Tayo ay tinubos na sa Kamatayan na dulot ng Kasalanan, ngunit hindi sa Tukso, na kasanayan ng diyablo.
2 Pedro 2:9 Alam ng Panginoon kung paano ililigtas mula sa mga katuksuhan ang mga tapat sa kanya, at kung paanong paparusahan ang masasama hanggang sa araw na sila'y hatulan:
Si Eva ay nahulog sa tukso ng diyablo, na siyang dahilan ng kabuoang Kamatayan ng sangkatauhan, na kinailangan ng katubusan.
Genesis 3:1-5 Ang ahas ang pinakatuso sa lahat ng hayop na nilikha ng Panginoong Yahweh.
At kaniyang sinabi sa babae, “Totoo bang sinabi ng Diyos na huwag kayong kakain ng anumang bungangkahoy sa halamanan?”
Sumagot ang babae, “Maaari naming kainin ang anumang bunga sa halamanan, huwag lamang ang bunga ng puno na nasa gitna niyon. Sinabi ng Diyos na huwag naming kakainin ni hihipuin man ang bunga nito; kung kami raw ay kakain nito, mamamatay kami.”
Ngunit sinabi ng ahas, “Hindi totoo iyan, hindi kayo mamamatay! Sinabi lang iyan ng Diyos, sapagkat alam niyang kung kakain kayo ng bunga niyon ay makauunawa kayo. Kayo'y magiging parang Diyos at malalaman ninyo ang mabuti at masama.”
Tanong 1: Alam mo ba kung bakit ahas ang nasa larawan at hindi isang anghel na magandang uri, na marami, noong bagong silang pa lamang sina Adam at Eva?
Narito ang isa pang sagot mula sa:
Mateo 10:16 “Tingnan ninyo; isinusugo ko kayo na parang mga tupa sa gitna ng mga asong-gubat. Kaya't maging matalino kayong gaya ng ahas at maamo na gaya ng kalapati.
Dahil matalino at tuso ang katangian ng ahas, at Isang halimbawa na nakakubli dito.
Ito ang isa niyang maaaring gawin sa iyo upang ikaw ay makuha niya at madala sa kasalanan, na ang kapalit ay Kamatayan, ng katawan at ng kalooban (damdamin o kaluluwa).
Narito pa ang isa niyang hilig gawin:
Mateo 4:3-11 (Son of God or Children of God)
Dumating ang diyablo at sinabi sa kanya, “Kung ikaw ang Anak ng Diyos, gawin mo ngang tinapay ang mga batong ito.”
Ngunit sumagot si Jesus, “Nasusulat, ‘Ang tao'y hindi lamang sa tinapay nabubuhay, kundi sa bawat salitang nagmumula sa bibig ng Diyos.’”
Pagkatapos, dinala siya ng diyablo sa Jerusalem, ang banal na lunsod, at pinatayo sa taluktok ng Templo.
Sinabi nito sa kanya, “Kung ikaw ang Anak ng Diyos, magpatihulog ka, sapagkat nasusulat, ‘Sa kanyang mga anghel, ika'y itatagubilin, at sa kanilang mga kamay, ika'y aalalayan, nang sa mga bato, paa mo'y hindi masasaktan.’”
Ngunit sumagot si Jesus, “Nasusulat din naman, ‘Huwag mong susubukin ang Panginoon mong Diyos.’”
Pagkatapos, dinala naman siya ng diyablo sa isang napakataas na bundok at ipinakita sa kanya ang lahat ng kaharian sa daigdig at ang kapangyarihan ng mga ito.
Sinabi ng diyablo sa kanya, “Ibibigay ko sa iyo ang lahat ng ito kung magpapatirapa ka at sasamba sa akin.”
Kaya't sumagot si Jesus, “Lumayas ka Satanas! Sapagkat nasusulat, ‘Ang Panginoon mong Diyos ang dapat mong sasambahin. At siya lamang ang dapat mong paglilingkuran.’”
Pagkatapos, iniwan na siya ng diyablo. Dumating naman ang mga anghel at siya'y pinaglingkuran nila.
Mga Tanong: Anong sabi niya sa iyo? Anong nais niyang gawin mo? Anong raw ang kaya niyang ibigay? Napangakuan ka na ba ng ganito sa pamamagitan ng bibig ng ibang tao? Iyong mga bagay na alam mong imposibleng maibigay sa iyong taong nangako, natupad ba? Natupad kaya?
Ilang pangako na ba ang ibinigay sa iyong mundo?
Mateo 5:34-37 Ngunit sinasabi ko sa inyo, huwag na kayong manunumpa kapag kayo'y nangangako. Huwag ninyong sasabihing, ‘Saksi ko ang langit,’ sapagkat ito'y trono ng Diyos; o kaya'y, ‘Saksi ko ang lupa,’ sapagkat ito'y kanyang tuntungan. Huwag din ninyong sasabihing, ‘Saksi ko ang Jerusalem,’ sapagkat ito'y lunsod ng dakilang Hari. Huwag mo ring ipanumpa ang iyong ulo, sapagkat ni isang buhok sa iyong ulo ay hindi mo kayang paputiin o paitimin. Sabihin mo na lang na ‘Oo’ kung oo at ‘Hindi’ kung hindi, sapagkat ang anumang sumpang idaragdag dito ay buhat na sa Masama.”
Malinaw ba?
Madalas bumulong ang masamang hangin, dapat alam natin kung kailan mabuti ito at nang mapigilan.
PANALANGIN:
Ganito kayo mananalangin,
‘Ama naming nasa langit,
Sambahin nawa ang iyong pangalan.
Nawa'y maghari ka sa amin.
Sundin nawa ang iyong kalooban
Dito sa lupa tulad ng sa langit.
Bigyan mo kami ngayon ng aming pagkain sa araw-araw;
At patawarin mo kami sa aming mga kasalanan,
Tulad ng pagpapatawad namin
Sa mga nagkakasala sa amin.
At huwag mo kaming hayaang matukso,
Kundi iligtas mo kami sa Masama!’
Sapagkat sa iyo ang Kaharian, ang kapurihan,
At ang kaluwalhatian magpasawalang hanggan, Amen.Mateo 6:9-13
After this manner therefore pray ye:
Our Father which art in heaven,
Hallowed be thy name.
Thy kingdom come.
Thy will be done in earth, as it is in heaven.
Give us this day our daily bread.
And forgive us our debts,
as we forgive our debtors.
And lead us not into temptation,
but deliver us from evil:
For thine is the kingdom,
and the power, and the glory, for ever. Amen.Matthew 6:9-13 KJV
Sa panalangin na galing mismo sa Ama, sakop ka na ng kaniyang pagpapala.
Kung magdadasal huwag sa lalamunan magmumula at sa bibig lalabas, gamitin ang iyong puso at kaluluwa.
(Paalala: Sa Catholic School mali ang paraan na itinuro nila, galing ako sa paraang iyon, WALANG BISA iyon. Iyon ang rag praying.)
Akala ko nga mas matalino at tuso ang matsing, pero narito ang patunay na mas tuso ang ahas at makamandag, nakamamatay.
Ang puno na siyang nagpakain ng Kasalanan sa mahinang tao. Ang puno na may hindi kaaya-ayang lasa ng bunga. Ang puno na makamandag.
![](https://img.wattpad.com/cover/126415389-288-k634671.jpg)
BINABASA MO ANG
ParaNormal ang Isipan Mo
SpiritualTama! paranormal ang isipan mo, basahin mo ito, sigurado mapapakamot ka na lang at mapapaisip sa katotohanan.