Ina... Anak

47 1 0
                                    

Ina... Anak

Scriptures from John 19:25-27 NIV Near the cross of Jesus stood his mother, his mother’s sister, Mary the wife of Clopas, and Mary Magdalene. When Jesus saw his mother there, and the disciple whom he loved standing nearby, he said to her, “Woman,  here is your son,”  and to the disciple, “Here is your mother.” From that time on, this disciple took her into his home.

Scriptures from John 19:25‭-‬27 KJV Now there stood by the cross of Jesus his mother, and his mother's sister, Mary the wife of Cleophas, and Mary Magdalene.  When Jesus therefore saw his mother, and the disciple standing by, whom he loved, he saith unto his mother, Woman, behold thy son!  Then saith he to the disciple, Behold thy mother! And from that hour that disciple took her unto his own home.

Talata mula kay Juan 19:25‭-‬27 MBB05 Nakatayo sa tabi ng krus ni Jesus ang kanyang ina at ang kapatid nitong babae, si Maria na asawa ni Cleopas, at si Maria Magdalena. Nang makita ni Jesus ang kanyang ina at ang minamahal niyang alagad na nasa tabi nito, sinabi niya, “Ina, ituring mo siyang sariling anak!”  At sinabi niya sa alagad, “Ituring mo siyang iyong ina!” Mula noon, sa bahay na ng alagad na ito tumira ang ina ni Jesus.

Check First the Difference.

Sa Tagalog na salin, ang mismong salita ay malaki ang kamalian samantalang sa British Old English at New English ay wala halos kaibahan.

Ito ang nais kong bigyang pansin sa mga malaking kamalian ng BUONG MUNDO at mismo ng taong nakaayon lamang sa kaniyang unawa tungkol sa talata ng mga Salita ng Panginoon. Isang malaking kaparusahan ang gawing mali o iayon sa iyong unawa ang nilalaman ng bawat talata. At maraming Pilipino ang nagkabuhol-buhol sa pang-unawa tungkol sa kanilang mga salin. Sinasalin nila ang mga pangungusap ayon sa unawa nila hindi ayon sa pangungusap kung paano ito nakasulat. Saka mo lang malalaman na mali ang pangungusap kung ito ay iyong babasahin ng tuwid. Saka ka lang puwedeng humanap ng angkop na salita para sa salitang hindi nararapat. HINDI DAPAT BAGUHIN DAHIL HINDI MO NAUUNAWAAN ANG PANGUNGUSAP.

KAHULUGAN NG “INA, MASDAN ANG IYONG ANAK, AT sa alagad, MASDAN ANG IYONG INA.”

Mary ang pangalan ng ina ng ating Messiah/ Christ/ Tagapagligtas. Sa ibang ibig sabihin ng Mary ay beloved o pinakamamahal. (Hindi superlative o comparative, kundi ay adjective).

Basahin ang talatang ito:

Matthew 3:16‭-‬17 KJV And Jesus, when he was baptized, went up straightway out of the water: and, lo, the heavens were opened unto him, and he saw the Spirit of God descending like a dove, and lighting upon him:  And lo a voice from heaven, saying, This is my beloved Son, in whom I am well pleased.

Mark 1:11 KJV And there came a voice from heaven, saying, Thou art my beloved Son, in whom I am well pleased.

English ang kinuha ko dahil higit na stumbling blocks ang translation sa Tagalog lalo kung nakaayon sa unawa ng nagsalin.

1. ITURING sa English ay maaring gamitin ang "consider" ngunit wala sa pangungusap ang salitang iyon.
2. BEHOLD sa Tagalog ay maaring isalin bilang "masdan"o "tingnan", na ang ibang salin din ay "see" o "look". Depende sa paggamit ng salita sa pangungusap pero HINDI DAPAT BAGUHIN.
3. THY sa Tagalog ay maaaring isalin bilang "iyo o ito" o "iyan o hayan o ayan". Ito ay possessive form mula sa Old English. (Thou, Thee ay katulad).

Ngayon, nakita mo na ang malaking kamalian ng pagsasalin ng Tagalog mula sa foreign language na nakaayon sa iyong unawa hindi sa pangungusap na iyong isinasalin.

NARITO ANG KAHULUGAN NG “Ina, masdan mo ang iyong anak,” at “Masdan mo ang iyong ina.”

Tayo ang taong tinutukoy dito na dapat nating masdan ang Anak. Ang Ina ay ang daigdig. Ang nilalaman ng daigdig ay ang mga tao na iniligtas mula sa kasalanan. Ang Anak na nakapako sa krus ang nagsasalita habang nakatingin sa kaniyang mga minamahal. Minamahal Niya tayo kaya niya ginawa ang ipagpakasakit ang ating mga kasalanan gamit ang katawan na katulad ng sa tao.

Ngunit ang masaklap sa mga tao, ay makakalimutin.

Nakalimutan na ang totoong dapat na gawin. Naaalala lang ang lahat kapag dumarating ang suliranin at matinding pagsubok. Kakaunti ang totoong nananatili sa kung ano ang talagang dapat gawin, subalit katulad din ng nakararami, nahahatak ng puwersa ng lahat. Totoo, mahirap kumilos sa lugar na pinupugaran ng mga taong sanay at walang balak baguhin ang kanilang buhay at nakasanayan.

Ang malaking bilang pa ng mga tao ay dinadaan sa pag-alala sa pamamagitan ng paggawa ng imahen na kanilang gagamitin sa pag-alala. Pagkatapos ay iniisip nila na ang rebultong iyon ay ang Tagapagligtas. Iyon ang kilala nila, iyon ang sinasamba nila. Pati ang babaeng tinutukoy doon ay ginawan nila ng rebulto at sinasamba nila at inaalayan ng dasal. Oo, totoong pinagpala si Mary sa lahat ng babae, PERO hindi siya ang dapat hingian ng himala ng buhay. Ang pinakamamahal na tinutukoy sa mga talata na nasa halimbawa ay ang Cristo, ang Messiah, ang Anak ng Diyos, ang may taglay ng kapangyarihan ng Ama, hindi ang Ina.

Sa isang napanood kong YouTube Video tungkol kay Mary... The Divine Love of God, siya ay isang malaking hiwaga rin.

Hindi pa pumasok sa isipan ninoman kung:
1. SINO SI MARY?
2. SAAN SIYA GALING?
3. SINO ANG KANIYANG AMA AT INA?
4. ILAN TAON NA SIYA NANG MAGDALANG-TAO?

Ang isasagot ng marami: Siya ang Ina ng Messiah. Siya ay taga-Nazareth, Galilee, Jerusalem, Israel, at kung ano-ano pa. Siya ay ang napangasawa ni Joseph. At isang malaking katanungan ang iba.

Ikaw, alam mo ba?

Sa napanood ko napaisip ako sa nilalaman nito mula mismo sa Panginoon YahuShua. Nasa mismong mga talata ng Old Testament ang sagot. Iniisip ko pa rin iyon kahit na ginagawa ko na ito. Hindi ko pa mailalagay dito dahil hindi pa ako sure kung paano ko ilalagay sa salita ang iniisip ko.

Malay mo ikaw ang makahanap ng sagot.

Hoping The Lord will Guide Us from this Knowledge so we may think of going back to Him by this simple yet hard MYSTERY. AMEN.

GOOD LUCK!

ParaNormal ang Isipan MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon