Pag-usapan natin ang tungkol sa multo na halos lahat ay takot dito, bakit kaya?
Takot ka ba sa multo? Sigurado naman na oo ang sagot.
Alam mo ba na ang mga multo ay hindi naman dapat katakutan? Tama! Paano mo gagawin ang ganoon?
Ilagay mo sa isipan na hindi nila magagawa ang bagay na kayang gawin ng taong katulad mong buhay. Oo, nakatatakot sa pakiramdam na may isang hindi basta nakikita na nilalang na nasa iyong tabi ngunit hindi sila dapat katakutan. Maaari mo silang itaboy sa pamamagitan ng dasal at pananampalataya na mapapaalis mo sila at masasaktan sila sa ganoong paraan. Dahil ang mga multo o espiritung ligaw ay kalaban ng Diyos. Sila ang mga sinaunang mga tao na dalawa ang pinagmulan; isang laman at isang espiritu na makapangyarihan.
Tumpak ang iyong katanungan! Saan ko naman nakuha ang kaalaman na ganoon?
Sa mismong aklat ni Enoch! Ang aklat ng katotohanan tungkol sa mga sinaunang tao bago pa gunawin ang lupa na tirahan ng tao sa pagkalunod sa muling pagsasama ng dalawang tubig na dating pinaghiwalay upang lumitaw ang lupa at maging isang tirahan. Alam mo iyan, kung nabasa mo na ang banal na aklat, ng katotohanan, hindi lihim ang tungkol doon. Inililihim lamang ng mga taong ayaw ipaalam sa lahat ang tungkol sa kaganapang iyon. (Hindi ko na kailangan pang ipaliwanag kung sino ang mga iyon, ang mahalaga ay narito ang magiging paliwanag.) Sila ang mga nabuhay pagkatapos na magkasala nina Adam at Eva. Nagkaroon sila ng mga anak, bukod sa mga anghel na nakatira din sa lupa hindi bilang mamamayan nito kundi mga suwail ng langit. Sa kanila nanggaling ang mga tinaguriang masamang espiritu na nagkalat sa buong daigdig.
Mula sa panahon ni Adam ng mga salinlahi na dumami, dahil halos isang era ang katumbas ng buhay ng isang tao noon bago mamatay. Si Adam ay 900+ mahigit, at ang mga sumunod sa kaniya ay hindi nalalayo. Ang pinakahuling kapanahunan ay ang sa ikapito ngunit hindi ang taong nasa panahong iyon ang gumawa ng bangka na malaki, si Enoch ang sumulat ng aklat na minana naman ni Noah. Kaya alam na niya ang tungkol sa parating na baha. Malaki na rin ang papulasyon ng mundo dahil walang family planing noon. Gets? Pitong libong taon mahigit, mantakin mo iyon? Ganoon na katagal ang daigdig nang masira bukod sa sinira ng mga may gawa, ang mga tinaguriang masamang espiritu.
Ang mga masamang espiritu ay ang mga anak ng mga tagapagbantay ng langit. Iyon ang trabaho nila sa langit at iyon ang tawag sa kanila. Sa kabuoan ang tawag ay anghel. Katulad ng tao, iba-iba ang nationality ngunit iisa ang pinagmulan. Ang tawag sa ating lahat ay tao, mapababae o lalake. Iyon din ang unang pangalan ng babae at lalake bago magkasala. Nasa aklat iyan ng biblia. Nababago lang dahil sa mga nagsasalin, sila ang sisihin mo kung hindi mo makita ang dating limbag. Sila ang may kasalanan sa maling kahulugan at spelling ng mga nababasa mong salin ng biblia. Binabago nila dahil hindi kaya ng mga dila nila. (Nanisi pa.) Ang mga masasamang espiritu na iyan ay naging bahagi na ng lupa dahil hindi sila pinayagan na mapunta sa langit at hindi dapat na mabuhay na walanghanggan. Kaya nga pinalayas sina Adam at Eva sa Hardin dahil sa hindi pagsunod sa nakatakdang tuntunin at inilayo sa bunga ng puno na nagbibigay ng walanghanggang buhay dahil nagkasala sila, iyon pa kayang mga anak ng mga suwail na anghel! Kasalanan ang ginawa nila dahil ang nakatakda sa kanilang tungkulin ay iniwan nila, sa halip ay bumaba sa lupa at nag-asawa ng tao samantalang mga espiritu silang uri.
Sa mas malinaw na rin na paliwanag, hindi lahat ng espiritu ay anyong tao, kaya nga dragon at serpent ang nakasulat sa biblia dahil iyon ang tunay na anyo ng espiritu na iyon. Kaya huwag kang magtaka kung bigla isang araw sa buhay mo ay makakita ka ng ahas na nagsasalita o anomang bagay na nagsasalita, dahil sila ay makapangyarihan kahit na sila ay pumanaw na. Mas lalo ang pinagmulan nila! Hindi na mababawi ang mga bagay na iyon dahil kaakibat ng katangian nila iyon, tulad ng mayroon ang tao.
Ngayon, naambunan ng kaalaman ang iyong isipan na hindi madalas na pag-usapan sa umpokan, mapapaisip ka dahil baka gawa-gawa lamang ito ng sumulat nito. Isang mabuting paalala na rin na ang mga bagay na likha ng Diyos ay hindi lamang tao. Pinakahuling likha ang tao kaya huwag kang magtaka na wala kang katibayan na lumitaw sa kung saan na nagsasabing 'likha din ako, huwag kang matakot, mas natatakot naman ako sa iyo,' biro lang. Kaya kung mapagpaniwala ka sa mga alien, mas dapat mong paniwalaan na may mga hindi nakikitang nilalang na nasa paligid, sila ang gumagawa ng masama sa mga babae at mga bata, at mga nasa langit. Dahil ang alien ay kathang-isip ng mga tao hindi iyon gawa ng Diyos. Kasi, bakit ka mo? Sa tagal nang mayroong balita tungkol sa UFO, bakit hanggang ngayon ay wala pa rin naliligaw sa magagandang pulo ng Pilipinas? At bakit doon lamang sa mga lugar na mga high-tech na bansa lang mayroong lumilitaw na ganoon? Matalino ang Pilipino hindi ba? Bakit hindi mo naisip iyon? O kinakalawang na talaga ang perception ng mga tao dahil sa malawakang panlilinlang ng DECEIVER of ALL GENERATION. 'Thinking out loud'
Ang lakas mong manakot tungkol sa multo at kung ano-ano, ngunit hindi mo man lang ba naisip na balikan ang totoo tungkol dito? Magpapadala ka na lang ba dahil uso ang maging makasalanan? Kasalanan ba ang manakot? Oo, bakit hindi mo tuklasin ang tungkol diyan!
Marami ang puwedeng mangyari sa taong tinakot at natakot. Mas mabuti sana kung ang tinatakot mo ay tunay na makasalanan, paano kung hindi, e di ikaw ang may kasalanan?
BINABASA MO ANG
ParaNormal ang Isipan Mo
SpiritualTama! paranormal ang isipan mo, basahin mo ito, sigurado mapapakamot ka na lang at mapapaisip sa katotohanan.