silang nakatingin sa paligid hindi nila nakikita ang kaibahan. Ngunit nang sandaling mabulag ang totoo nilang mata at matakpan ng kaliskis doon palang muli nilang kakapain ang Katotohanan.

Kapag nangyari na ang mga bagay na makapag-aalis ng kaliskis doon na papasok si Peter o Pedro.

Ikalawa, bakit si Peter? 🤔

Si Simon ay tinawag na Peter (sa Greek) at Kephas (sa Hebrew), na ang kahulugan ay Bato. Ngunit hindi ito ang nais kong ibahagi.

Ang nais kong ibahagi ay, si Peter ay isa sa mga apostol na pinaka malapit sa Panginoong Jesus noon. Siya rin ay tinaguriang isa sa may matatag na pananampalataya. Naging mahina sa panahon ng pagsubok at nasubok ang tiwala noong siya ay nasa pagitan ng pagsaksi sa kaniyang Panginoon sa kamay ng mga Saduseo at Sanhedrin. Itinatwa niya ngunit sa kaniyang pagkamulat sa nagawa, siya ay nabagabag. Nagsisi sa nagawa. At muling bumangon upang ituwid ito. Hindi natinag ang pananampalataya mas lalo lang nagningas ang pag-ibig niya sa kaniyang Panginoon, tulad ni John.

Ikatlo si John. 😍💕

Kilala ng lahat si John bilang apostol ng Paginoong Jesus, na siyang nagbigay ng huling propesiya, na tinawag na Revelation of the Future. Hawak na natin ang future na ito. Kaharap na rin, saan ka man tumingin nagaganap na ang mga nakasulat doon, parami ng parami. Pero hindi iyon ang bagay na may kinalaman kay John.

Siya ang apostol na humilig sa dibdib ng Cristo noong sila ay nasa huling hapunan, at madalas. Nakadepende siya sa pag-ibig ni Jesus at iyon ang isang bagay na kailangan ng isang Kristiyano. Sa English, he is in the bosom of God. Siya ang apostol na puno ng pag-ibig. Ang paborito ng Cristo Jesus sa lahat dahil sa katangian niya.

Ang pinaka mahalagang katangian na kailangan sa isang Kristiyano o nais magmana sa kaharian ng langit. 😇

Kung walang pag-ibig hindi sa kaharian ng langit kundi sa ilalim ng daigdig mapupunta kung saan naroon ang mga kulungan para sa mga masasamang espiritu. 😈👿👽👺

Iyan ang katangian na kailangang taglayin n isang nais matawag na CRISTiyanO (CRISTO IYAN). Nagpasan ng kaniyang sariling krus, mahirap din ang pinagdaan magkaiba nga lang ng paraan.

ParaNormal ang Isipan MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon