26. Ang Mga Babala at Palatandaan.

57 3 0
                                    

26. Ang Mga Babala at Palatandaan.

Joel 2:28‭-‬32 MBB05 “Pagkatapos nito, ipagkakaloob ko ang aking Espiritu sa lahat ng tao: 1 ipapahayag ng inyong mga anak na lalaki't babae ang aking mga mensahe. 2 Magkakaroon ng mga panaginip ang inyong matatandang lalaki, at makakikita ng mga pangitain ang inyong mga kabataang lalaki. 

Sa panahong iyon, ibubuhos ko rin ang aking Espiritu maging sa mga alipin, lalaki man o babae

“Magpapakita ako ng mga kababalaghan sa langit at sa lupa; 1. dugo, 2. apoy at 3. makapal na usok. 

Ang araw ay magdidilim, at ang buwan ay pupulang parang dugo bago dumating ang dakila at nakatatakot na araw ni Yahweh. 

At sa panahong iyon, ang lahat nang hihingi ng tulong kay Yahweh ay maliligtas. Gaya ng kanyang sinabi, may ilang makatatakas sa Bundok ng Zion at ang aking mga pinili'y makaliligtas sa Jerusalem.”

Mateo 24:29 MBB05 “Pagkatapos ng kapighatian sa mga panahong iyon, magdidilim ang araw, hindi magliliwanag ang buwan, malalaglag mula sa langit ang mga bituin, at mayayanig ang mga kapangyarihan sa kalawakan.

Pahayag 6:13 MBB05 Nalaglag mula sa langit ang mga bituin, parang mga bubot na bunga ng igos kapag binabayo ng malakas na hangin.

Lucas 17:26‭-‬30 MBB05 Ang pagparito ng Anak ng Tao ay matutulad sa nangyari noong kapanahunan ni Noah. Ang  mga tao noon ay nagsisikain, nagsisiinom at nagsisipag-asawa hanggang sa araw na sumakay si Noah sa barko. Dumating ang baha at namatay silang lahat.

Gayundin ang nangyari noong panahon ni Lot. Ang mga tao'y nagsisikain, nagsisiinom, bumibili, nagtitinda, nagtatanim at nagtatayo ng bahay. Ngunit nang araw na umalis si Lot sa Sodoma, umulan ng apoy at asupre at natupok silang lahat.

Ganoon din ang mangyayari sa pagdating ng Anak ng Tao.

***** Ang Paliwanag *****

Mula noon hanggang sa pinakahuling pahayag tungkol sa katapusan at pagdating ng Panginoong Jesus ay ilang ulit itong mababasa sa mga talata ng mga Propeta. Malayo pa lang ang mga magaganap ay naipahayag na ito na darating.

May mga taong makitid ang isipan kahit na ilang beses na nilang nabasa o may kaalaman na tungkol sa mga bagay na darating sa hinaharap. Ang iba naman ay dahil nakalilimot sa mga ganito, kasama na rin ako dito. (Kaya ko ito ginagawa ay upang aking balikan ang mga ito sa panahon na kailanganin kong basahin uli.)

Ang mga palatandaan na sinabi sa mga pahayag ng mga propeta ay naramdaman ng buong daigdig simula noong lisanin ni Cristo Jesus ang lupa. Ang dating paisa-isa ay naging higit o dumami tulad ng paglindol na isang pinaka hindi maunawaan ng marami. Ang iniisip ng iba tungkol dito ay dahil nagkakaroon ng ampaw sa pagitan ng mga bato sa ilalim, at idinikit na rin ito sa mga bagay na may kinalaman sa pagputok ng bulkan, at kung ano-ano pa na tinatawag na erosion sa science.

Pati ang pagbabago ng kulay ng buwan ay iniisip na dahil ito sa pagsapaw naman ng anino ng mundo sa buwan, samantalang ang daigdig ay higit na mas malaki sa araw at buwan, ayon na rin sa pagkakapaliwanag nito sa paglikha dahil ito ay inilagay sa itaas ng lupa sa may himpapawid at hindi sa isang walang patutunguhang kalawakan o space. Ayon din sa aklat na pinagsalin-salin ng mga anak ni Enoch, mula kay Noah, na siyang pinagbilinan tungkol dito, na siyang natira at nabuhay pagkatapos ng pagkalunod ng mga pinuksa at paglitaw ng panibagong buhay sa lupa, na kanila itong itinago at nakalimutan ng mga naging angkan ng panibagong lahi. At kaya iniisip ng iba na imposible ang propeta sa sinaunang panahon dahil ang iniisip nila ay no read no right ang mga tao noon. Sino ba ang nagturo kay Adam na magsalita? At sino ang kasama nina Adam at Eva sa Halamanan ng Eden noon? Sino ba ang nagbigay ng pangalan sa mga hayop sa loob ng Halamanan ng Eden? Nakalimutan ng lahat na ang Lumikha sa tao ay isang Makapangyarihan sa lahat, siya rin ang nagbago ng pananalita ng tao nang hamunin at balakin ng mga sinauna na makaakyat sa langit.

