11. Wish Upon a Star is a Sin.

41 1 0
                                    

11. Wish Upon a Star is a Sin.

Okay, ang topic ay tungkol sa mga taong kung humiling ay pumipikit pa habang nakatingala sa langit at doon sa mga bituin na nagsasagawa ng kanilang trabaho na tinatawag na falling star na nagaganap madalas sa mga panahon na malapit na ang taglamig at pawala na ang panahon ng taglamig.

Alam mo ba na ang ginagawa mo ay isang uri ng worshiping the wrong gods? Yes! Sapol ka ba? Tinamaan ka siguro ng meteor kaya nabigla ka?

Una sa lahat, ang mga stars o meteor kung tawagin sa science ay hindi dapat na hingian ng kahit na anong kahilingan dahil kapareho mo lang sila na hindi maaaring sambahin ni ituring na makagagawa ng mga mahimalang tagumpay mo sa buhay. Kung mayroon ka mang natamong tagumpay hindi sa kanila galing iyon sa sarili mo o kung hindi naman ay pinagbigyan ka ni Yahweh, ang Diyos ng lahat ng nilalang. Isang pagsuway na maituturing ang humiling sa kanila sa tuwing may nakikita kang falling stars sa langit.

Ikalawa, ang falling stars ay hindi talaga nahuhulog kundi nagpapadulas sa kanilang ginagawa. Tumatakbo sila ay saka gumagawa ng kakaibang ilaw na sa mata naman natin ay mukhang nahuhulog. Kumbaga sa late sa trabaho, gagawin ang lahat na umabot sa bundle clock at sa opisina kung saan naroon ang gawain. Ganoon lang iyon. Magkakandadulas-dulas ka sa katatakbo at sila naman ay gumagawa ng kanilang routine appearance.

Ikatlo, hindi lahat ng stars na nasa langit ay mukhang bato, tingin mo lang na mukhang bato sila tuwing sinisilip mo sa malaking telescope. Angel ang mga iyon ngunit iba, hindi mo lang literal na nakikita ang tunay nilang anyo.

Ikaapat, kung nasa isipan mo man na gawa-gawa ko lang ito, iminumungkahi ko na iyong basahin ang Book of Enoch na mayroon sa profile ko, nang malaman mo kung bakit ko ito sinasabi. Hindi sinungaling ang sumulat niyon, dahil kung sinungaling siya hindi siya babanggitin sa mismong aklat na biblia. Kasama sila sa mga likha ng Diyos na dapat mong mas kilalanin higit sa maghintay ng panahon na lumilitaw sa langit ang trabaho na nakaatang sa mga anghel sa kanilang bawat panahon saka ka hihiling dahil nariyan na sila sa itaas.

Ikalima, kung sakali namang isa ka sa mga nauto ng mga kapwa mo o kaibigan mo tungkol sa wish upon a star at matutupad ang hiling mo, isa lang ang dapat mong gawin, magsisi sa kasalanan na pagkilala sa ibang diyos bukod sa Tagapaglikha ng lahat. Worthless god ang sinasabihan mo ng iyong kahilingan sa tuwing naghihintay ka ng mga bulalakaw na nasa langit.

Ngayon alam mo na! Maraming uri ng kasalanan na pinapakalat ng mga tao at hindi naman sinasaway ng mga nakatatanda dahil sila rin ay humaling sa mga ganitong bagay.

Sana may napala ka sa binabasa mo. Ipakalat mo ang totoo nang dumami ang makaalam na nalilinlang sila sa nakasanayan nila.

Sa makatuwid, ang kantang Wish Upon a Star ay gawa ng deceiver, ang Devil, ang Satan.

ParaNormal ang Isipan MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon