20. Literature and Fiction VS Word of God

34 2 0
                                        

20. Literature and Fiction

Literature [noun] (uncountable)
* The body of all written works.
* The collected creative writing of a nation, people, group, or culture.
* All the papers, treatises, etc. published in academic journals on a particular subject.
* Written fiction of a high standard.

Fiction [noun]
* Literary type using invented or imaginative writing, instead of real facts, usually written as prose.
* (uncountable) Invention.

That's the meaning according to dictionary who made and given them the real analysis of the word.

Nais kong talakayin ang tungkol sa usaping ito na hindi pansin ng marami, kung tutuusin ay lahat. Unfortunately kasama ako doon, dati, hindi na ngayon. Medyo lang, dahil sabit pa rin ako kahit na paano dahil may ginawa akong sulatin na fiction. Sa totoo lang hindi purong fiction iyon dahil kalahati niyon ay nangyari na sa ibang tao na aking pinagkuhanan at ipinasok lamang sa katauhan ng taong naisipan ko.

Nais kong bigyang pansin ang mga bagay na hindi pinapansin ng buong mundo at dahil mas nanaisin pa nilang ipagkibit-balikat na lang ang mga ito.

Mayroon tayong subject sa school noong tayo ay nasa Elementary pa lang, kahit sa kindergarten ay mayroon na, at hanggang sa pagtuntong sa kolehiyo ay hindi nawawala ang subject na LITERATURE lalo na kung ikaw ay nag-aaral ng kursong may kinalaman sa speech enhancement o kaya naman ay teaching lalo na sa pagiging English subject-teacher, kahit sa Filipino o anomang speaking language ang mayroon ka. Inaaral natin ang mga kuwentong nakapaloob sa aklat na nilimbag ng paulit-ulit kada taon at taon-taon din na iba-iba ang ating napupulot na aral tungkol dito. Iyon ang sabi ng mga guro na siyang nagbibigay ng marka sa isang mag-aaral niya. Iyan ang kalakaran ng mundo nang matutong sumulat ang tao ng mga kung ano-anong uri ng kuwento. Kuwentong walang katotohanan.

Ang nais kong ipakita sa lahat ng mga makababasa nito, iparating ninyo sa kapwa ninyo ang tungkol dito, no exemption; matanda, bata, may college degree man o wala, lahat, na pagnilayan nila ang katotohanan. Anong mapapala natin sa pag-aaral ng mga bagay na walang katotohanan? Literature siyang maituturing ngunit ang bigay na kahulugan ng Literature ay isang fiction o kathang-isip lang. Sino ang nagpakalat ng mga bagay na ganito? May dapat tayong unahin kaysa sa pag-intindi sa mga bagay na walang tunay na silbi sa buhay. Ni hindi nga mapapakinabangan iyon paglabas sa paaralan. At hindi rin naman kasi existing o mahanapan ng pagtutugmaan.

Naisip ko itong isulat dahil na rin sa isang nagkomento sa aking naisulat na, sa ibang reading material, at dahil biglang kumanti sa aking isipan ang isang bagay na may kinalaman sa naging usapan doon. Ang tungkol sa mga fallen angel na pinarusahan ng Panginoon dahil sa kanilang malaking pagkakasala sa sangkatauhan. Dati ang tao ang mas makasalanan sa mata ng mga banal na espiritu ngunit nagbago iyon dahil sa pagsama nila sa mga tao at pagbibigay ng mga kaalamang hindi dapat na makamit ng tao. Ang punto ko dito ay, INAARAL natin ang tungkol sa mga walanghiya sa paningin ng Panginoon na siyang Lumikha sa atin at tumalikod sa kaniya dahil sa pagnanasa sa laman, samantalang ang mga mabuting turo ng Panginoong Jesus ay inalis sa pagtuturo sa loob ng paaralan. Ganoon ba kahalaga ang mga gawaing masama na hindi man lang matanggihan ng mga taong nagpagapi sa takot sa taong nasa ilalim ng kapangyarihan ng masama? Kaya ngayon ang buong mundo ay mas lulong sa mga kagawiang makamundo.

Ang hamon ko:

Mahal mo ba talaga ang Panginoon na Tagapaglikha? Kung mahal mo, bakit mo pala sinusunod ang mga turo ng Dakilang Manlilinlang ng sangkatauhan?

Kung ang magiging punto mo naman na ganito: puwede itong gamiting batayan sa mga susunod na panahon kung sakali lang na mapag-usapan. May punto ka naman doon, PERO huwag kalimutan na walang magiging mali kung ang sinusunod mo ay matuwid na patakaran. Hindi magiging mali ang mga bagay sa paligid kung ang lahat ng tao ay kumikilos ayon sa iisang utos hindi upang maging sunod-sunuran dahil robot kundi dahil walang bumabali sa utos na maging matuwid o huwag gumawa ng taliwas na bagay. Siyempre, sino namang baluktot ang isipan na susunod sa tuwid kung nais niyang maging baluktot. Ililiko at ililiko niya ang tuwid para sa kaniyang kagustuhan. Papatirin niya ang bigkis para hindi siya nakagapos. Hahanap siya ng paraan na umalis sa kapaligiran na hindi niya nais na gampanan. Iyan ang isang punto na ayaw ng mas nakararami dahil nga kalayaan ang iniisip nila. Malaya naman ang lahat iyon lang siyempre kung kalayaan na gumawa ng kamalian ang hanap mo isang lugar lang ang pupuntahan mo.

Marami na rin akong nabasa at na nalaman sa iba't ibang site na binubuksan ko, buong mundo ito, may mga tao na iniisip na isang fiction book lang ang Words of God, and Bible ng Christian, o anoman ang religion na kinabibilangan ng mga tao na kanilang binabatikos. Considered Antichrist ang mga iyon sa punto ng isipan nila. Dahil kilala nila ang binabatikos nila pero inaayawan nila ito. Hindi mo itatanggi ang isang bagay kung wala kang nalalaman tungkol dito. Maging isang uri man ito ng bali na buto at kung paano gamutin o isang uri ng sakit na bukol kung paano ito paliit. Hindi ka puwedeng basta tumanggi sa gagawing panggagamot ng isang tao dito maliban kung ito ay alam mo nang sablay. Sila, na mga taong may kaalaman na tungkol sa espiritu pero ayaw maniwala na magagawa ng espiritu na malaman ang nasa loob nila, sablay sila kung hanggang sa huling pagkakataon ay hindi sila nagbago.

Iyan ang nais kong ibahagi.

ParaNormal ang Isipan MoMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon