The Baptism of Repentance

31 1 0
                                    

2 During the high-priesthood of Annas and Caiaphas, the word of God came to John son of Zechariah in the wilderness. He went into all the country around the Jordan, preaching a baptism of repentance for the forgiveness of sins. Luke 3:2‭-‬3 NIV

Luke 3:2-20 was the whole story of this but since I need to elaborate it, specifically for the word "PREACHING A BAPTISM OF REPENTANCE", I shorten the Scripture I have taken. Do not be lazy to read the whole part of the given verses, it gives the very important message for a more clearer section of preaching of John as a Baptizer of water.

John baptize in water (physical water) and Jesus baptize in spirit (spiritual water).

Walang silbi ang tubig kung ito ay hindi masusundan ng diwa ng tubig (spiritual water).

Sa mga taong hindi alam ang silbi ng binyag, narito ang mainam na paliwanag upang iyong maunawaan ang tungkol sa BINYAG.

Ang ginagawa ni John na Tagapagbautismo ay sumigaw sa ilang upang manawagan sa mga tao, na sila ay magpabinyag sa pamamagitan ng tubig. At ang mga taong lumalapit naman ay iba-iba ang katanungan tungkol sa kaniya. Ang hanap ng tao noon ay kasiguruhan sa bagay na kaniyang sinasabi patungkol sa Paglilinis ng Kasalanan sa Pamamagitan ng Binyag sa Tubig. Ibinibigay niya ang mga bagay na kailangan nilang malaman tulad ng pagiging mabuting tao ng isang tao sa kapwa tao, pagiging maawain, pagiging kontento sa kung ano ang mayroon ka bilang manggagawa o kaibigan o mamamayan o anoman ang iyong katayuan sa buhay, sa pinakamaiksing salita, simpleng buhay. Kung may katungkulan ka ay huwag manlamang sa hikahos bagkus ay maging mapagbigay, mga bagay na sadyang hirap ang mga tao na gawin sa takot na maubusan. Mga ganitong bagay ang kaniyang sinasabi sa mga nais na mabinyagan ng tubig. May ilan sa kanila na hindi kaya ito, kaya kung susuriin din ay hindi lahat ng mga nasa kinalalagyan niya ay naniniwala sa mga bagay na sinasabi niya. Hindi mayaman ang lugar na kinabibilangan niya, kumpara sa panahon natin ngayon, lahat ng bagay ay madali, lahat ng bagay isang pindot lang.

Sa mas malawak na kaisipan: Hindi niya gagawin ang mga gawain na ito kung hindi ito ang totoo tungkol sa sangkatauhan.

Ang panahon natin ngayon ay nababalot ng samu't saring uri ng kasalanan na pinagkikibit-balikat lang ng maraming tao. Inaakala na ang buhay na kanilang kinatatayuan ay mainam na bilang isang Kristiyano. Ibang iba ang Kristiyano noon sa Kristiyano ngayon. Kaya't hindi maaaring sabihin na wala kang bahid kung sa tuwi-tuwina ay kapiling mo ang bawat bagay na nagdudulot nito. Mas mahaba pa ang oras mo sa gadget mo kaysa sa panahon mo sa harapan ng Diyos, at ng Cristo.

Kaya nga ang panawagan ni Juan, "Magsisi na kayo at talikuran ang inyong mga kasalanan, sapagkat nalalapit na ang kaharian ng langit."

"Magsisi na kayo at ituwid ang daan ng Panginoon"

“I baptize you with water for repentance. But after me comes one who is more powerful than I, whose sandals I am not worthy to carry. He will baptize you with the Holy Spirit and fire. Matthew 3:11 NIV

Kung hindi mangyayari ang pinaka mahalaga hindi rin maibibigay ang sinasabing binyag ng Espiritung Banal, na siyang sumisibol sa kaibuturan ng puso ng isang tao ang tunay nitong hangarin na dulot rin ng kapangyarihan ng Espiritu ng Panginoon. Hindi ka mapapasailalim sa kaniyang kapangyarihan kung hindi ka matitinag, na magsisi sa mga maliliit na bagay. Walang silbi ang Binyag kung uulit at uulit ka rin namang gumawa ng kasalanan. At wala ring silbi ang binyag na walang ginawang Pagsisisi sa mga Kasalanan.

Mula nang umakyat sa langit ang Panginoong Hesus, nang siya ay mamatay bilang tao, naging ganap ang kaniyang pasakit para sa mga taong nais na sumunod sa kaniya, na nagbibigay ngayon ng kaluwalhatian sa kaniya. Walang sinoman ang hindi nakadinig sa kaniyang pangalan ngunit marami ang ayaw tumanggap. Hindi Siya magiging ganap sa buhay ng isang taong ayaw tumanggap sa Kaniya dahil ang tao ang pinipili ng kaniyang susundin. At marami ang nag-aakalang tama ang kanilang tinatahak. Ang pagpili sa inaakalang mabuti ay hindi pala mabuti, kaya kinakailangan nila ng pagsisisi sa mga nagagawang kasalanan. At iyon ay tinatawag rin na Muling Pagsilang sa pamamagitan ng Pangdiwang Kahalagahan (Born Again according to Spiritual Essence). Naroon naman iyon sa mga sulat ni Apostle Paul, sa mga taong kaniyang kinausap sa pamamagitan ng sulat. (Corinthians at Galatians).

Ang born again ay hindi isang samahan o religion, ito ay isang patunay. Ang muling isilang nang paulit-ulit ay hindi masama lalo kung para sa ikabubuti ng kaluluwa ang iyong ginagawa. Ang mangumpisal sa harapan ng Panginoong Hesus ay higit na kailangan kaysa sabihin mong "wala kang kasalanan" na naipon sa araw-araw mong buhay bilang tao. Lahat ng bagay dito sa mundo na ating nakikita ay may kahulugan sa mundo ng mga espiritung nasa langit.

(Kung naiisasalin lamang ng mabuti ang ating salita mas madali sanang maunawaan ng iba na ang salitang diwa at pangdiwa/pandiwa ay, sa English spirit and spiritual.)

Palaging tatandaan, ang pagiging born again ay pagsisisi sa mga kasalanan, tulad ng sigaw ni John, "Magsisi na kayo at talikuran ang inyong mga kasalanan, sapagkat nalalapit na ang kaharian ng langit."

ParaNormal ang Isipan MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon