Sa mga magbabasa at bumabasa nito;
Nais ko lang pong sabihin na ang iba nito ay dahil sa aking kagustuhan, at ang iba nito ay mula sa aking nalaman at natutunan hindi sa paaralan o anomang simbahan o samahan, kundi doon sa site ni Lord Jesus, at sa pagbabasa sa bible, at mga bagay na hindi pinagtutuonan ng pansin ng mas nakararami.
Ang lahat ng mga nabasa ninyo ay bunga ng aking pagnanais na makapagbahagi ng mga iniisip ko, mula sa kapaligiran at sa malikot na rin na kaisipan. Nais ko na rin sabihin na ilan sa mga naisulat ko na ay may tuwirang kamalian, at inaamin ko iyon upang inyong malaman na hindi ako perpektong nilalang at isa rin sa mga taong nagkakamali dahil sinusunod ko ang isipan at kapaligiran ko.
May isa akong bagong ilalathala na pure English at hindi mula sa akin kundi sa taong naging daan upang maibahagi sa sangkatauhan ang TUNAY NA ARAL na mula mismo sa ating tagapagligtas na Messiah, na tinatawag rin na Cristo. Mula sa website na puno ng mga katotohanan na dapat malaman ng buong mundo. Ito ay isang LIBRENG SITE kaya walang dapat na magreklamo o maging dahilan ng kung anong mga hindi pagkakaunawaan kundi ay dapat maging bukas ang isang tao sa katotohanan o truth. Ang pamagat ay iyon din mismo na galing sa site maging ang buong magiging nilalaman nito: Trumpet Call of God: The Volumes of Truth (Hear the Word of the Lord spoken to THIS Generation!)
Ito ay mula sa aking panaginip, o maaaring tinig na aking narinig habang ako ay nasa pagitan pa ng aking inaantok na katawan. Ilang buwan na rin akong nakikinig sa YouTube site nila at marami na akong natutunan mula sa mensahe ng Panginoon Jesus Christ, YahuShua HaMashiach tungkol sa sarili at sa ibang bagay na ating kinakaharap sa araw-araw na hindi nakikita o pinapansin ng mas nakararami. Kahit na hindi ko pa lubusang nasusuyod ang lahat ng kanilang mga mensahe at babala sa buong mundo o tao, alam kong sa isang bahagi ng pagpapalaganap ay dapat na itong makarating sa mas maraming tao. Libre ang Salita ng Panginoon at kung sinoman ang nais na gumawa ng paraan upang ito ay maipakalat ay hindi pinagbabawalan, ngunit ang gawin itong kabuhayan ay malaki ang kapalit.
Hanggang sa muli mga mambabasa na nais ng katotohanan,
Utak at imahinasyon
PC de PerioIn Greek Name: You, Ancient Blind of the Period read this.
![](https://img.wattpad.com/cover/126415389-288-k634671.jpg)
BINABASA MO ANG
ParaNormal ang Isipan Mo
SpiritualTama! paranormal ang isipan mo, basahin mo ito, sigurado mapapakamot ka na lang at mapapaisip sa katotohanan.