Ang tawag natin sa panahon ngayon ng Pagbabago ng Kulay ng Buwan ay Blood Moon.

Ang tawag natin sa panahon ngayon ng Pag-uga ng Lupa ay Earthquake.

Ang tawag natin sa panahon ngayon ng Pagdidilim ng Araw ay Solar Eclipse.

Ang tawag natin sa panahon ngayon ng Paninira ng mga Balang by Farm Pest.

Ang tawag natin sa panahon ngayon ng Pagdami ng mga Niknik ay Dengue.

Ang tawag natin sa panahon ngayon ng Pagpait ng Tubig ay Water Pollution.

At marami pang bagay na nakasulat sa mismong biblia ngunit hindi alam ng marami ang tungkol dito. Hindi ko rin alam kung mapapasok sa isipan ng mga babasa ang tungkol dito, dahil mas malaki pa rin ang bilang ng mga ayaw ng katotohanan kaysa sa mga taong nais lagi ng totoo at ayaw na nililinlang sa kahit maliit na paraan.

Noon, hindi ko rin ito alam, dahil hindi pa ako nagsusuko ng buong sarili sa harapan ng Panginoong Jesus. Kilala ko ang tinatawag nating Cristo pero dahil lamang iyon sa mga turo na mula sa paaralan at ibang mga paraan na may kinalaman sa pagpapakilala tungkol sa ating Tagapagligtas sa mundo na puno ng kasamaan. Madaling sabihin na kilala mo ang Cristo pero kapag hinanapan ka na nang patunay, hindi mo alam kung paano ipapakita sa tao. Hindi iyon kuwento na galing sa bible kundi kuwento kung paano mo naramdaman, at mga bagay na may kinalaman sa kaniya o nais niyang sabihin din sa iyo. Mauunawaan mo ang isang simpleng panaginip o isang simpleng bulong ng hangin. Hindi iyon tulad ng mga hinihingi na "oh, please I need a sign like a color pink sando with number 143 at the left chest." Hindi ganoon. The communication is through feelings and heart. Minsan hindi ko na maramdaman dahil distracted ako ng mga bagay-bagay tulad ng 1. television, 2. mga kasama sa bahay na mahilig magkuwento ng mga tsismis, 3. pagkaubos ng oras sa phone games instead na ituon ang isipan sa pagbabasa at mas malalim na pang-unawa sa Biblia, at iba pang mga hindi kanais-nais sa listahan na nakapaloob sa pagiging matuwid at puro ng kalooban. Dahil ang bawat salita na galing sa ibang tao ay malaki ang nagiging epekto nito sa taong nagninilay at mabilis makawasak ng binuong connection. Iyon ang nakuha ko sa pakikinig sa mga YouTube ministry na mula mismo sa Panginoong Jesus habang sinasabi ng mga propeta at diviner. Ang Holy Spirit Anointing ay laging nauudlot dahil sa mga bagay na hadlang.

Ikaw na bumabasa nito, handa ka na ba sa Pagdating ng Cristo? Naunawaan mo ba ang nakasulat sa talata na kinuha ko? Sa pinakamaiksing paraan na ang paliwanag nito, nakuha mo kaya?

I suggest read the Psalms pertaining to Wisdom.

Don't just pray for money, position, house, lover, and other common things. Instead, pray for repentance, pray for people's well-being, people who is lost, for your enemy, for your everyday walk.

Do not pray for world peace, without specification where to place it or who can claim for it. Much more if you're seeing that angels cannot perform battle and peace at the same time. Cannot even save or watch the needy people while the offenders are planning bad to the innocent. Instead, pray for salvation of innocent like: on going war, in any part of the world there were innocent people under the power of evil. They need your power of prayers, instead of you -wishing for new bags, new boyfriend and girlfriend, new promotion, etc, etc.

That's all for enlightenment.

All the Glory to God and YahuShua HaMashiach.

ParaNormal ang Isipan MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon