17. Ang Isinugo, ang Sugo, at ang Panginoon.

43 2 0
                                    

Pakatandaan ninyo, ang tumatanggap sa sinugo ko ay tumatanggap sa akin, at ang tumatanggap naman sa akin ay tumatanggap sa nagsugo sa akin.” Juan 13:20

***** Talakayin Natin *****

Nagsugo → Ang Panginoon ng mga Espiritu, ang Kataas-taasang Panginoon, ang Ama ng lahat ng nilikha, espiritu man o laman.

Sa akin (Sugo) → Ang Panginoong Jesus, ang Cristo, ang taga-pamagitan.

(Sugo, ang brand ng mani na may kapaitan ang lasa. Paglilinaw lang baka maligaw ang usapan. Sugo means send, pinadala.)

Sinugo → Ang mga Apostol na pinili. Labindalawa sila kahit na ang isa ay nagtaksil sa kaniyang Panginoon. Dahil siya ang katuparan ng mga nakasulat na at nakatakda na.

Nais kong magbigay ng tungkol dito para na rin sa mas nakararaming tao na "hindi naniniwala" sa mga taong Sinugo ng Panginoong Jesus sa kasalukuyang panahon, ang panahong ito na ating ginagalawan. Hindi lamang sa ibang bansa o sa Pilipinas may mga taong ganito mag-isip. Dahil nga hindi nila BINABASA NANG BUO ang mismong biblia kaya sila madalas matisod ng batong matalas.

Bawat bansa ng kasalukuyang panahon ay mayroong isa o higit pa na propeta o apostol na lalake na may kaugnayan sa mismong Panginoong Jesus. Madali lang naman silang makilala.

1. Hindi sila sumasama sa mga gatherings o party-party na hinahanda ng mga mayayaman. Kaya hindi mo sila makikita doon.

2. Hindi sila nakatira sa magarbong tahanan. May mga kagamitan man sila hindi iyon pinagsikapan o pinagtrabahuan, galing iyon sa mga taong nais silang maginhawaan. May mga sasakyan din sila pero hindi milyon ang halaga, madalas second hand.

3. Mas marami silang ginagawa kumpara sa normal na manggagawa ng factory o negosyante. Pero may day off din sila dahil nakasaad sa Sampung Utos na gawing banal ang Araw ng Pamamahinga.

4. Hindi sila nagsusuot ng alahas, kahit na relo pa iyan. Kung may suot man sila siguradong pangangailangan talaga iyon. Dahil ang oras ay hindi nila pinapansin.

5. Kusang-loob na pagbibigay ang hiling nila sa mga tao sa mga pangangailangan ng kanilang ginagawa dahil kailangan din nilang kumain - hindi puwersahan at walang numerong nakasaad na dapat ibigay.

6. Iniimbita sila sa isang pagtitipon ng mga taong naghahangad na makinig sa kanilang Mabuting Salita na mula sa Panginoon. Bago man o luma ang laman ng kuwento.

7. Nakikinig sila sa tinig ng mga ibang tao at hindi nakikipag-away dahil lang hindi pasok sa kaniyang unawa ang laman ng usapan. 

8. Sa tuwing nagbabahagi sila ng aral hindi nawawala sa kanila ang sariling karanasan na ibinabahagi nila kahit paulit-ulit na itong na ikuwento.

9. Masayahin silang tao kahit na ang tingin ng mga tao ay boring ang buhay na mayroon sila dahil walang nightlife, walang paganong kapistahan, walang luho na nakakapit sa katawan.

10. Ang kumikilos sa buhay nila ay hindi sila kundi inuutos sa kanila ang dapat gawin. Tanging ang mga pang-araw-araw na gawaing pansarili ang ginagawa nila na hindi saklaw ng Panginoong Jesus na nagsugo sa kanila. Kahit ang malaking gastusin nila ay hindi nila pinoproblema, hinatahid ang mga iyon sa kanila sa pamamagitan ng pagdulog nila tungkol dito.

Iyan ang sampung maaari kong ibahagi upang iyong makilala ang mga tunay na sumusunod sa Panginoong Jesus. Ang kasama ng Panginoon ng mga Espiritu mula pa sa simula at Siyang may karapatan sa mga nilalang na nasa lupa. Dahil Siya ay ang Salita na naging tao. Mula sa Kaniya tayo ay nilikha at mula sa tao siya ay isinilang at naging tao.

Mas malinaw na ang aking unawa mula nang aking pagsama-samahin ang aking mga binasang sulatin ng mga taong pinagkatiwalaan tungkol sa mga bagay na malapit nang pumanaw.

Naniniwala ka ba sa isinugo ng Panginoong Jesus? Ang mga apostol niya ay higit labindalawa. Bukod ang piniling labindalawa noon, dahil may katungkulan silang gagampanan sa takdang panahon. Sila ang magiging pinuno ng labindalawang lahi ng Jacob o Israel. Nabasa mo na ba ang tungkol sa Twelve Tribes of Jerusalem? Nasa Revelation iyon.

Iyan ang nais kong ibahagi.

ParaNormal ang Isipan MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon