16. Ang Ibig Sabihin ng Paghuhugas sa Paa.
2 Sa panahon ng hapunan, inilagay na ng diyablo sa isip ni Judas, na anak ni Simon Iscariote, na ipagkakanulo niya si Jesus sa mga Judio. Nalalaman ni Jesus na ibinigay na ng Ama sa kanya ang buong kapangyarihan; alam din niyang siya'y mula sa Diyos at babalik sa Diyos. Kaya't siya'y tumayo mula sa hapag, nag-alis ng panlabas na balabal at nagbigkis ng tuwalya sa baywang. Pagkatapos, naglagay siya ng tubig sa palanggana, at sinimulang hugasan ang paa ng mga alagad at pinunasan ng tuwalyang nakabigkis sa kanyang baywang.
Paglapit niya kay Simon Pedro, tumutol ito. Sabi niya, “Panginoon, kayo ba ang maghuhugas ng aking mga paa?” Sumagot si Jesus, “Hindi mo nauunawaan ngayon ang ginagawa ko, ngunit mauunawaan mo rin pagkatapos.”
Muling nagsalita si Pedro, “Hinding-hindi ko pahuhugasan sa inyo ang aking mga paa!”
Ngunit sinabi ni Jesus, “Malibang hugasan kita, wala kang bahagi sa akin.”
Dahil dito'y sinabi ni Simon Pedro, “Kung gayon, hindi lamang ang mga paa ko, kundi pati na rin ang aking mga kamay at ulo!” Sumagot si Jesus,
“Ang nakapaligo na ay hindi na kailangang hugasan pa maliban sa kanyang mga paa, sapagkat malinis na ang buo niyang katawan. At kayo'y malinis na, subalit hindi lahat.” Dahil kilala ni Jesus kung sino ang magkakanulo sa kanya, sinabi niyang malinis na sila, subalit hindi lahat.
12 Nang mahugasan na ni Jesus ang kanilang mga paa, muli niyang isinuot ang kanyang balabal at nagbalik sa hapag. Siya'y nangusap sa kanila, “Nauunawaan ba ninyo kung ano ang ginawa ko sa inyo? 13 Tinatawag ninyo akong Guro at Panginoon, at tama kayo, sapagkat ako nga iyon. 14 Dahil akong Panginoon at Guro ninyo ay naghugas ng inyong mga paa, dapat din ninyong gawin ito sa isa't isa. 15 Binigyan ko kayo ng halimbawa upang inyong tularan. 16 Pakatandaan ninyo, ang alipin ay hindi nakahihigit sa kanyang panginoon, ni ang sinugo kaysa sa nagsugo sa kanya. 17 Mapalad kayo kung nauunawaan ninyo ang mga bagay na ito at inyong gagawin.
18 “Hindi kayong lahat ang tinutukoy ko; kilala ko ang aking mga pinili. Ngunit dapat matupad ang sinasabi sa kasulatan, ‘Pinagtaksilan ako ng taong pinapakain ko.’ Sinasabi ko ito sa inyo bago pa mangyari upang kapag ito'y nangyari na, sasampalataya kayo na ‘Ako'y Ako nga’. Pakatandaan ninyo, ang tumatanggap sa sinugo ko ay tumatanggap sa akin, at ang tumatanggap naman sa akin ay tumatanggap sa nagsugo sa akin.”
Juan 13:2-20
----- Paliwanag -----
Nababasa natin kung ano ang ginawa ni Cristo noon sa mga napili niyang apostol, kasama na dito si Judas na kaniya rin namang apostol.
Ginagawa o tinutularan din ito ng Pope na nasa Roma; dahil hindi niya alam ang tunay na ginagawa niya, o sadyang inilagay na nila ito sa kanilang listahan upang maging gawain.
Literal na paghuhugas ng paa ang ginagawa nila sa mga tao na nais nilang bigyan ng ganitong "privilege".
Ito rin ay matatawag na walang-kapararakang gawain. Dahil tinutularan ang ating Cristo hindi sa paraan ng pamumuhay at pangaral kundi sa nakasulat na gawain na ipinakita niya sa mga napiling apostol.
Nasa mismong mga talata ang sagot sa ibig ipahiwatig ng ating Panginoong Jesus sa Paghuhugas ng Paa ng mga Apostol Niya.
Malinaw, na hindi basta puwedeng maging lingkod ang isang tao maliban kung siya ay NAHUGASAN na. Ibig sabihin ng nahugasan ay nabasbasan o pinatawad na at handa nang maglingkod ayon sa kautusan mismo ng ating Cristo Jesus.
Siya ang kanilang pinaglilingkuran at tinatawag na Guro at Panginoon, katulad din ng mga ibang tao na may sariling panginoon na mga mataas na tao sa lipunan tulad ng hari o gobernador. Ang kaibahan lang ay tunay na Panginoon at Guro, mas mataas kaysa sinomang guro at panginoon at hari ang kanilang kasama. Siya rin ang pag-asa ng mga Hentil, ang magliligtas sa mga tao mula sa kasalanan.
Kaya hindi maaaring tularan ang Cristo sa pagiging Cristo. Iisa lamang ang ating Cristo at naroon na Siya sa langit at naghihintay ng mga taong nais MAHUGASAN mula sa mga kasalanan. Maliit man o malaking kasalanan.
Dahil ang mga taong nagkukunwaring mabuti ngayon ay hindi ligtas o malinis sa paningin ng Panginoon. Dumadalo sa mga pagtitipon na ginagawa sa iba't ibang bahagi ng bansa o lugar na sakop nila ngunit hindi naman iniiwan ang gawaing masama o mga bagay na dahilan upang bumalik sa kasamaan ng pamumuhay. HUBAD pa rin ang katawan nila kahit na gaano pa kamahal ang bili nila sa mga kasuotan nila. Bukod sa mga panahon na sila ay sadyang hubad na nakalantad sa sikat ng araw.
Ang mga taong naglilikod sa Panginoong Jesus ay dapat na katulad ng kaniyang pamumuhay. Simple, walang sariling inaangking tahanan dahil nakalaan ang buhay niya sa Panginoon hindi sa "material na bagay" na narito sa mundo. Kung ang isang "lingkod" ay hindi ganoon, anong mabuti sa ginagawa niya? Sa mata lamang ng mga tao siya may silbi, sa harap ng mismong Panginoon ay isa lamang siyang maingay na lata na kailangan ng barya.
Ang lingkod ang naglilingkod sa kaniyang mga alagad, hindi ang alagad naglilingkod sa kanilang lingkod.
-----
Ngayon: Sunday, December 10, 2017May napanaginipan akong tungkol sa ganito kaya lang hindi ko malaman kung tama ang nakuha ko. Basta panaginip tungkol sa meaning at dahil may ginagawa akong Tagalog-English dictionary. Nagpapalalim na rin ng mapurol na English ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/126415389-288-k634671.jpg)
BINABASA MO ANG
ParaNormal ang Isipan Mo
SpiritualTama! paranormal ang isipan mo, basahin mo ito, sigurado mapapakamot ka na lang at mapapaisip sa katotohanan.