24. Bagong Damit at Alak,

113 2 0
                                    

36 Sinabi rin niya sa kanila ang isang talinghaga, "Walang sumisira ng bagong damit upang itagpi sa luma. Kapag ganoon ang ginawa, masasayang ang bagong damit at ang tagping mula rito ay hindi naman babagay sa damit na luma.

37 Wala ring naglalagay ng bagong alak sa lumang sisidlang-balat. Kapag ganoon ang ginawa, papuputukin ng bagong alak ang lumang sisidlan, matatapon ang alak at masisira ang sisidlan.

38 Sa bagong sisidlang-balat dapat ilagay ang bagong alak.

39 Wala ring magkakagustong uminom ng bagong alak kapag nakainom na ng lumang alak, sapagkat sasabihin niya, 'Mas masarap ang lumang alak.'"

Lucas 5:36‭-‬39 MBB05

----- Ang Paliwanag -----

Literal man o hindi ang alam mo tungkol dito, ganoon pa rin ang magiging kinalabasan ng ibig sabihin ng talinghaga na ito.

1. Ang ibig sabihin ng damit ay bihis, o panlabas na anyo, o panlabas na kaalaman tungkol sa katuruan.

Ang damit ay isinusuot ng tao at ito ay naluluma habang tumatagal pero may mataas na sentimental value sa isang tao lalo kung galing ito sa pinagpaguran o mula sa regalo ng ibang tao. Ang kaibahan lang, ang damit ng tao ay literal na naluluma at itinatapon o ginagawang basahan o kaya ay nagiging palamuti na lang. Ang nilalaman ng talinghaga ay tungkol sa bagong bihis ng katuruan.

Sanay na ang mga tao sa tradisyon kaya mahirap nang ipasok ang bagong uri ng katuruan lalo kung sila mismo ang may pakana na baguhin ang paraan.

Iyan ang ibig na ipakita sa talinghaga dahil sinasalungat ng mga tagapagturo ng kautusan ang bawat kaalaman na ibinabahagi ni Jesus Christ noon sa mga sinagoga.

2. Ganoon din ang tungkol sa alak.

Ang bagong alak ay bago rin ang lalagyan. Dahil hindi angkop kung sa dating lalagyan pa rin ito isasalin. Hindi rin mabebenta kung hindi bago ang lalagayan.

Ang alak ay ang word of God o wisdom of God.

Walang sinoman ang kayang abutin ang karunungan ng Panginoon maliban kung nais mong humiling nito at gamitin ito sa pamamaraan niya tulad ng paraan na hiniling ni Solomon noon. Biniyayaan siya ng karunungan at mababasa ang kaniyang mga iniisip at naisulat iyon, at naging bahagi ng Biblia natin ngayon.

At marami sa mga tao ang hindi ito nauunawaan. Sanay sila sa paraan ng simbahan. At nakaayon sa mga nakasanayan ang kanilang nalalaman. Paano naman ang paraan ng Panginoon na baguhin ang iyong nakasanayan? Mali na ba iyon sa iyong paniniwala? Kung sakaling isa ka sa mga taong hadlang o kontra sa paraang ito, wala akong magagawa tungkol sa iyo. Ang tanging alam ko lang sa English ito ay blasphemy.

3. Nakasulat din na walang nais na uminom ng bagong alak kung nakainom na ng lumang alak.

Totoo, hindi lahat ng tao ay nais ang lasa ng bagong alak. Sanay sila sa luma kaya doon pa rin sila sa luma. Ang bagong alak o word teaching o word of God ay hindi madali sa mga taong sarado ang pang-unawa. Isa rin iyon sa dapat maging laman ng dasal ng taong nais mabuksan ang pintuan ng totoong pananampalataya. May talata din sa Biblia na nagsasabi na: hindi sa pamamagitan ng pananampalataya maliligtas ang tao kundi kailangan din itong may gawa. (Pasensiya na hindi ko pa mahanap.)

Ang paraan ng direct teaching through heart listening ang tinutukoy dito. Sa mga hindi ito alam mahirap ipaliwanag ito lalo kung doon ka nga sanay sa luma, pero kung nais mong maging katulad ng ibig kong sabihin dito, true repentance and quitting from worldly things o desire of your own ang kailangan mong gawin. Dahil ang totoong pagsunod ay hindi kailangan puchu-puchu o utay-utay o pakitang-tao lang. Ngayon oo, good follower, bukas hindi na, kasi mahirap ang mahiwalay sa mga gawaing nagpapasaya sa iyong personality. Taking the new wine is hard and can bring you to drunkenness if you cannot handle it correctly. Just what I have done many months ago. I failed and still failing but trying because I want to. I want to change my path or hoping it is really the path for me.

Sa isang YouTube video, from the Lord Jesus' word also, and sinomang nakararamdam ng emptiness ay possible na binabago ang patutunguhan, I am one of that person he is talking about. I felt emptiness and thirsty of his word, even presence. Sa panaginip ko pa lang nasubukan ang makakita ng hindi pangkaraniwan, pero most of my dream are warnings and reminders about me. Hindi nga kasing puro ng inaakala na puro. Mayroon pa akong mga pagkakamali at dahil kasama iyon sa uri ng trabaho o source of income ko. If you are connected to Jesus Christ you will learn new things. Magkakaroon ka ng kakaibang paraan ng communication. Kaya nga wala sa designated churches ang totoong connection with God. Oo, may mga taong nakatakda sa gawaing paglilingkod sa Diyos, pero minsan sumasablay din naman sila. At may mga taong nais ang gawaing paglilingkod sa Diyos, at hindi sila dapat pigilan, ganoon din naman, sumasablay din naman sila, dahil tao pa rin sila. Walang nagsasabi sa kanila ng kanilang mga kamalian maliban kung ito ay nakita ng mga kapwa nila. Samantalang ang connection with the Lord Jesus, siya mismo ang magsasabi ng iyong mga kamalian at nagagawang kamalian.

Ang pag-inom sa bagong alak ay ibinibigay sa mga taong hindi lubusang nalasing sa lumang alak kaya kapag sila na ang nakatikim ay masarap ito sa kanilang panlasa. Naaaliw sila habang nabubuhusan at napupuno. Ngunit ang mga lasing na sa lumang alak ay masusuka sa bagong alak. Hindi tatangapin ng kanilang katawan ang bago dahil mas mapait ito sa panlasa nila hindi katulad ng mga unang beses na titikim nito, matamis ito.

Iyan ang nais kong ibahagi.

Hoping the Lord is please with this explanation I have for the people who will read and come by to this reading material here.

All the Glory to God, YahuShua HaMashiach.

ParaNormal ang Isipan MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon