21. Pattern to Pray...

52 1 0
                                        

21. Pattern to Pray, Not the Exact Prayer.

Anong ibig sabihin ng Pattern to Pray o Paraan Kung-paano Magdasal?

Galing ka ba sa Catholic? O dating Catholic? Kung hindi naman eh, walang problema sa lalamanin ng topic na ito. Dahil mas nababagay ito sa mga katuruang mali kahit na ang pinagkuhanan nito ay nasa Biblia. Narito ang nais kong ibahagi:

Ang tanong ng mga Apostol kay Lord Jesus, Paano po ang manalangin? Ang sagot sa kanila ay ganito:

Matthew 6:9-13

1. Ganito kayo mananalangin, ‘Ama naming nasa langit, sambahin nawa ang iyong pangalan.  Nawa'y maghari ka sa amin.

2. Sundin nawa ang iyong kalooban dito sa lupa tulad ng sa langit. 

3. Bigyan mo kami ngayon ng aming pagkain sa araw-araw; 

4. At patawarin mo kami sa aming mga kasalanan, tulad ng pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin. 

5. At huwag mo kaming hayaang matukso, kundi iligtas mo kami sa Masama!’

Kung ikaw ay nasa Catholic, ito mismo ang kanilang paulit-ulit na sasabihin dahil ito ang turo sa loob ng paaralan at ng mga tagapagturo doon.

Mali ang kaisipang ito ang dapat na bigkasin. Ako man ay ginagawa ito noon dahil hindi ko nauunawaan ang mga ito noon. At dahil na rin sa paraan ng turo. Bulag pa ako noon kasama nila. Hindi na ngayon.

Panuntunan ito na dapat mong pagbatayan.

1. Ang una ay tungkol sa: Pagbibigay Papuri at Paggalang sa Ama nating nasa langit. Tulad kung paano laging sinasabi ni Cristo Jesus na Ama niya ang Panginoon na nasa langit. Binatikos siya ng mga tao dahil ang akala nila inaangkin niya ang pagiging anak ng Panginoon. Kasunod ang: Dapat na Siya ang maghari sa ating puso. Nang tayo ay manatili sa matuwid na pamumuhay dahil kapag hindi natin iniimbita ang presensiya ng Amang Panginoon hindi niya tayo napapansin. Mapansin man tayo ay dahil sa paraan na lang ng ibang tao.

2. Ang sinabing, sundin nawa ang iyong kalooban, dito sa lupa tulad ng sa langit. Sa mas paglilinaw na kahulugan, kahilingan ito na SANA katulad ng sa langit, ang mga tao ay maging banal rin ngunit hindi nga magawang mangyari dahil sa nagawang kasalanan na taglay na ng lahat ng tao na isinilang mula sa dalawang unang tao. Nalaman na natin ang dalawang pagpipilian dahil sa Manlilinlang na Dragon.

3. Bigyan mo kami ng aming kakainin sa araw-araw: malinaw naman na kahilingan tungkol sa Paghingi ng Pagkain dahil hindi mangyayari ang mga bagay-bagay dito sa lupa kung hindi Niya nanaisin na umulan. Mula sa ulan at lupa kaya umuusbong ang mga puno at ibang mga nakatanim dito. Dahil noon, bago gunawin ang daigdig sa tubig ay ni minsan hindi pa umulan. Minsan lang umulan at iyon ang ikinamatay ng lahat ng nilalang na sumira dito, ang mga Giant. Hindi lang pagkain ang puwedeng hilingin kundi ibang bagay na mainam sa isang tao.

4. Ang ikaapat ay tungkol sa Paghingi ng Tawad, anomang bigat o gaan ng kasalanan ay dapat na idinudulog sa Panginoon. Ang tungo rin nito ay sa ating Panginoong Jesus na Tagapamagitan. Dito pumapasok ang iba't ibang uri ng pagpapatawad sa mga taong may nagawang pagkakamali at kasalanan sa atin o sa ibang tao. Elaborate your sin. Kung pumatay ka, kung sumipin ka sa maraming babae o lalake na hindi kasal, kung binalak mo o binabalak mo ang masama sa kapwa, kung ninakaw mo ang bagay na pag-aari ng iba, kung minura mo ang magulang mo, kung nagpakalat ka ba ng masamang kuwento, kung hindi mo pa rin magawa ang mga dapat mong gawin tungkol sa Kanya, marami pang iba. Minsan may mga taong humihingi ng dasal dahil hindi nila alam ang magdasal, kahit ako ay hindi ko alam magdasal. Torpe ako sa tuwing nag-iisip ako ng dapat kong sabihin. Tulad ng halimbawa sa Lukas 18:10-14, ang dalawang taong dumadalangin sa loob ng Templo, isang nagbubuhat ng sarili at isang hindi makapag-umpisa sa kaniyang dapat sabihin.

5. At ang isang huli ay puwedeng gawin sa tuwing tingin mo ay nasa panganib ka, pero dahil nakasama ito dito, ang tawag dito ay Paghingi ng Gabay. Sa tuwing dadalangin tayo hindi lamang paghingi ng mga kung ano-ano ang dapat nating hingiin. Mas mainam kung ang mga bagay na hinihiling natin ay hindi nahahawakan. Dahil mas malalaman mong nasa panig mo ang kabutihan o nasa tabi mo ang iyong gabay na anghel sa bawat kahilingan na hindi nakakamit ng kamay o nahahawakan. Dahil nasa paligid lamang ang lahat ng uri ng kasamaan at hindi iyon kita ng ibang mga tao at hindi iyon kita ng ating mga mata kundi ng Gabay nating anghel.

Iyan ang masasabi ko sa paraan na alam mo o kung hindi naman ay nalaman mo na.

May ginawa akong dasal na isa ring batayan.

Dear Lord, Father of all, the Greatest and Powerful of all. You are a loving Father, You gave us hope when You gave us the Lord Jesus Christ, and we should be a good children to Your will. As we seek You not only for personal need but to seek You always. To call upon You not in vain but with all heart and love. Only You can see us, and can tell the content of our heart's. Forgive me/us always as I/we stumble from/for some mistakes. Please keep me away of negative thoughts and feelings. Make the day-to-day paths according to You. Make me more understandable and patient to people. This all for today. Amen.

ParaNormal ang Isipan MoMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon