22. Worldly Music (Makamundong Awit)
Sa totoo lang hindi ko alam ang worldly music, dati.
Pero, marami akong nakikitang ganito na nangyayari sa paligid at walang paliwanag na nakukuha. Isa rin ako sa mga ignorante sa paligid. Minsan, sadya kong binabalewala pero minsan napapaisip ako sa mga taong nagsasalita ng ganito at mga taong nagpapaliwanag tungkol sa Word of God tapos sumisingit ang worldly music sa mga paliwanag nila.
Para sa akin, ang worldly music ay puro salita lang ang laman. May feelings man ang mga iyon at salita pa rin iyon mula sa taong pinagmulan niyon. Kinatha niya ang mga salita dahil noong panahon na siya ay nasa ganoong damdamin ay nabuo ang mga bagay na iyon sa isipan niya dulot na rin ng damdamin niya.
Para sa akin, lahat ng kantang hindi direktang inaalay sa Holy Spirit ay isang worldly music. Bakit? Dahil kinakanta mo lang ang salita dahil naisipan mo lang. Hindi mo ginagawa dahil ang dahilan mo ay pagsamba sa harapan ng Panginoon.
Videoke songs ay isang worldly music at masakit sa ulo lalo kung pare-pareho lang ang kumakanta at kinakanta, tabi-tabi ang tugtugan at walang patutunguhan ang dahilan ng kanilang naisip na paraan kaya nila ginagawa ang ginagawa nila sa harapan ng microphone. Oo, kumakanta rin ako at may mga pili akong kanta na tingin ko ay angkop sa pagkatao ko o sa karanasan ko pero hindi sa paraang araw-araw akong haharap dito at uubusin ang panahon dito. Dati nakikisama ako sa mga kaibigan ko na baliw sa pagiging brokenhearted. I feel them pero hindi sagad. Para sa akin overacting na ang magpakalunod sa alak at kanta sa buong panahong wala kang minamahal. Jesus can be the one to love. Never ending pa. Dati rin collector ako ng mga song lyrics ng mga broken heart, natapos na ako doon at tinanggap ko na ang kapalaran ko. Minsan kong tinanong si God tungkol sa love life ko pero binalik niya ang tanong sa akin. Hindi ko masagot. I don't feel it. So, I don't need to wished for it. Siguro someone to be with or someone who cares is enough. Kamag-anak man o hindi basta matatawag na kaibigan sa lahat ng oras. Iyon, songs now is not good for me to hear every time. May isang bukod tanging song akong nakita sa YouTube kaya lang hindi puwedeng i- download. Ilang words lang iyon at mas mahaba pa ang rhyme at paulit ulit lang ang salita at specific ang word na nakasulat doon. Just like "Holy, holy, holy" na mababasa sa bible book na sinasambit ng 24 holy elders, ang lyrics naman nito ay "Holy, Holy, Holy, oh Father in heaven..." Something like that. Iyong kanta ay pagpupuri at kahilingan na makapasok sa kaniyang kaharian, ganoon ang tema. Composed by someone, I forgot the name. Matagal na at hindi nagagamit sa ibang mga okasyon dahil hindi public ang kanta maliban ngayong panahon na ito na uso na ang all kinds of media connection.
Considered worldly music ang mga ginagawa ng mga taong nagsasagawa ng concert prayer vigil na tinatawag dahil maingay ang lugar at gumagamit ng rock tempo sa kanilang tugtugin. Hindi allowed ang rock songs sa pagpupuri. Tulad ng kantang "Lord, Patawad" ay isang uri ng vain music or confessions. Nanghihingi ka ng tawad pero ang saya-saya mo at umiindayog ka. Samantalang ang nakasulat sa Bible, from the Lord Jesus himself said: Ngunit kapag mananalangin ka, pumasok ka sa iyong silid at isara mo ang pinto. Saka ka manalangin sa iyong Ama na hindi mo nakikita, at ang iyong Ama na nakakakita ng ginagawa mo sa lihim ang siyang magbibigay sa iyo ng gantimpala. Mateo 6:6
Iyon, kung nauunawaan mo ang ibig kong sabihin malalaman mo kung anong uri ng kanta ang mainam at dapat mong kantahin para sa sarili mo, para sa Panginoon, para sa namatay, para sa ikakasal, para sa kasiyahan, at kung ano-ano pa, at kung kailan lang dapat itong isagawa.
BINABASA MO ANG
ParaNormal ang Isipan Mo
SpiritualTama! paranormal ang isipan mo, basahin mo ito, sigurado mapapakamot ka na lang at mapapaisip sa katotohanan.