Ang Christmas ay European Tradisyon
Tama ang nababasa mo. Ang kapistahang kinasanayan ng buong mundo ay kaugalian ng mga European o mga taga-Hilagang Pagano.
Paano itong nakarating sa ating mga kagawian at bakit tayo mabilis maudyukan na sumama dito at makisalamuha sa kanilang mga kagawian?
Ito ang sagot:
Una, ang mga tao sa buong lupa ay lumaganap noon, muli sa pamamagitan ng mga anak ni Noah. Tatlo sila. At hindi malayo na triplet sila dahil hindi nakalagay sa bible kung sino ang unang isinilang. Ang madaling tandaan ay si Japheth ang mas matanda kasunod si Ham, at mas bata si Shem.
Ikalawa, nagkaroon nang pagbabago sa pamamaraan nila nang dumami na muli ang mga tao. Ang pag-usbong ng mga hindi maka-diyos na pamamaraan; tulad ng paghugis ng kahoy o bato na ginawang hugis tao, hayop at iba pa bilang paraan ng pagsamba sa diyos, na kanilang nakuha sa mga nilunod na nilalang noong hindi pa lumulubog sa tubig ang buong daigdig. Silang tatlo pa rin ang pinagmulan ng kaalamang iyon.
Ikatlo, dahil sa pananalita ng tao hindi na madali na maibalik na maunawaan ng isa ang bawat isa, dahil na rin sa tore ng babel na sanhi nito, na ibig sabihin ay tore ng kalituhan.
Ikaapat, hindi lahat ng mga tao noon ay sang-ayon sa pamumuhay na walang nakikita na sinasamba. Kaya kahit anong pag-ulit na ituwid ay gagawa at gagawa ng hindi ayon sa mata ng Panginoon ng lahat.
Ikalima, marami din sa mga taga-Hilaga na hindi kayang tanggapin ang Cristo bilang Diyos, at Anak ng Diyos. Dahil lamang siya ay nagkatawang-tao na dati naman ng tao ang hulma ng kaanyuan, ayon na rin sa aklat ni Enoch nang ito ay makilala niya at makita sa langit katabi ang Panginoon ng mga Espiritu, at sa kaniya tayo inanyo. Doon pa rin sila naniniwala sa diyos na mula sa Artifacts ng mga sinaunang tao dahil maraming patunay na nabuhay sila ngunit bigla na lang naglaho.
Ikaanim, ayaw nilang ang Piniling Bansa ang manguna sa kanila kaya imbes ay baliktarin ang lahat ng totoo. Itinago nila ang aklat na magpapatunay sa lahat ng kasalanan ng mga sinaunang tao kaya sila naglaho na lang bigla. Alam nating advance ang mga bansa nila ngunit mga bulag sila sa tunay na kaalaman.
Ikapito, walang nakasulat sa biblia na tag-lamig nang panahong isinilang ang Anak ng Tao. Panahon iyon ng paghahayupan o pagdadala sa mga pinapastol na hayop sa mga pastulan kaya may mga tupa at kambing sa mismong sabsaban. Kung titingnan sa kalendaryo ito ay bumabagsak sa pagitan ng panahong Tag-lagas o Autumn Season.
Dahil hindi ka puwedeng magdala ng pastol sa bundok kung tag-lamig o nagyeyelo ang bawat ihip ng hangin.
1. Mamamatay ang mga hayop kung mananatili doon.
2. Maninigas din sa ginaw ang sanggol, at
3. Lalo ang bagong panganak ay baka magkasakit.
4. Hindi rin makalalakbay mula sa malayo ang tatlong hari na nag-alay ng mga regalo.
5. Hindi rin makatatawid patungong Egypt ang tatlo upang magtago sa kamay ni Herodes.
Ikawalo, ginto, pilak, tanso ang kulay na madalas makita sa mga rebulto o anito bukod sa ito ay kahoy o yari sa bato. Madalas ibinabalot lamang ng ginto o pilak o tanso nang maging maganda sa paningin ng lahat. At malamang na ginagawa mo ito, dahil maging ako noon ay hindi makaiwas dito kahit na ayaw kong gawin ang mga ginagawa ng mga tao, bukod sa magastos at magastos pa sa mga pagkakagastusan.
Pero hindi kaso kung maghahanda ng pagkain para sa akin, basta para sa pagpapasalamat nakalaan at pagkilala sa Diyos at kay Kristo na ating Tagapagligtas. “Ang superhero na hindi kilala ng maraming lulong sa pantasya.” At, huwag idadahilan, “Pasko ngayon matuto kang magbigay!” dahil anomang oras ay puwede kang magbigay sa kaninoman lalo sa mga TUNAY NA NANGANGAILANGAN.
![](https://img.wattpad.com/cover/126415389-288-k634671.jpg)
BINABASA MO ANG
ParaNormal ang Isipan Mo
SpiritualTama! paranormal ang isipan mo, basahin mo ito, sigurado mapapakamot ka na lang at mapapaisip sa katotohanan.