Pagsusuri sa Sarili

52 2 0
                                    

Pagsusuri sa Sarili (Checking Yourself)

Ano ba ang pagsusuri sa sarili? Ang unang tanong na papasok sa isipan mo habang ito ang bahagi na iyong binuksan.

Hindi checkup sa doctor ang pagsusuri sa sarili kundi ito ay checkup sa kaluluwa. Baka may sakit na ang iyong kaluluwa ay hindi mo pa alam. Oo, nagkakasakit din ang kaluluwa ng tao. Kung hindi nagkakasakit ang kaluluwa hindi sana injured ang panlabas na anyo ng tao. Hindi ba pangkaraniwan na malaman o marinig na ang kaluluwa ay puwedeng magkasakit? Totoong nakadarama rin ang kaluluwa tulad ng ating katawang lupa. Kung hindi, hindi sana sasabihing makasalanan ang gumawa ng nakasasakit sa kapwa.

Kung nakadarama tayo ng kalungkutan, isang bahagi ng ating katawan ay masakit lalo ang puso. Maging ang kalamnan natin ay nakararamdam ng hindi malinaw na sakit, ngunit alam nating malungkot tayo. May salitang akma sa nararanasan mo ngunit pakiramdam mo higit pa dito ang mga iyon. Kung galit tayo, mainit ang ating pakiramdam na tila gusto nang sumabog na tila bulkan. Ganoon din ang pakiramdam ng taong nilalagnat ngunit hindi malakas ang katawan bagkus ay mahina naman. Kulang na lang ay huwag nang bumangon sa higaan samantalang ang galit ay hindi mapakali.

Iyan ang mabuting pagkukumpara ng katawan at kaluluwa. Parehong nasasaktan, kahit na minsan hindi mo alam na sinasaktan mo na ang sarili mo.

Ngayon, kailangan nating suriin ang ating sarili. Kailan nagiging mali ang isang bagay sa ating buhay? At kailan nagiging kasalanan ang pasya na ating ginagawa?

May napanood akong isang video, mula sa babaeng American, ikinuwento niya ang naranasan niya noong nagdasal siya tungkol sa kalagayan niya bilang Christian, kung ano na ang lagay ng kaniyang sitwasiyon bilang believer of Christ. Sa kuwento niya, nagkaroon siya ng vision at nakita ang kaharian ng langit at ang babaeng nasa harapan ng Judgment Seat. Kung paano mo alam ang isang court room iyon ang kaniyang paliwanag. Dagdag din na maraming anghel sa paligid. Sa kuwento niya, kamamatay lang ng babae, nasa harapan at sinusuri sa kaniyang buong buhay bilang isang "christian". Kilala niya ang Lord Jesus na Tagapagligtas ng tao sa kasalanan, ngunit sa buong buhay niya hindi niya ginawa ang makinig sa panawagan ng Diyos. Sa tuwing may mga taong lumalapit sa kaniya na may kinalaman sa Christianity or teaching about God, lagi siyang umiiwas, laging may dahilan, laging "next time", "I'll do it BUT next time". Dati na siyang Christian o believer of Christ pero hindi fully develop ang kaniyang spiritual acknowledgment. Sa salita lang siya walang diwa. Meaningless kung baga. Pinakita sa kaniya ang buong buhay niya na patungkol sa pagiging makadiyos, bukod doon hindi rin siya nakapagsisi sa kasalanan niya(kung anoman iyon). By road accident ang ikinamatay niya at nang matapos ang paghatol sa kaniya, dinala siya ng appointed angel na pinangalanan niyang Gabriel, sa isang pintuan na nakikita naman ng nagkukuwento. Doon sa isang pinto, tinukoy niyang patungong impiyerno. Ibig sabihin lang na sa torment siya mapupunta hindi sa paraiso.

Ngayon, bilang isang believer of Christ, dapat mong laging suriin ang iyong sarili. Tulad ng sabi ni Bro. Sadhu, wash your clothe everyday.

Kaya kung inyong susuriin din ang mga nakasulat sa biblia tungkol sa mga nakita ni John sa revelation, sa mga taong santo at mga pumasa sa tribulation, na sila ay nakabihis ng puti, explanation iyon kung paano titingnan ang mga totoong walang kasalanan.

Habang narito tayo sa daigdig na ito, hindi mawawala ang kasalanan at hindi kahit isang saglit puwede mong sabihin na "wala kang kasalanan", iyon ay maling kaisipan. Kumbaga, nagbubuhat ka lang ng sariling upuan, binubuhat mo ang iyong sarili sa katayuang hindi ka naman sigurado. Kumbaga rin, pinawawalang-bisa mo ang pagkamatay ng Cristo sa Krus. Dahil sinasabi mong wala kang kasalanan gayong nasa katawang-lupa ka pa rin hanggang ngayon. Ang pinaka mainam na paraan diyan ay suriin mo ang iyong sarili sa tuwing akala mo ay hindi ka humalubilo sa mga gawaing makamundo.

Lahat ng mga nakikita mo ay pamamaraang makamundo, alam mo na ang pamamaraang makaespiritu ay patungkol sa Diyos malayo sa kagawian ng maraming bilang ng tao. Wala sinoman ang hindi kabilang. Hangga't hindi mo kayang lumayo sa mga bagay at isipan na hatid ng mundo hindi ka pa totoong nakawala dito. 

Kaya laging suriin ang iyong sarili.

Tulad ng mga paalala ni Paul sa mga taong kaniyang sinulatan, dahil marami sa kanila ay tumanggap ng Holy Spirit ngunit bumalik sa kagawiang nakasanayan nila, maging ang paganong paraan ay tinanggap nila.

Ang bawat pangyayari ay nauulit lalo kung nakakalimot ang tao sa kaniyang pagbabantay sa sarili maging ang pagsusuri dito. Kung ang bahay mo nga ay lagi mong sinisigurong hindi mapapasok ng magnanakaw dapat ganoon din sa iyong sarili dahil ito ang tahanan ng ating Panginoong Jesus ang Cristo.

May the Lord Jesus bless you and have mercy on you, every time you confess in from of Him. Amen.

Everyday is One Day Closer to End.

ParaNormal ang Isipan MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon