Ang Panginoon ang Aking Kanlungan (Psalm 91)

20 1 0
                                    

1 Siyang naglalagi sa tagong lugar ng Kataas-taasan ay maglalagi sa silong ng lilim ng Pinakamakapangyarihan.

2 Aking sasabihin sa Panginoon, “Ikaw ang aking kanlungan at pangharang; aking Diyos sa iyo ako magtitiwala.”

3 Tiyak na ikaw ay kaniyang ililigtas mula sa patibong ng mambibitag, at mula sa nakaririmarim na salot.

4 Lulukuban ka niya nang kaniyang bagwis, at sa ilalim ng kaniyang pakpak ika'y dapat magtiwala; ang kaniyang katotohanan ay magiging iyong pananggalang.

5 Huwag kang matatakot sa panganib ng gabi; maging sa mga sibat na lumilipad sa umaga;

6 Maging sa salot na lumalakad sa kadiliman; maging sa pagkawasak na lantad sa katanghalian.

7 Libo man ay bumagsak sa iyong tabi, at sampung libo mula sa iyong kanan; ngunit ito'y hindi makalalapit sa iyo.

8 Sa iyong paningin lamang ika'y tumingin at tingnan ang gantimpala ng mga nagpakasama.

9 Dahil iyong ginawa na ang Panginoon, na siyang aking kanlungan, maging ang Kataas-taasan, iyong tahanan.

10 Walang masama na babagsak sa iyo, maging anumang salot ang lalapit sa iyong nilalagian.

11 Sapagkat kaniyang ibibigay sa kaniyang mga anghel ang pangangalaga sa iyo, upang ika'y panatilihin sa iyong lahat ng patutunguhan.

12 Sa kanilang mga kamay ika'y iaangat, nang sa mga bato paa mo'y hindi masisilat.

13 Iyong tatapakan ang leon at nakalalasong ahas: ang batang leon at ang dragon ay iyong tatalunin.

14 “Dahil kaniyang inilaan ang kaniyang pag-ibig sa akin, kung ganoon akin siyang ililigtas: ilalagay ko siya sa kaitaasan, dahil kinilala niya ang aking pangalan.

15 Siya ay tatawag sa akin, at akin siyang sasagutin;
Ako'y makakasama niya sa kaguluhan; akin siyang ililigtas at igagalang.

16 Sa mahabang buhay akin siyang pupunuin, at ipapakita sa kaniya ang aking kaligtasan.

Note: Tinagalog ko hango sa King James Version Previous & New. Ito ay isang sakdal o perpektong panalangin upang mailigtas ang isang tao, malayo man o malapit.

Ito rin ang kailangan ng mga nais makaligtas sa anomang kapahamakan.

Hindi ko nga lang alam awitin, at wala akong alam sa anomang instrumento.

ParaNormal ang Isipan MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon